"Hoy!!! Mga ka-kosa!!! may good news ako sa inyo!" sigaw ng isang kasama ko dito sa preso, na dumayo pa yata sa Mars para lang makasagap ng balita dahil na rin sa pawis nya na tumutulo tanda ng pagtakbo.
Lima kaming babae na magkakasama sa isang kulungan, si Rosalia Ong o kilala sa pangalang Rosa-ang messenger ng grupo, taga-sagap ng balita mula sa loob at labas ng preso at taga-hatid naman dito sa grupo namin. Kung paano nya nagagawa? Ginagamit nya ang ganda nya kay Alien Toda na hepe ng pulis dito sa loob ng preso.
" Hoy! Rosa pumunta ka na naman doon sa Mars kaya ka nagmumukhang alien eh" sigaw ni Bob kay Rosa habang may hawak na rake kaya nagtawanan ang lahat, kahit nga ako eh.Nandito kasi kami sa labas ng kulungan kung saan pwede magtanim ng mga halaman at kung ano-ano pa na para mapababa yung kaso namin, nga pala sya si Bobleah Batungbato -ang utak ng grupo, in short matalino.
At tsaka totoo naman kasi, kapag nandun ka sa mga pugad ng mga pulis na nagbabantay sa amin o kung tawagin namin Mars magiging ka-uri ka rin nila. Mga mukha kasing mga alien ang mga pulis doon na nagbabantay sa amin, mga naghaha-hariharian.
" Eh ano naman ngayon!? At least ako nakakasagap ng balita galing sa labas ng preso at may datung pa " napabaling ulit ako kay Rosa habang winawagayway ang pera, sa tingin ko limang libo ito.
" Hahahaha!!! ang sabihin mo sumisipsip ka lang kay alien Toda" sabat naman ni Kikay habang may hawak na garden hose, sya si Kikay Baninay - the trouble magnet, kung anong ikinaganda ng pangalan nya ay syang kabaligtaran nito. Girly na girly ang dating ng pangalan nya pero lagi syang laman ng mga away dito sa loob ng preso kahit yata nung nasa labas pa sya.
"Hmpp! Inggit ka lang sa akin Kikay dahil pinapansin ako ni papa Toda" pang-aasar ni Rosa kay Kikay.
" Tangina mo!!! 'wag mo akong igaya sayo! hindi ka pa nadala sa pagiging pokpok mo" sagot naman ni Kikay habang nakadekwatro.Immune na yata si ate Rosa sa mga binabato sa kanya, makikita naman sa mga asaran nila diba?
" Tangina mo rin!!! At least ako nabibiyayaan ng pera sa kakadikit ko kay Papa Toda, kaysa naman ikaw kababaeng tao nakikipagrambulan dito sa preso." sigaw ni Rosa kay Kikay.Oo nga naman, bakas pa ang mga pasa sa mukha ni kikay nung nakisali sya kahapon sa rambulan dito sa preso.
" Anyway highway, ano pala yung good news na sinasabi mo Rosa? " rinig kong sabi ni Tonia kay Rosa habang hawak ang garden trowel, sya si Antonia Reyes o mas kilalang Tonia, ang happy go lucky ng grupo, pero wag ka, she is one of the syndicate, na syang nagtuturo na isa syang tulak droga.
" Ay! oo nga pala, buti pinaalala mo. Usap usapan daw dito na darating yung dalawang gwapong attorney!" sabi ni Rosa na tumitili pa.
" Oh? talaga, eh kaninong kaso naman ang hahawakan nila?" sabat ni Bob
"Ang balita daw pinsan daw ng mga Heartily, ewan ko lang yung isa kung ano yung hawak nya na kaso" Rosa said
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang salitang Heartily, hindi kaya ako yun? Ako lang naman ang nakulong sa aming magpipinsan dahil sa kasalanan na di ko naman ginawa.
" Talaga!? Naku panigurado mapapanalo nya na naman yun, hay sana ako din" rinig kong sabi ni Bob
Attorney. Maipanalo ang kaso. It's so funny, if I don't want to to have those because I think it will be a prove that I am really guilty about this cased that are really not my fault...but I need it, I...really need it. I missed them, are they fine? I hoped they are fine.
I stopped in thinking of them when ate Kikay called me.
"Maine, nalulunod na ang halaman " napalingon agad ako kay Kikay nang marinig ko ang sinabi nya. Agad kong nabitawan ang garden hose nang nakita kong nalulunod na ang halaman na dinidiligan ko.

YOU ARE READING
The Law of Love
Ficção GeralLove series 1 In our whole life there is a law that we need to follow pero sa totoo lang may isa o higit pang mga rules or law ang hindi natin sinusunod. Meet Sheree Maine Garcia, she's known as a silent type of person, a conservative and good gir...