Framed up
"Guys! Tara na sa loob" sigaw sa amin ni Vicky pagkaparking ng motor ni Kevin. Kakaparking lang siguro ng motor ni Victor dahil huli syang sumunod kay Vicky.
"Beb, wala pa yata si Kenly" sabi nya kay Vicky.
Luminga din kaming tatlo nang wala pa nga si Kenly. " Baka na-traffic lang yun, Vicky" baling ko kay Vicky
"Chat nyo nga. Baka tumambay pa yun kung saan kasama ang boylet nya" frustrated na sabi ni Vicky at sinunod naman sya ni Victor dahil sinilip ko ang cellphone ko at nakita ang message ni Victor sa group chat.
After five minutes, narinig na namin ang isang harurot ng sasakyan tsaka nagparking sa parking lot. "Ang tagal mo naman bakla" saad ni Vicky pagkalapit nya dito at tsaka hinampas nya sa balikat pagkababa pa lang ni Kenly sa kotse.
"Sorry na girl" natatawang sabi nya kay Vicky. Napasinghap si Vicky at kulang umusok ang ilong nya tanda ng pagkainis
"Kinginamo ka, bakla ka!!! May gana ka pang tumawa ha? Imbis na nasa loob na tayo, eh nagtagal ka pa!!! Anong ginawa mo ha!!! Ba't ang tagal mo!!!"
Nagulat ako kay Vicky, para ako yung hindi makahinga sa mga sinasabi nya dahil dire-diretso at walang tigil, lalo na't nakasigaw sya. At ang reply sa kanya ay isang napakalakas na tawa kahit ang mga lalaki ay tumawa na rin. Ako lang yata ang hindi natawa syempre sinong makakatawa doon kung ang kaharap mo ba naman galit na galit sayo kulang na lang patayin ka sa sobrang talim ng tingin ni Vicky.
"Hahahaha....hinatid ko lang sya sa bahay nila malapit kasi yan dito, ano ka ba girl. 'Wag ka ngang oa"
"Lelang mo bakla. 'Wag mo akong lokohin!"
" Alam mo, lalong mababawasan ang oras natin kung magtatagal tayo dito." Sabay akbay ni Kenly kay Vicky "Kaya pumasok na tayo" sabay bitaw nya kay Vicky kasabay ng pag-sang ayon namin na pumasok na at ang pumalit naman kay Kenly ay si Victor na syang nakaakbay na kay Vicky. Para bang pinapakalma nya ito.
Wala kaming ginawa kundi lumibot sa Mall at mag-window shopping. Nagtagal lang yata kami nang nasa store na kami ng mga pang-make up. "Vicky, kanina pa tayo ikot ng ikot. Wala ka pang nabibili kahit isa. Hindi ka pa ba pagod?" Nagmamakaawang sabi ko sa kanya dahil pagod na ako kakaikot pero wala pa naman syang nabibili kahit isa.
"Bebe girl. Kailangan tignan ko munang maigi para sure na yun talaga ang bibilhin ko" napasimangot na lang ako sa kanya. Hindi naman ako masyadong obsessed sa ganyan, hindi ako mahilig mag-make up dahil nangangati lang ang mukha ko sa mga ganyan.
Napatingin ako sa labas at nakita ko ang tatlong lalaki na mga kasama namin na nakaupo na sa gilid dahil pagod na. Ako rin gusto ko na ring umupo, laylay na ang balikat ko kakasunod sa kanya. Pwede naman akong umalis at maghintay na lang sa labas pero sa tuwing nagtatangka akong umalis ay nahuhuli nya ako at pinapagalitan dahil anya daw bibilhan nya daw ako, dapat daw matuto daw akong mamili ng mga make-up.
Sinabi ko naman sa kanya na wala akong gusto pero nagpupumilit sya, anya sya na daw ang bahala kaya hinyaan ko sya.
And finally nakalabas na kami at may binili na syang dalawang make-up set, isa daw para sa akin at yung isa ay sa kanya. Well, kung nagtataka kayo kung bakit hindi namin kasama si Kenly dahil girly naman ang heart nya, well hindi sya mahilig sa ganon dahil anya daw baka may makakita sa kanya at isumbong sa tatay nya at lolo nya na parehong sundalo lalo na't hindi alam na isa syang gay.
"Sa wakas, nakalabas na rin." Saad ni Victor tsaka lumapit kay Vicky.
"Ano ang binili nyo?"tanong ni Kevin at pinakita naman ni Vicky sa kanya.
YOU ARE READING
The Law of Love
قصص عامةLove series 1 In our whole life there is a law that we need to follow pero sa totoo lang may isa o higit pang mga rules or law ang hindi natin sinusunod. Meet Sheree Maine Garcia, she's known as a silent type of person, a conservative and good gir...