Chapter 6

1 1 0
                                    

Karma

I find myself inside the jeepney sitting and looking in outside.

Habang nakatalukbong sa ulo ko ang damit ko na hinubad ko kanina sa loob ng jeep dahil nagpalit kami ng damit para walang makakita sa amin na galing kaming kulungan. Damit ni Ate Rosa ang suot ko na syang humapit sa katawan ko isang plain white t-shirt at isang short shorts.

Muli akong nakatulog habang bumabiyahe aniya daw sa lugar daw nila Ate Kikay kami pupunta sa malayong probinsya kung saan walang makakakilala sa amin. Nang bigla akong nagising ng biglang tumigil ang jeep at tumilapon kami papunta sa harapan.

"Shit ka!!! Ayusin mo nga pagmamaneho mo!!! Bakit ka ba tumigil?!" Rinig kong reklamo ng isang kaibigan ni Ate Kikay sa driver na parehas palang babae. Nakaupo sa driver seat at passenger seat ang dalawang kaibigan ni Ate Kikay at kaming lima ay nasa likod.

"Ang sakit ng pwet ko!!!" Rinig kong reklamo ng iba kong kasamahan at kahit ako ay gustong sumigaw sa sakit. Eh' tiniis ko na lang at hinimas ang pang-upo ko sa parteng tumama, lumundag ba naman sinong hindi aaray doon? Tsk. Tsk. Tsk. Bakit ba bigla syang tumigil?

Tinignan ko silang lahat at parehas kaming tinatayo ang sarili mula sa pagbagsak. At nang tumingin ako sa harapan ay para akong tumakbo ng ilang kilometro sa sobrang kaba at hindi ko alam kung ano ang magiging kahitnatnan nito.

"Pasensya na, pero kasi patay tayo!!! Merong inspection dito!"

Hindi na kami nagulat sa sinabi ng driver namin dahil kitang kitang sa unahan namin ang pagi-inspect ng mga pulis. Nakikita ko ang mga pulang ilaw at mano-manong pagsilip ng mga pulis sa bawat sasakyan. Dahil puro mga mababang kotse ang nasa unahan namin kaya kita namin ang lahat ng ginagawa.

"Shit!!! Nalaman na siguro ng mga pulis na may ibang nakatakas na preso kaya nagpakalat na sila!" Nagpapanic na sambit ni Ate Kikay at tsaka sya lumingon sa amin.

"Anong gagawin natin?! Kailangan nating mag-isip ng paraan para makalusot tayo." Frustrated na sambit pa rin ni Ate kikay.

"Aha!!!" Nagulat ako ng nagsalita ang driver ng jeep at para bang may liwanag sa paligid nya na para bang may maganda syang naisip kaya tumingin din ako sa iba at bakas dito ang pag-asa sa mga mukha nila sa sasabihin ng kaibigan ni Ate kikay.

"May naisip ako. Hindi naman kayo makikilala eh dahil hindi naman nila alam yung mga itsura ng mga tumakas." ngiting ngiting sambit nito sa amin.

At bigla na lang nawala ang liwanag na nasa paligid at napalitan ng dilim. Napatanga lang ako sa kanya at tsaka narinig ang sigaw ng katabi nya. "Gaga" sabay hampas nito sa ulo nya.

"Aray naman!!! Bakit may mali ba sa sinabi ko?!" Sabay tingin nya sa amin isa isa.

"Gaga ka talaga. Hindi ka ba nag-iisip, hindi tanga ang mga pulis malamang may hawak silang mga pangalan at litrato kung sino yung mga nawawala."

"Ay! Oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yun?" Sabay kamot nya sa ulo nya.

"Arrgh..putangina nyo talagang dalawa, manahimik nga kayo" sigaw ni Ate Kikay sa dalawa at tumahimik naman ang mga ito. At tsaka lumingon sa amin si Ate Kikay lalo na kay Ate Bob.

"Hoy! Bob, ikaw ang matalino sa ating lima kaya mag-isip ka ng paraan para makalusot tayo sa inspection" utos nito kay Ate Bob.

" 'Wag ka ngang magmadali. Nag-iisip pa ako."

"Ano?! Wala ka pang naiisip kahit is-" naputol ang sasabihin ni Ate Kikay at lumingon sya kay Ate Tonia na malapit sa driver seat.

"Putangina naman, Tonia. Ano bang binibilang mo dyan?!"

The Law of LoveWhere stories live. Discover now