chapter 20

32 5 8
                                    

ELIZA'S POV

Seb and I are in a grocery store right now, buying some chips and ice cream, as i requested. Actually papunta na sana kami sa isang ice cream parlor ng mag suggest si ryu na bumili nalang daw kami ng ice cream sa grocery store para sa bahay nalang daw namin kainin at magmomovie marathon nalang daw kami kaya pumayag na rin ako, at sakton lang din naman kasi may madadaanan kaming grocery shop pauwi sa bahay nila.

"teka, kukuha lang muna ako ng cart para may paglalagyan tayo" ani ko kay seb at pumunta na para kumuha ng isang cart.

"Ako na" nakangiting ani nito pagkatapos ay kinuha ang cart at siya na mismo ang nagtulak nito na ikinangiti ko.

Who would have thought he could be this sweet sometimes? hindi ko din kasi ini-expect HAHAHAHAHAHAHA.

Sinundan ko lang siya na tulak-tulak yung wala pang laman namin na cart habang ako naman ay nasa gilid lang niya. Inilibot ko yung tingin ko yung paningin ko para sana hanapin ang ice cream area ng makahagip ang mata ko ng mga nagkukumpulang mga babae na ang paningin ay na kay ryu at may kinikilig na ekspresyon sa mga mukha nito.

"OMG ang pogi girl!" bulong ng isang babae sa katabi nito na dinig na dinig ko naman. Kung isigaw nalang kaya niya yun? bumulong-bulong pa eh ang lakas lakas naman. Bulong ko sa sariling isip

SANAOL MAY ISIP HAHAHAHAHAHAHAHA CHAROT.

"Tanungin mo number teh" sagot din naman nung isa.

"Sige, tanungin ko mamaya" kinikilig din namang sagot ng kaibigan nito.

"uy girl, baka may girlfriend yan, maykatabi siyang babae oh" ani naman nung isa pang kaibigan nito.

"Yan? Hindi no, baka yaya niya yan" Natatawang ani nung babae at sabay na tumawa kasama yung mga kaibigan niya.

"Ano?! Yaya?! eh sampalin ko kaya siya?! kung maka yaya akala mo naman sinog kagandahan ang gaga! ipakain ko sa kanya tong sapatos ko eh." Bulong-bulong ko pa sa sarili ko na narinig pala ni ryu kasi mahina itong natawa kaya inirapan ko ito at aalis na sana para hanapin yung ice cream section nang pigilan ni ryu ang kamay ko at hinila ako palapit sa mga babaeng nagkukumpulan.

"Excuse me girls" ani nito sa mga babae na agad namang kinilig.

"yes?" malanding ani nito at inilagay pa ang gahiblang buhok na nakaharang sa mukha nito sa likod ng tenga ng gagang nagsabi na yaya daw ako.

"i heard your talk with your friends and i just wanted to say that if you want to talk about someone, make sure they dont hear it." pagkasabi nun ay akmang aalis na sana ito ng bumalik ulit to. 

"by the way, she's not my yaya, she's too pretty to become one, baka naman kayo, mukha niyo kasi parang gurang na" pagkatapos nun ay hinila ako at ang cart namin paalis sa mga impakta at dinala ako sa ice cream section kaya agad namang nagliwanag ang mukha ko at tumakbo papunta sa mga iba't ibang flavor ng ice cream.

"anong flavor na gusto mo?" tanong ko sa kanya ng nakangiti.

"kahit ano, pimili kalang ng mga flavors na gusto mo" aniya ng nakangiti rin.

"kahit ilan?!" excited na tanong ko.

"you may grab all the foods that you like, babe" ani ni ryu na mas ikinalaki ng ngiti ko kaya agad kong kinuha ang lahat ng flavors na gusto ko at inilagay sa cart namin pagkatapos ay hinila ko siya sa linya ng mga chichirya at inilagay sa cart namin yung mga pagkaing gusto ko. Sunod naman ay hinila ko siya para kumuha ng tatlong pack ng oreo tapos kumuha din ako ng dalawang balde ng nutela.

" Babe, akala ko ba chichirya at ice cream lang ang pinunta natin dito?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin ng makita ang lahat ng pinamili namin

"akala ko din ba na i can grab all the foods that i want?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya while smirking.

"of course" ani nito sa tono na parang nanalo ako at inilagay na ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan, making me smile in victory.

We drove back home and placed some of the foods we bought in the fridge especially the ice cream, baka kasi matunaw na kaya kinuha lang namin yung mga flavors na kakainin namin pati na rin yung mga chichirya at dinala sa kwarto ni ryu.

We are already in the middle of watching a certain movie when i laid my back on ryu and hugged his waist which left him frozen on his spot.

"thank you" i said and burried my face on the hallow of his neck. 

"thank you for what?" ani nito ng mahimasmasan sa gulat at niyakap ako pabalik.

"thank you for today" nakangiting ani ko habang nakayakap parin sa kanya.

"I should be the one saying thank you. Salamat kasi pumayag ka na maging girlfriend ko,i know you had a hard time trusting me because of your past relationship with your ex.

"wala naman na din yon, tinulungan mo akong makalimutan sila at pasayahin ako, at iyon ang importante" nakangiting ani ko.

Ngumiti lang ito at hinalikan ang noo ko, pagkatapos ay niyakap ako ng mas mahigpit bago bumalik na sa panonood.

We watched the movie with a comfortable silence sorrounding us, when i spoke.

"Do you plan on telling them about us?"

"Okay lang naman sa aking sabihin sa kanila. Ikaw? Gusto mo bang sabihin sa kanila?" Balik na tanong ni seb.

"Okay lang naman pero pwede bang wag na muna ngayon? I mean, i want to keep our relationship private for the mean time, pkay lang ba?" Kinakabahang tanong ko rito.

"Whatever you decide is fine with me"

"Thank you! Ayoko kasing mapressure tayong dalawa lalo nat ang daming babaeng nagkakarandarapa sayo" paliwanag ko rito.

"Ganun talaga, ang pogi kasi ng jowa mo" he said with so much confidence in his voice that made me snort in disbelief.

"Ngeh, san banda?" Natatawang tanong ko naman sa kanya at pinasadahan pa ang buong mukha niya na parang may hinahanap.

Nagkunwari naman itong tinitingnan ako ng masama pero agad lang din namang sinabayan ang malakas kong tawa ng hindi na nito mapigilan ang sarili na matawa.

"I hope we'll last long" i said to myself.

To be continued...

Her KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon