chapter 12

31 6 4
                                    

Ryu's POV

Nakasimangot kaming nakaupo ng magkatabi ni eliza habang ang mga nasa aming harapan ay malakas na nagtatawanan matapos kaming tumakbo ng akala naming humahabol sa amin na gorilla 'daw'.

FLASHBACK------

.

.

" MOMMYYYYY!! HELLPP!" malakas kong sigaw habang tumakbo pabalik sa pinanggalingan ko ng mabangga ako sa isang GORILLA!

"NAAAAYYYY" malakas namang sigaw ng kaninang hinahabol ko na si eliza.

"HOYY! HINTAYIN MO KO!" malakas kong sigaw kay eliza at pilit siyang hinabol

"BAHALA KA, AYOKO PANG MAMATAY NG MAAGA, IKAW NALANG!" pasigaw din nitong sagot sa akin dahil nasa may kalayuan na ito.

hindi ko na sinagot ito at mas binilisan na lamang ang pagtakbo ngunit bago ko pa maabutan ito ay nakarinig ako ng malakas na tawa ng tao na sa malamang ay narinig din ni eliza dahil napatingin ito sa aking likod ng may pagtataka kaya napatingin din ako sa aking likuran at napatigil sa pagtakbo lalo na ng nakita kong lahat ng kasamahan namin ay tumatawang nakatingin sa amin pati na rin sina mang roger at manang linda na akala ko ay nauna nang natulog. Mas nagsalubong ang aking kilay ng makita ko ang pinagpapawisang raul (driver) na hawak hawak ang ulo ng gorilla nitong costume ng tumatawa a at nakahawak ang isang libreng kamay sa kanyang tiyan, habang ang iba naman ay halos mag-gulungan na sa kakatawa.

napalingon ako sa aking likod uang tingnan ang reaksyon ni eliza na gaya ko din ay nagsalubong ang dalawang kilay sa gulat.

.

.

END OF FLASHBACK----

Nagkatinginan kaming dalawa ni eliza at nagbulungan sa gitna ng tawanan ng mga ito.

"Anong plano mo?" agad na tanong nito ng pabulong.

"hindi ako papayag na hindi ako makaganti, at alam ko ding hindi ka rin papayag. Tama ba ako?"

tumaas ang gilid ng labi nito " so ano ngang plano natin nang masimulan" she said, still smirking.

Agad kong sinabi ang aking plano at agad na nagsi ayos sa pag upo pagkatapos at pinagcross ang dalawang braso pati na rin ang aming mga paa at pinagseseryoso ang aming mga mukhang kanina pa ay nakasimangot na.

Nang makita nito ang aming posisyon at walang ka emo-emosyong mukha ay agad itong tumigil sa pagtawa at nagsitikhiman at pekeng umobo-ubo.

Nanatili ang aming walang ka emo-emosyong mukha at walang imik na umupo sa aming upuan sa mahigit na trenta minutos na nagdaragdag sa malamig na tensyon ayon pa sa aking plano.

Sa trenta minutos na pananatili naming tahimik ni eliza ay nagbubulong-bulungan lamang sila kung sino ang magsasalita ngunit tila ang kaninang lakas nitong iprank kami ay tila lumipad na at kung san na pumunta.

Matapos itong magtulakan kung sino ang magsasalita ay mukhang napagpasiyahan na lamang nito na sila na lang lahat ang magsalita.

"Sir pasensya na po talaga"

"Maam, sir, di po talaga namin sinasadya"

"Sir pasensya na po"

"Sir ako po talaga yung may kasalanan"

Sabay-sabay na ani ng mga ito ngunit hindi pa rin kami nagsalita kaya mas pinili na lamang nitong yumuko at tumigil na sa pagsasalita sa takot na baka mas magalit pa kami.

Matapos ulit ang sampung minuto ay bigla nalang na lumuhod ang kaninang nakayukong si raul dahilan ara mabigla kaming lahat sa aksyon nito. Ngunit mas nabigla pa kami sapagkat sa halip na pigilan nilang lumuhod ito ay agad itong sumunod kay raul at nagsipagluhuran.

"Sir wag niyo na po silang idamay, wag niyo po silang sisantehin. Ako nalang po" Saad ni raul na nakapagulat sa aming lahat lalo na sa akin dahil hindi ko inaakala na mas gugustuhin nitong siya nalang ang matanggal kesa madamay pa yung iba.

Pero wala naman sa isip kong tanggalin sila eh..

"Hindi sir, ako nalang po, ako naman po yung nagpasimuno ng lahat. May nakita po kasi akong costume ng gorilla sa loob po ng box kanina sa loob ng bahay. Plano ko po kasi sanang takutin yung kasamahan natin dahil halloween kaso nakita po naming naghahabulan kayo at narinig po din namin kayong sinabi na may gorilla kaya... ganun po. PASENSYA NA PO TALAGA SIR" Hinging tawad ni rossa.

Ang kaninang walang kaemo-emosyong mukha ko ay napalitan ng maaliwalas na mukha lalo nat sinabi nila sa akin ang totoo ng hindi sinisisi ang iba dahil takot silang mapagalitan at masisante.

Tipid ngunit masaya akong ngumiti kay rossa at raul sapagkat hindi sila naging makasarili sa halip ay mas inuna nila ang kapakanan ng iba kesa sa kanilang sarili kahit ang kapalit nito ay mawalan sila ng hanap-buhay.

Bigla akong tumayo na ikinagulat nila.
"Aish ano ba yan! Bat ang seseryoso nito?!Babawi pa kami ehhh!" Kunwaring naiinis na sabi ko para magulat silang lahat.

"Hoy tumayo ka na nga diyan, di na tayo makakabawi" tawag ko kay eliza na unaacting pa rin HAHAHAH

"AISH! SAYANG! KALA KO PA NAMAN MAKAKAPAGSTAY AKO SA HOTEL NINA JACK! HMP" kunyare ding naiinis na angil nito na mukhang nabasa ang isipan ko kasi nakisabay na rin.

"A-anong?"

"H-ha?"

"A-akala ko--?"

"B-bakit?"

Nang tingnan ko silang lahat ay bakas ang pagkalito at gulat sa mga mukha nito. Ni hindi nga nito matapos ang sasabihin sa gulat na naramdaman at pagkalito sa aming ina-asal.

Lumapit ako kay eliza upang bumulong.
"Mukhang nakabawi pa rin naman tayo kahit papano"

"Oo nga eh, tingnan mo yung pagtataka at gulat sa mga mukha nila" natatawang sabi naman nito ngunit patago.

Tumawa naman ako at bumalik na sa pwesto ko at tumikhim.

"Boss, A-ano pong sinasabi ni ma'am eliza na mags-stay daw po kayo sa hotel?" Saad ni raul ng mahimasmasan ito sa gulat.

"Well, i told her that we should get our revenge on you guys so i told her my plan which is to leave you all here and we'll stay at jacks' hotel so you'll thought that we were missing and got eaten by a damn gorilla."

"Pumayag mo kayo maam?" Tanong ni rossa.

"Syempre! Di ako papayag na di ako makabawi sa inyo noh! Kala ko magiging hapunan na ako ng gorillang yun eh pero si raul lang naman pala! Atsaka sinong di papayag don? I'll get the chance pa na makapagstay sa hotel. Di ko pa naranasan yun eh"

"Wait? What? Di ka pa nakakapunta sa isang hotel?!" Gulat na tanong ko.

"Oo hindi pa. Kaya nga pumayag ako eh HAHAHAHAHAH"

"Eh pano po yan maam, hindi po natuloy yung plano niyo?" Tanong ni rita na ikinahaba ng nguso ni eliza kaya agad naman itong tumingin sakin ng may ipinahihiwatig na mga mata na siyang alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin.

"No" agad na sagot ko nang hindi pa nga nakakapagtanong ito ngunit bakas naman sa mata ang kagustuhan.

Agad itong pumunta palapit sa akin at pinagdikit ang dalawang kamay na parang nagdadasal.

"Please" at nag puppy eyes pa! Hanep!

"Ayoko nga" tanggi ko ulit.

"S-sige n--"

"Kiss muna" putol ko sa kanya at inilagay ang aking isang daliri sa aking labi.

Ang kaninang seryosong mga mukha ng kasama namin ay napalitan ng mapagtuksong ngiti at hindi pa nga nag iisang minuto ay nagsimula na itong tuksuhin kaming dalawa na ikinapula ng mukha ng nasa harapan ko

"A-ang kapal! Wag na nga lang!" Tanggi nito sa akin na namumula pa ang pisngi at nagwalk out.

Malakas akong tumawa na sinabayan naman nilang lahat dahilan para mas bumilis ang paglakad nito papasok sa tent.

_____________________________________________

Sorry for the very late update! Been very busy lately. Though i know for a fact that i was just slacking off the whole week. HAHAHA. Anyway, I'll try my best to update 2 to 3 times a week if possible.

Love lots💕

Her KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon