chapter 21

31 5 2
                                    

Eliza's POV

"Eliza, hija bangon na at mala-late kana, ala syete emedya na" ani ni manang linda na nakapagpamulat sa mata ko at tumitigig pa sa kawalan bago rumehistro sa utak ko na may klase pala kami ngayon kaya agad akong bumangon at pumunta sa banyo dala-dala ang tuwalya ko bago ako naligo.

Matapos ang limang minuto ay agad akong nagsipilyo bago ako lumabas sa banyo at dali-daling nagbihis ng aking uniporme. Mabuti nalang pala at plinantsa ko na ito nung isang araw dahil kung hindi ay baka gusot-gusot na uniporme ang aking susuotin ngayon.

Mas binilisan ko ang aking kilos ng tingnan ko ang orasan na ala syete singkwenta na pala at alas otso ng umaga ang aming pasok kaya kinuha ko na ang bag ko at agad-agad na lumabas ng aking kwarto para bumaba na sa salas.

Aish! Lagot ako kay sir tsik nito, siya pa naman first subject naman ngayong araw potragis. Pasado alas dos na din kasi kaming natulog ni ryu kagabi, di kasi namin namalayan yung oras sa kakapanood. At Syempre sa kwarto ko ako natulog at siya naman sa sariling kwarto niya.

Pagkadating ko sa kusina ay agad na hinanap ng dalawang mata ko si seb pero wala ito sa kusina kaya tinanong ko nalang si jocelyn.

"Ah si seb nakita mo?" Tanong ko rito at dali-daling sinubo ang pagkain na nasa hapag kainan.

"Nasa labas na po maam, hinihintay kayo" sagot nito kaya dali dali akong kumuha ng pandesal at nagpaalam sa kanila ng papasok na ako ng hindi man lang sila nililingon dahil sa pagmamadali.

Hinihingal at pinagpapawisan ako ng matanawan ko si ryu na ang likod ay nasa sasakyan nitong Ferrari habang nilalaro ang susi nito sa daliri.

"Good morning baby" ani ni seb at kinuha ang shades na suot nito at kinindatan ako bago lumapit sa akin at kinuha ang bag ko pagkatapos ay iginaya ako papasok sa magarang kotse nito.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagmamadali ko kanina pero ngayon parang tumigil ang tibok nito ng makita ko lang ang gagong to.

"Good morning" ani ko ng may ngiti sa mga labi. Pero agad din namang nawala ng makita ko ang oras na alas otso na pala.

"Shit, seb im doomed. Lagot ako kay sir tsik nito! Late na ako! Siya pa naman first subject namin ngayon!" Ani ko ng kinakabahan.

"Babe, relax. We're both late so dont worry, may karamay ka" ani niya pagkatapos ay malakas na tumawa kaya tinampal ko ang braso nito sa kaba at inis. Tumawa muna ulit ito ng mahina bago nito pinausad ang sasakyan paalis.

***

Dahan-dahan at walang ingay kong tinungo ang upuan ko, nagdadasal na sana hindi mahalata ng guro namin na late ako ngunit sa kasamaang palad...

"Miss craig, ang aga natin ah?" Sarkastikong tanong ni sir tsik.

Dahan-dahan ay tiningnan ko ang guro namin at kumaway habang pekeng ngumingiti. "ah good morning po sir" 

"at bakit late ka nanaman miss craig?" nakataas kilay na tanong nito.

"late po kasi akong gumising" 

"ah ganun? gusto mo gisingin pa kita para hindi ka na malate sa susunod?" sarkasitikong ani niya

"kung gusto niyo po pwede lang naman. bigay ko po sa inyo address ko mamaya" nakangiting sagot ko naman.

"'aba't sumasagot ka pa ah!" ani ni sir tsik at ihahagis na sana nito sakin yung hawak nitong pambura sa inis pero mabuti nalang at napigilan pa nito ang sarili. "Get a one whole sheet of paper, we're having a surprise quiz" anunsyo nito sa lahat at matalim akong tiningnan.

agad namang nagreklamo ang lahat bago kanya-kanyang hingi ng papel ang mga wala sa mga meron..

***

Her KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon