chapter 3

74 10 15
                                    

Eliza's POV

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at ngumiti ng peke at pagkatapos ay hilaw na tumawa.

"H-hi"

"Hey? You fine now? Why are you walking around? Shouldn't you be resting in the clinic?" Agad na sunod-sunod niyang mga tanong.

"A-ahm, I'm just gonna go home nalang at dun na magpahinga. Advice na rin ng nurse sakin. Kaya ayun."

"Do you want me to come with you?"

"A-ano? Hindi na kailangan, at tsaka nandito naman ang kaibigan kong si isabella" tanggi ko pa sabay turo kay bella na parang maiihi sa kilig

" actually may gagawin pa pala ako, kaya kung pwede ikaw nalang maghatid sa kanya ryu" sabi pa ng gaga at tinulak ako palapit kay ryu dahilan para mawalan ako ng balanse at bumangga kay ryu.

Napapikit na lamang ako sa inis at tiningnan ng masama ang bruha na nag-peace sign lang sakin.

"S-sorry ha.ha.ha" hilaw na tawa ko pa.

"So.. tara na?" Anyaya niya pa sakin at hinawakan ako para umalis na.

Bago pa kami tuluyang umalis ay tumingin muna ako kay bella at nakita siyang kumakaway-kaway pa ng nakangiti na inirapan ko lang.

"Humanda sakin yung gagang yun bukas"
Mahinang bulong ko pa

"Anong sabi mo ulit?"

"H-ha? W-wala. Wala akong sinabi. ha.ha.ha"

"San ba kita ihahatid?"

"Sa labas nalang. Magje-jeep nalang ako pauwi. Malapit lang naman dito yung samin eh"

"Hatid nalang kita sa inyo. Wait for me here, I'll just go get my car, in the parking lot" sabi niya pa at nagsimulang maglakad palayo para kunin ang kotse nya.

Pero bago pa siya makalayo ay inabot ko ang kamay niya.

"No, it's fine. Pwede naman akong mag jeep eh. Maaabala pa kita haha" tanggi ko habang nakahawak parin sa kamay niya.

"No, i insist. Wait for me here" sabi niya at naglakad na palayo

At dahil wala akong choice..

*beeeep* *beeep*

"Sakay ka na" sabi niya mula sa bintana ng sasakyan niya.

Ayun sumakay nalang ako. Chooosy pa ba?

Tahimik...

Tahimik...

"Sooo.. why did you go to the bar yesterday?" Basak niya sa katahimikan

" kahapon, nalaman kong pinagpupustahan lang naman pala ako ng gago kong ex boyfriend at ng mga gagong barkada nito" nanggigigil kong sagot.

"Chill." Natatawang sabi niya sakin ng makita ang kamao kong ready nang manapak.

"Eh engot kasi yun eh. Mga gago" naiinis ko paring sabi.

"So yung lalaki kanina is yung gagong ex-bf mo? Usisa pa. Chismoso pala to eh HAHAHA.

"ang chismoso mo!" Angil ko.

Natawa naman siya

"Nagtatanong lang eh! Sagutin mo na"

"E anong tinatawa-tawa mo diyan?!" Naiinis kong tanong.

"W-wala, natatawa lang akong nakikita kang nanggigigil HAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAH"

tumawa pa ng tumawa yung gago, sarap hambalosin nung mukha. Pero syempre nakakahiya naman kaya tiningnan ko nalang siya ng masama.

Her KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon