chapter 9

37 7 2
                                    

Eliza's POV

"T-tay t-tama na po, p-pakiusap" paulit-ulit kong sabi sa aking tatay ng umuwi nanaman itong lasing at pinag-papalo kami ng nanay ko gamit ang belt nito.

"T-tigilan mo na Robert! Wag mo ng idamay pa yung yung bata! Ako nalang!" Sambit ng nanay ko ng paluin ako ng tatay ko.

"Manahimik ka!!" Sigaw nito at sinuntok ang nanay ko,, dahilan para matumba ito sa pagkakaluhod.

_____________________________________________

"hoy!" Nagising ako ng nakaramdam ako ng kamay na yumuyugyog sa balikat ko. Nang tingnan ko ito ay nakita ko si ryu na ang mga mata ay bakas ang pag-alala.

Hinabol ko ang aking hininga at at nilibot ang paningin sa paligid, at nang bumalik ang aking paningin kay ryu ay bakas parin ang pag-aalala sa mukha nito.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko ng hindi sinasagot ang tanong niya.

"Yes. Now, answer my question. Are you okay?" Tanong nito na nakahawak parin ang dalawang kamay sa balikat ko.

"Hmm. Im fine" sagot ko nalang. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yung totoo pero ayokong masira ang araw namin kaya mas pinili ko nalang magsinungaling at para narin hindi na sila mag-alala

Tinitigan ako nito ng matagal at bumuntong hininga.

Walang sabi-sabi ay Hinawakan nito ang isang kamay ko at hinila palabas sa sasakyan.

Nakangangang nilibot ko ang aking mga mata sa lugar at hindi makapaniwalang tinitigan ito ng matagal na ani mo ay minimoryado.

Nakita ko pa sina manang linda at mang roger pati narin ang iba naming kasama na gaya ko ay nakanganga ring nilibot ang buong lugar.

"Ang ganda no?" Proud na sabi nito.

"Are you crazy? This is beyond beautiful!"

"HAHAHAHA this is the place where carl, jack, cane and I first went to go camping."

"How did you discover this place?" Mangha ko paring tanong.

"Si jack yung unang nakaalam ng lugar nato. They have a hotel near here, for like a 20 mins walk, you can see their hotel."

Tumango-tango lang ako at hindi parin siya tiningnan sa halip ay tinitigan parin ang buong lugar ng may pagkamangha.

The place has a wide space yet sourrounded with trees and bushes making the place even more beautiful especially the lake beside it that reflects the beautiful nature and skies that were about to set.

"When i first went to this place i was mesmerized by it's beauty too. In fact, i bought this place the next day" Dagdag na sabi nito.

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan matapos niya iyong sabihin.

"Wengya, sayo to?!?" Hindi parin makapaniwalang tiningnan ko siya.

"Yeah. It's cheap actually" parang wala lang na sagot niya

"Magkano?"

"Hmm. I think its, 600 million for 1500 square meters." Kunwaring nag-iisip ng malalim na sabi nito at nagkibit balikat na sumagot.

"Puta, 600 million?!? Tapos cheap lang yun para sayo?!!" Nakangangang tinitigan ko ito at pinasadahan ng tingin ang buong katawan nito na para bang sinisiguro kung tao ba ito o alien.

"Eh ano namang plano mo sa lugar na to?!" Hindi parin makapaniwalang tanong ko.

"Hmm.. wala. Tatambay lang ako dito paminsan-minsan, ganon" sabi nito at nagkibit balikat lang.

Her KnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon