03: cole

65 4 0
                                    

Note: Sa mga name ng places or whatsoever was just invented ok?





hindi pumasok si ivy ng last subject namin kasi sinugod sa hospital yung ate nya. manganganak na ata e





kaya eto ako ngayon naglalakad mag isa pauwi, wala naman sakin kung mag isa. sanay naman na ako





napalingon ako sa likod ko ng biglang may umakbay sakin, si cole. anong trip nito?





"oh cali pauwi kana?" sabi nya, kinunutan ko sya ng noo. close naman kami, sya kasi unang kumausap saakin noon bago si ivy.





"obvious ba tol?" tapos inirapan ko sya. tinanggal ko din kamay nya sa balikat ko, maissue pa kami.





"sabay na tayo, pero samahan mo muna ko kumain street foods" nakangiting sabi nya.





"hindi ako tatanggi kung libre mo" nakangiting sabi ko habang tinataas baba yung kilay ko.





ginulo nya buhok ko "syempre ah! di naman kita aayain kung di ko libre. tara" sabi nya, sabay kaming lumabas ng campus at pumunta sa gilid kasi doon nakapwesto mga street foods.





bumili kami ng tusok tusok, fishball tsaka kikiam ang binili ko. syempre tig 20 yon, magkahiwalay din baso.





"takaw mo naman naka 40 agad ako sayo hmp" sabi ni cole tinawanan ko na lang sya habang ngumunguya.






nagulat ako ng may kumuha ng stick ko at kumuha ng kikiam ko dalawang piraso pa.





sinamaan ko ng tingin si hanz. tinaasan nya lang ako ng kilay "di ka sasabay?" tanong nya.





"sabay kami ni cole mauna kana" sabi ko. tumango sya at naglakad palayo habang nakapamulsa.




tss.



"hoy ikaw ah sino yon" pang aasar ni cole.




"kaklase namin, si hanz bakit? type mo?" natawa sya sa sinabi ko. tinapos lang namin yung pagkain, at pumunta kami sa nagtitinda ng ice cream. empre ako na naglibre nakakahiya sa bulsa nya e.





"nakakamiss yung ganto noh?" sabi bigla ni cole. ngumiti ako at tumango habang dumidila sa ice cream ko






naalala ko kasi dati first year kami, ganto lagi routine namin. bago pa dumating si ivy, pero nung dumating naman ivy ganto pa din. pero ayun nga biglang umalis ng walang pasabi tong si cole.






"oo nga pala, bakit ka lumipat?" tanong ko, out of nowhere. ewan curious ako e





"ewan ko din e, pinalipat ako bigla ni mama. pero nung nalaman nyang di ko sineryoso pag aaral ko dun sa nilipatan ko, binalik nya ko dito" sabi nya sabay dila ng ice cream nya.





"bakit naman di mo sineryoso?" kunot noong tanong ko. sabay kasi kami minsan mag aral nito ni cole tuwing may exam or quiz.






"ewan masyadong mayayaman tao dun, i mean ang competitive nilang lahat masyado kumpara dito. kahit mayayaman ibang tao dito, marunong pa din sila makisalamuha. di uso lamangan ganon" napatango ako, sabagy totoo naman sya. maliban nalang kay phoebe tsaka alipores nya.






"sabagay" naubos ko na yung ice cream ko, pati sya.






"tara hatid na kita" sabi nya, kaya tumango ako. naglakad lang kami sinisipag naman kaming dalawa e.





The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon