16: intense

36 2 14
                                    




kinabukasan ay may pasok na, nagpahinga lang ako buong maghapon sa bahay para may lakas na ako ngayong may pasok.





sayang lang at hindi ko masyadong naenjoy yung camp.





"oh cali kamusta kana!" andito na ko sa room.





"ok na ako, nagpahinga na ko buong maghapon kahapon" nakangiting sagot ko kay ivy.





"good to hear that" rinig kong sabi ni sereia, ngumiti ako sa kanya. umalis sila sa harapan ko dahil dumating na yung first subj teacher namin.





napatingin ako sa likod ko, natutulog si hanz. at si levi nakatingin sa labas ng bintana.




***

lunch break na at andito ako tsaka si sereia sa cafeteria. si ivy kasama nya si cole lumabas, ewan ko kung ano ng status nila di man nagsasabi hmp.





"ano na kayang status nung dalawang yon, hindi man nagsasabi" sabi ko habang nakasimangot.





"feeling ko nasa getting to know each other palang sila" sabi ni sereia habang kumakain, tumango naman ako. "uy si hanz oh" napatingin naman ako, andon sya nakaupo kasama mga tropa nya.





"si levi oh" sabi ko naman, naghahanap ng upuan si levi.






"levs! dito kana" sigaw ni sereia kaya napatingin sakanya si levi at tumango. umupo si levi sa tabi ni sereia kaya katapat ko silang dalawa ngayon.





"ok kana?" tanong saakin ni levi.





"ha? oo ok na ako, nakapagpahinga na ko buong maghapon kahapon" sabi ko at ngumiti, ngumiti si levi at tumango.





"you? you okay?" tanong nito kay sereia. bakit? ano nangyari?





napatingin saakin si sereia "yeah, I'm ok" ngumiti ito kay levi.




"may nangyari ba?" tanong ko kaya napatingin silang dalawa saakin.




"wala naman" tipid na sagot ni sereia. tumango nalang ako at kumain na, magkaibigan kami ni sereia pero parang hindi ako kasama isa sa mga pinagkakatiwalaan nya.





"mauna na ako ha" sabi ko at akmang aalis na ng hawakan ni levi yung wrist ko.




"hindi kapa tapos" sabi nito habang nakatingin sa pagkain nya.





"may pupuntahan kami" napatingin ako sa nagsalita, si hanz. tinanggal nya yung kamay ni levi sa wrist ko, at sya ang humawak doon. hinila nya na ako papalayo don





aaminin ko nagpapasalamat ako kay hanz na inilayo nya ako doon.




hindi dahil nasasaktan ako na magkasama si sereia ay levi, kung nasasaktan ako kasi feeling ko hindi ko pa din lubusang kilala si sereia. at si levi lang ang nakakaalam non.




"nasasaktan ka?" tanong ni hanz, napatingin naman ako sa paligid namin hindi ko namalayan na dito nya ako dinala sa likod ng building ng school. may malaking puno kasi dito, umupo si hanz sa malaking ugat. at umupo naman ako sa isang bench dito





"oo" tipid na sagot ko, inantay ni hanz ang susunod na sasabihin ko "hindi dahil magkasama sila" dugtong ko pa. kasi wala naman sakin yon e





The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon