12: SICK

39 3 10
                                    





"ok students! listen, nabasa nyo naman siguro yung waiver na binigay ko diba? we will stay here until tomorrow in the morning, so dito tayo matutulog and may activities tayong gagawin ok? go get your things on the bus, and may sari-sarili kayong tent dito" announce ng adviser namin.





tumango ang lahat at kinuha namin yung mga gamit namin sa bus, bakit kasi hindi ko binasa yung sa waiver? pero na kay lola naman yun. mababasa naman nya siguro, pero dahil nag aalala ako. kinuha ko yung phone ko at tinawagan sya




sinagot nya naman kaagad "oh apo bakit? napatawag ka?"





"lola nabasa nyo po ba yung waiver na binigay ko sainyo? hindi ko kasi nabasa e, kakaannounce ng adviser namin na hanggang bukas pa kami ng umaga dito. it means dito kami matutulog"




"oo apo wag ka mag alala nabasa ko, kaya ko naman ang sarili ko apo. mag iingat kayo dyan ah? asan si hanz?" pagkasabi ni lola kung asan si hanz agad hinagilap ng mata ko si hanz.





"ah lola hindi ko sya mahanap e, madami kasi kami dito" sabi ko. nagpaalam na si lola kaya binaba ko na, ay shit di ko pa pala nakukuha mga gamit ko.





"ako na kumuha" biglang sulpot ni hanz sa harap ko. binigay nya saakin yung malaking bag ko, buti nalang nagdala ako extrang mga damit. dahil nga hindi ko nabasa yung nakalagay sa waiver, baka nakahubad ako bukas kung di ko naisipan magdala hahaha.






"thank you" sabi ko, pero di nya pa binibitawan. tumitig ito sa jacket na pinahiram ni levi





"tss."





naglakad na palayo si hanz, inasikaso na kami ng mga teachers kung saang tent kami. mamayang hapon kailangan daw namin mag perform, isip daw kami ng pwedeng iperform kasi ayun yung activity na gagawin namin ngayon. then mamayang 10 pm mag start na mag bon fire, sharing daw ang gaganapin.






we can dance, sing or act. kahit anong gusto naming gawin kapag hindi daw nagperform walang grades.





andito kami sa tent, ewan ko ba anlaki laki ng bahay ng pinuntahan namin pero dito lang kami sa labas. marami pa namang puno, kaya medyo nakakatakot kapag gabi.






"ano kayang magandang iperform?" tanong ni ivy habang nag aayos kami ng gamit dito. limang tao sa isang tent, malaki kasi ito. at yung dalawa naming kasama ay yung kaklase naming hindi namin kaclose pero mabait.





"marunong ka sumayaw ivy diba?" tanong ko.




"ano kaba ck alam mo namang pinagtitripan ko lang pagsasayaw ko" natatawang sabi ni ivy.





"kaysa namin wala kang grades" natatawang sabi ko din.





"e ikaw?" tanong ni sereia. napaisip naman ako, hindi ko din alam kasi wala naman akong talent.





"hmmmm hindi ko alam wala naman kasi akong talent" sabi ko





"marunong sya tumugtog ng piano, what if tumugtog ka?" tuwang sabi ni ivy. napaisip naman ako, hindi ako sanay tumugtog sa maraming tao.





"then I'll sing" nakangiting sabi ni sereia.





"marunong ka?" gulat na tanong namin ni ivy, kaya natawa ito at tumango.





"and ako ang sasayaw!" tuwang sabi ni ivy at sumayaw ng pang ballet. "magpractice tayo mamaya"






at ayun na nga ang napagdesisyunan naming tatlo, ako tutugtog ng piano, si sereia ang kakanta at sasayaw si ivy ng nakadepende sa kantang mapipili ni sereia.





***

lumabas na kami ng tent kasi kakain na daw sabi ng mga teachers na kasama namin.





magkakasama kami nila sereia, ivy, cole, hanz, levi at ako sa iisang lamesa.




katabi ko si hanz sa kanan ko at si levi naman sa kaliwa ko. pero kaharap naman ni levi si sereia.




"ang hilig mo talaga sa fatty foods" sabi saakin ni hanz kaya sinamaan ko sya ng tingin, tinignan ko naman ang plato nya.




natawa ako kasi puro fatty foods din ang kanya "nahiya naman ako sa plato mo" natatawang sabi ko at tinap ang balikat nya.




"yieeee!" pang aasar ni ivy at cole, nagsisimula na naman sila.




napatingin ako ng lagyan ni levi ng gulay ang plato ko "eat some healthy foods" bulong nito. pati sila ivy napatingin saamin





"can i just have it?" tanong ni sereia kay levi, hiningi nya yung pork chop na nasa plato ni levi.





"yes" sagot ni levi at nilagay sa plato ni sereia.





tumikhim si hanz "kumain kana" sabi nito saakin, kaya kumain na ako.





***


pagtapos naming kumain ay sinabi ng adviser namin na pwede muna kaming umidlip or maglakad lakad dito. may dagat sa pinakadulo, pero hindi daw muna kami pupwedeng pumunta





humiwalay muna ako kila ivy at sereia at pumunta sa pinakasulok, kasi may nakita akong bench. maganda din ang view dito





"what are you doing here?" napatingin ako sa gilid ko. si levi nakaupo sa sanga ng puno





"nothing" maikling sagot ko at tumingin sa view, kahit mainit pa maganda pa din view.






"i think you like him" napatingin ako sa sinabi ni levi. kumunot ang noo ko "it's obvious"





"wait wait, bakit parang mas alam nyo pa kung ano nararamdaman ko?" I'm not pissed. just a little bit lol





"i. THINK" pag emphasized ni levi






"whatever" tumayo na ko at maglalakad na sana ng hawakan nya ang wrist ko.






"not him" bulong nya, nagtaka ako. magsasalita pa sana ako ng tumayo ito at nauna ng maglakad.





why?





eto na naman ako sa maraming katanungan na mayroon sa utak ko.






naglakad ako papunta sa tent ng malalim ang iniisip.






"hoy kanina kapa namin hinahanap! mag ppractice pa tayo" sigaw sakin ni ivy pagdating ko sa tent. nasa labas sila at halatang pagod kakahanap sakin.






"saan kaba galing ha?"





"nagpahangin lang. so anong kanta yung gagamitin natin?" tanong ko, inexplain nila saakin kung paano ang magiging set up namin at kung ano ang kanta na gagamitin.






"may piano kaya mamaya?" tanong ko





"oo meron yan" sabi ni ivy, kaya nagpractice na kami. alam ko naman ipiano kung ano yung kakantahin ni sereia





"ano kaya magandang name group?" sabi ni ivy.





"sevyc group?" suggest ni sereia "se for sereia vy for ivy and c for cali"





"what if SICK group? S for sereia I for my beautiful name, CK for cali kirsten"







natawa ko sa suggest nila "baka tayo naman magkasakit nyang ivy" nagtawanan kami sa biro ko.










sick group ba naman hahahahahahaha.


The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon