05: group study

60 4 0
                                    

Note: Sa mga name ng places or whatsoever was just invented ok?





exam na namin ngayon kaya busy ang lahat ng estudyante dito sa room sa pag rereview. halatang lahat aya ayaw bumagsak





maliban nalang kay levi na nakatingin sa labas ng bintana, for sure naman ako na nakareview na sya. paano kahit di nakikinig sa nag didiscuss, kahit tawagin alam ang isasagot.




sanaol.




"ok good morning class" bati ng adviser namin, sya ang magpapaexam at ang magbabantay samin.




tinago na namin yung mga gamit namin, at nagbigay na si ma'am ng test paper.




tumingin ako kay ivy at hanz, sinenyasan ako ni ivy na 'kaya natin to' ngumiti naman ako sakanya.


si hanz naman ay kalmado lang, mukhang malalim ang iniisip. umayos na ako ng upo dahil nilagay na sa desk ko ang papel.


"you can now answer your test paper" sabi ni ma'am 1 hour ang exam namin dito.



***

napatingin ako kay levi na tumayo, wala pang 30 minutes pinasa nya na?



wow.



sunod naman na nagpasa si hanz tapos lumabas ng room. hindi ko na pinansin at nag sagot nalang ako, buti nalang nareview ko lahat ng lumabas dito sa exam kundi nganga.





nang matapos ako ay nagpasa na agad ako, binulungan ko si ivy na sa cafeteria nalang kami magkita.




bumili ako ng makakain at naupo sa pinakadulo. napatingin ako sa umupo sa tapat ko




si hanz.



"eating fatty foods huh?" nakangising sabi nya. napatingin ako sa kinakain ko, ano bang pakialam nito?




"kung papakialaman mo lang kinakain ko, pwede ka ng umalis" at nginitian ko sya ng pilit.




"hey hanz!" tawag sakanya ni phoebe na ikinakunot ng noo ni hanz.




"close ba tayo? bakit nakikihanz ka?" ow shit, napakagat ako sa labi ko para bigilan ang tawa ko.




"whatever, bakit sumasama ka dyan sa nerdo weird na yan?" minsan talaga gusto ko ng putulin yung dila ng babaeng to e.




"e ikaw? bakit nangingialam ka?" pambabara na naman nitong si hanz. sinipa ko yung paa ni hanz sa ilalim ng lamesa maya napatingin sya sakin. pinandilatan ko sya ng mata




"sinasabi ko lang, kasi hindi nababagay ang gwapong katulad mo sa isang basura" natawa naman ako.




"ahh edi hindi ka din bagay sakanya?" sagot ko, minsan lang ako sumagot kapag alam kong wala na sa lugar mga sinasabi nya.




napanganga naman si phoebe at ang mga alipores nyang mukhang tinga.





"how dare you to say that to me!" ang arte ampota.



"luh ikaw nauna una, tas mag iinarte ka dyan. tara na nga cali" hinila na ko ni hanz palayo don.




"bakit ba ang init ng dugo non sayo?" tanong ni hanz, huminto kami sa garden ng school.



"simple lang, mahilig sya sa mga mahihinang katulad ko" sabi ko at nilagpasan na sya.



"you're not weak, ayaw mo lang ilabas totoo mong ugali. kung ano pinapakita mo saamin, alam kong hindi pa yan 'yon" napanganga ako sa sinabi ni hanz, iniwan nya ko dito sa garden.



The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon