07: make over?

48 4 0
                                    

Note: Sa mga name ng places or whatsoever was just invented ok?




at dahil nga tapos na ang exam week, parang nakakatamad na pumasok sa lunes kasi hindi na naman agad agad magtuturo yung ibang teachers, ewan ko ba bakit ganon sila. baka busy din mag check ng test paper at magcompute ng grades.




saturday ngayon at napagdesisyunan ko na ako na lang ang mag grocery para makapagpahinga si lola sa tindahan.



"lola aalis na po ako ha? kayo na po muna ang bahala dito" sabi ko at hinalikan si lola sa pisngi




"oh siya sige apo, mag iingat ka ha? sigurado kang kumpleto na iyang nasa listahan mo?" paninigurado ni lola. ngumiti ako




"opo lola, sige po bye!" lumabas na ako, mag jjeep ako kasi medyo malayo dito ang mall.





habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep ay natanaw ko si hanz na papunta sa gawi ko. ngayon palang ata ito uuwi.




"oh saan ka pupunta?" tanong saakin ni hanz ng magkasalubong na kami.




"grocery bakit?" tanong ko sakanya.




tinitigan muna ako nito habang nakapamulsa bago sagutin "hmm, si lola tina?"





"bahay" sabi ko at lalagpasan na sana siya ng hawakan niya yung braso ko.




"sama ako"




"wag na, kaya ko naman umuwi kana lang para may kasama si lola tina. hinahanap kana nun" sabi ko at umalis na hindi ko na ito inantay sagutin ako.




***

nandito na ako sa grocery at kinukuha na yung mga nakalista, sakto lang naman ito. hindi ko nga lang alam kung ilang plastic yung bibitbitin ko.




nang matapos ako maggrocery ay naka apat akong plastik, kaya naman buhatin pero may bibilhin pa sana ako sa watsons. nanood kasi ako sa youtube kagabi about make up, then parang gusto ko bumili. kaso mukhang hindi ako makakadaan kasi may bitbit ako





magpaahit muna kaya ako ng kilay? at pabawasan ng konti itong aking buhok?




tama ayun na muna siguro ang gagawin ko. umakyat ako sa 3rd floor kasi andoon iyong mga salon.




sinabi ko sa babae na hairstylist kung ano yung pakay ko dito sa salon, at ang inuna niyang gawin ay ang gupitin ang akin buhok na itrim.





sunod naman nitong ginawa ay ang pag ahit ng kilay ko.




"alam mo maganda ka" puri saakin nung babaeng nag aayos sakin. "kahit marami kang pimple, may malaki kang salamin. maganda ka kahit ano pa ang itsura mo"




napangiti naman ako sa sinabi ng babae. saka na ako mag papafacial, kapag nakapag ipon na ulit. mukhang magastos iyon e. saka na lang




bago ako lumabas ng salon ay tinawag ako ng babaeng nag ayos saakin "ano nga pala ang pangalan mo?"



"cali po" napangiti ito lalo ng marinig ang pangalan ko.





"ang ganda ng pangalan mo, ako nga pala si lexy. balik ka ha?" ngumiti ako atsaka tumango "siya nga pala, halika dito" nagtaka ako pero lumapit pa din ako sakanya.




may kinuha ito sakanyang bag "lalagyan kita ng liptint" sabi nito at may nilagay sa labi ko. "that's it" nakangiting sabi nito.




The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon