17: avoid

35 2 11
                                    




andito ako sa room, at maaga pa. kaya naisipan kong pumunta na lang muna ng rooftop, may dala dala din akong iced coffee.





pagdating ko sa rooftop walang tao kaya naisipan kong umupo sa bench. may tatlong bench dito






nakatingin lang ako sa magandang view at naglagay ng earphone sa tenga.





napatingin ako sa tumabi saakin, si cole? tinanggal ko ang earphone sa tainga ko.






"you never said to me na nililigawan mo na si ivy" sabi ko.





napakamot ito sa batok "nung isang araw lang kasi ako nagstart" sabi nito, tumango ako at ngumiti.




"binibiro lang kita, wag mo sasaktan yon ah? malilintikan ka sakin" natawa naman ito sa sinabi ko, alam ko namang hindi nya sasaktan si ivy.





"bakit ka nga pala andito?" tanong ko kay cole.




"kung hindi ako sa garden nakatambay tuwing umaga, dito ako nagpupunta. e sakto andito ka" sagot nya





"hindi mo ba susunduin si ivy?" tanong ko, maaga pa naman at pwede nya itong sunduin sa dorm nya.





"ayaw nya e, chismosa daw kasi mga kadorm nya" sabagay "ikaw bakit ka andito?"





"papahangin lang" sabi ko, pero iniisip ko pa din yung sinabi ni levi na lahat ng nakapaligid sakin nay tinatagong sikreto. si cole kaya meron?





"ikaw cole?" napatingin ito saakin kaya tinignan ko din sya sa mata "may tinatago ka din ba sakin?" nagtaka naman ito sa sinabi ko.




"ha? anong tinatago?" ngumiti ako at umiling.





napatingin kami sa kakapasok lang dito sa rooftop, si levi at sereia.





"tara cali" aya sakin ni cole, tumango ako at sumunod. hindi ko na ginawang tapunan ng tingin silang dalawa. pero bakit andito din sila?





dumaan ang ilang oras at tuloy tuloy ang klase, wala kaming lunch pero hindi ko maramdaman ang gutom. dati nagtatago pa ko para kumain, ngayon hindi na.






"ok mukhang gutom na ang iilan sainyo, 10 minutes break. umakyat dito kapag tapos na kumain, oorasan ko kayo" sabi ni sir. nagthank you sila at tumakbo palabas ng room






pero hindi ako tumayo at nag heads down nalang, iidlip na lang ako





"cali! hindi ka kakain?" tanong ni ivy. umiling lang ako ng hindi inaangat ang ulo ko. gusto ko muna sila iwasan.





"bakit hindi ka kakain?" rinig komg sabi ni hanz, alam kong sya yun pero di ko pa din inaangat ang ulo ko. hindi ko sya pinansin at natulog na lang





wala ng nagtangkang kausapin ako pagtapos ni hanz. naramdaman kong may nilagay sa desk ko, pero di ko pa din inangat ang ulo ko.





hindi ako ganon nakaidlip, pinikit ko lang talaga ang mata ko. naramdaman kong nagsisidatingan na ang iba kaya inangat ko na ang ulo ko. nakita kong may pagkain sa desk ko, and may sticky note na nakasulat.





kumain ka.





itinabi ko lang iyon, dahil start na ng klase.





The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon