10: for what reason?

48 3 4
                                    




tatlong buwan na nakalipas nakakastress na ng sobra, pero may inannounce kanina yung adviser namin na may field trip daw next week.





ewan ko bat meron pa, e graduating naman kami di na namin kailangan yun.




"cali!" tawag saakin ni sereia, simula nung nagtransfer sya dito naging close na din kami. madalas na din kami magsamang tatlo nila ivy, ok naman mabait sya. "sama ka samin mamaya" nakangiting sabi nya





kumunot yung noo ko "ha bakit? san kayo punta?" tanong ko





"bibili kami ni ivy ng dadalhin bukas, sama ka ha" nakangiting sabi ni reia bago umupo sa upuan nya kasabay ng pagdating ng teacher namin.





araw araw na din pumapasok si hanz ngayon, pero minsan hindi sya saamin umuuwi. hinahatid nya muna ako bago sya may puntahan, ewan ko ba dito parang tatay.





***




"saan kayo pupunta?" biglang sulpot saamin ni hanz, nagmamadali kasi kaming umalis nila reia and ivy.




"bibili kami ng snacks na dadalhin bukas, sama ka babe?" pang asar ni ivy. tapos kumapit sa braso ni hanz, natawa nalang kami ni sereia.





"may pupuntahan pa ako, text mo ko" sabi sakin ni hanz bago sya umalis. napatulala naman ako, bakit ko naman sya itetext?




"hoy! anong meron sainyo ni hanz" kunot noong tanong ni ivy.





"ewan ko sakanya, tara na!" sabi ko at hinila na sila. si levi, may sariling buhay na naman. minsan sabay sabay kaming umuuwi, minsan naman may sari-sarili kaming buhay.





habang naglalakad kami dito sa mall, nakita namin si cole na may kasamang babae.




"hoy cole!" sigaw ko kaya napatingin sakin ibang tao. maski sila ivy napatingin sa sinigawan ko





nanlaki mata ni cole ng makita kami, kaya naningkit yung mata ni ivy. sus alam ko namang may gusto sya kay cole, kahit hindi nya sabihin.





lumapit kaming tatlo kay cole tsaka dun sa kasama nyang babae. "sino yan?" diretsyong tanong ni ivy.





"ahh kaklase ko, si lumi" pakilala ni cole dun sa babae.




maganda sya ah, angelic face.





"ah hi, I'm lumi kaklase ni cole" nakangiting sabi ni lumi.





"lumi? parang noodles ah" bara ni ivy kaya siniko ko sya.





"lomi yon ivy" natatawang sabi ni sereia.





wtf HAHAHAHAHAHAHAH.





"ang korni mo ivy!" sabi ni cole, nakita ko namang tumatawa si lumi kaya natawa na din ako. pero seryoso pa din si ivy





nagulat ako ng umalis na si ivy, nagkatinginan naman kami ni reia sinenyasan ko syang sundan nya.





"sige pala cole mauuna na kami ah, may regla ata yon" bulong ko sakanya. ngumiti si cole saakin "suyuin mo yun lagot ka" dagdag ko bago pa tumakbo papunta kila ivy.





wala namang namamagitan kay cole and ivy, alam ko lang na may gusto si ivy kay cole. ewan ko na lang dito kay cole kung hindi nya pa mahalata yun




The Truth Untold (UNIVERSITY SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon