Believe Me I'm An Angel || CHAPTER 10
~ My Heart: Part 2~
KAT’S POV.
That night, nagpractice na din ako ng song na sinabi ni Zeke. And that night, nalaman ko na my parents donated my heart to someone.
I wonder who that person is. Para naman makapagpasalamat ako. Di ba? :)
Nasa McDo kami ni Rachel. Nabagabag ako sa nangyayari sa akin. Dati yung sa tunay kong pangalan. Tapos sa pagkamatay ko at sa pamilya ko.
“Bestfriend, may sasabihin ako sa’yo” Tapos nag-sip ako konti sa coke float ko.
“Nung mga nakaraang araw kasi, ewan ko ba. Parang may mga nagfa-flashback sa akin. Yung name ko, ako talaga si Katrina Alvarez. At namatay ako dahil sa nabangga ako ng bus”
“Alam ko nay an, bestfriend. Dati pa naman natin alam yun di ba? Pwera sa name mo”
“Wait lang bestfriend, excited ka. Patapusin mo muna ako, please? Napaka-seryoso ko sa’yo sinisira mo moment ko!”
“Sorry naman, bestfriend. Seryoso much ka kasi kaya nagpatawa muna ako XD”
“Nabangga ako ng bus dahil sa boyfriend ko. He broke up with me kaya nagtatakbo ako and I got hit by a bus”
“Ha? Paano mo naman nalaman yan bestfriend?!”
“Flashbacks. But wait, there’s more. Dinonate ng parents ko ang heart ko”
“Ha? Dinonate nila? Syempre, without your permission yun. Hay. Bestfriend, wala kang puso! T___T”
“Ang gusto ko lang malaman e kung sino yung pinagbigyan ng puso ko”
“Ha? Bakit pa? Para bawiin mo? Loka! Balik balik yung puso, ganun? Kawawa naman yung tao. And we’re dead. Di mo na magagamit yun”
“Loka ka, bestfriend! Hindi yun. Gusto ko lang makita kung kamusta na ba ang taong yun at kamusta na ang puso ko. Tsaka para sabihin na alagaan nya yung puso ko. Kung sa papaano mang paraan pwede kong masabi yun”
“Sabagay, may point ka, bestfriend. Kaso paano naman natin malalaman yun?”