Chapter 04. Angels don't give up.

8K 118 10
                                    

Believe Me I'm An Angel || CHAPTER 04

~ Angels don't give up ~

KAT'S POV.

"Aalis muna ako. Dito ka na lang muna. Wag kang magkikilos baka mabinat ka" sabi nya. Kikiligin na ba ako?! Concerned si Fafa Blake.

"Magpalit ka din ng damit mo. Ang dungis dungis mo. Kahapon lang putting puti yang suot mo"

"Pero wala akong damit"

"ANO!? Pshhh. Oo nga pala, you're from heaven above. Wala bang pinadalang maleta sa 'yo? Damit? Pera? Uhh! Ayoko na maging anghel kung ganyan din lang"

"Masaya kaya maging anghel noh! Tsaka, igagaya mo naman ang langit dito sa taga-lupa. Walang maleta" May saltik din to e >____<

Bigla nya akong hinagisan ng tshirt at isang shorts. "Ayan, yan muna suotan mo. Babalik din naman ako mamaya. Dito ka lang. Wag kang lalabas. Okay?"

"Yes, master!" ^______^

Mabait din naman pala 'tong si Blake eh. I know 'cause I somehow feel it. He's not really bad at all.

"Saan ka nga pala pupunta?" OOPS. Wrong question ata ako ah. Baka sabihin e pati yun itatanong ko. Sabagay, wala dapat akong pakialam dun.

Pero ako ang angel nya! Dapat alam ko kasi paano kung gagawa siya ng masama di ba?

I got your picture

I'm coming with you

Dear Maria, count me in

Ayan na naman yung ringtone ni Blake. Kinuha nya yung phone nya. Teka, bakit ganun yung cellphone nya? Uhh. Ganun na ba ako katagal nawala dito sa mundo? Huhu.

"Hello? Ano pare?! Dito na lang sa bahay? Pero, wait..."

"Binabaan ako ng telepono. Pakyu ka, Chase!"

"Shhh. Watch your words, Blake. Don't cuss"

"Eh binabaan ako ng phone eh!" Ang dali namang magalit nito! Jusko, Lord. Napaka-immature.

"Eto oh, ATM card ko. Pumunta ka na muna sa mall. Mamili ka ng gamit mo. Pero please lang, wag mong uubusin yung laman nyan. Pupunta kasi dito yung bandmates ko. Dito kami mag..."

"May banda ka?! WOW!!!" May banda siya. Kyaaaa! >3<

"Patapusin mo muna ako magsalita, pwede? Psshh. Hindi ka lang pala mushroom, bingi ka din pala! Oo, may banda ako. Dito daw kami magpapractice. Kaya umalis ka muna. Shupiiiiii!"

Pero in the end, hinatid nya ako sa mall. Yehey! Shopping. :">

Pero, wait. Paano ako uuwi?! Hindi ko alam ang pauwi. Wala naman siyang sinabi na susunduin nya ulit ako!?

Lumingon ako at hahabulin ko sana siya kasi nga itatanong ko kung susunduin nya ulit ako. Pero.....

WALA NA SIYA :[

HUHUHUHUHUHU. Nakakainis ka, Blake!!

Pumasok na lang ako sa mall. Napansin ko na 2pm na pala. Ang dami kong nakita. WOOOOW! Parang gusto kong itry lahat at bilhin!! :">

Naglibot libot ako at di ko namalayan na 7pm na pala ng gabi. 5 tshirt lang ang binili ko na di gaano mamahalin, 1 shorts, 1 jeans, at 1 tsinelas. Pero ang dami kong natry na mga damit pa. Haha! :"> Ayoko naman kasi maging gahaman sa ATM ni Blake nu.

Teka, makapagwithraw na nga lang muna. Para sakali e may pamasahe ako pauwi.

Pumara ako ng taxi.

Believe Me I'm An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon