Chapter 1

18.1K 208 11
                                    

Believe Me I'm An Angel

CHAPTER 01.

Kat's POV.

"Bestfriend! Ito na siguro yung sinasabi sa'yo ni Lolo Peter" Sabi ni Rachel, ang aking bestfriend. The one and only.


"Wow! Ang laki naman ng bahay na 'to! Mukhang mayaman sila!" Pero grabe talaga, ganito ba talaga kalaki yung bahay ng aalagaan ko? Madaming pagkain dito panigurado! YESSSS!


"Oo nga e, mukhang swerte ka! Sisiw lang talaga siguro 'to para sa'yo. O siya, paano bestfriend, mauuna na ako sa'yo ha? Meron pa din akong mission na akin e. Magkita na lang tayo pagkatapos ng mission natin, okay?" Sabay beso sa akin ng aking bestfriend.

Ako nga pala si Katrina.


At hindi kayo nagkakamali, Kat ang nickname ko. Sa dinami dami naman ng may pangalang Katrina, Kathleen, o Kathryn, madalas Kat ang nickname. Hay!  Buti na lang maganda ang mga may pangalang Kat, pero iba ako sa kanila.


Believe me I'm an angel. For real! :)


Yung sinasabi nyang si Lolo Peter ay si San Pedro. Mahirap paniwalaan pero maniwala na lang kayo, sabi ni Ms Author eh! Siya taga sulat nito, pagbigyan na. Hahaha! :D


Ganito kasi yan. Namatay ako malamang kaya nga naging angel eh. Hahaha!


Pero sa totoo lang, wala akong maalala. All I know is kung paano at bakit ako namatay. I died because of an accident. I was hit by a bus. Pati age ko, I'm 18. Yun lang ang sabi ni Lolo Pete.


An angel has no memory, after all.


Si Rachel ang naging bestfriend ko simula nung napunta ako sa poder ni Lolo Pete. Nauna siya kesa sa akin.  Feeling ko nga e, napaka-tragic ng past niya. 


Lahat ng mga angel ay binibigyan ng kanya-kanyang mission. Ang mission na yun ay kailangan nyang magawa para mabuhay ulit siya. Reincarnation kumbaga. Pero hindi talaga mabuhay bilang ikaw noon. Of course, for God's sake! Babangon ang patay, ganun? Syempre, magiging iba na ang buhay namin. :p


As usual, ang common na nagiging mission ng isang anghel eh yung may kailangan kang tulungan magbago na tao. At yun yung napatapat sa akin. Kay Rachel din, pero magkaiba kami since ang akin daw ay isang teenager at sa kanya naman daw ay isang matandang babae.


Mabuti na nga lang at parehas kami ng binagsakan. Magkalapit lang siguro yung mga aalagaan namin.

******

Flashback.


"Oras niyo na. Ito na ang turn niyo na pinakahihintay niyo" nakangiting sabi ni Lolo Peter.


"Game na Lolo Pete! Excited na mehhh!" Excited na sabi ko.


"Don't call me Pete, for God's sake!! Ang kulit mo talagang bata ka"


"Masanay na po kayo Lolo Pete! Tsaka, ayaw niyo nun. Pang bagets! Parang Peter Parker lang. Hahahahaha!" May pagkaloka talaga ko. Pagpasensyahan nyo na. XD

Believe Me I'm An AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon