Pagkatapos na pagkatapos mawala ni Lori sa aking paningin ay agad akong tumayo para hanapin si Chelsea. Tawag ako ng tawag sa phone niya pero hindi niya ito sinasagot hanggang sa tuluyan nang hindi macontact ang phone nito
Hinanap ko siya sa mga pagkainan at bar na malapit sa condo pero hindi ko siya natagpuan, sa loob ng maraming taon isang lugar lang ang sa tingin kong mapupuntahan niya ngayon
Chelsea's POV
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman kanina sa mga nakita ko. pinaghalong galit, sakit, panghihinayang at lungkot. Galit dahil wala akong ibang pwedeng sisihin kung hindi ang sarili ko sa mga nangyayari, walang ibang pwedeng sisihin kung bakit lumayo ang loob sakin ni Jake. Sakit dahil hindi ko kayang makita ang mahal ko na hinahalikan ng ibang tao. Panghihinayang sa mga taong nasayang na dapat ay magkasama kaming dalawa. at higit sa lahat ay lungkot, lungkot dahil pakiramdam ko wala nang pag-asa para saming dalawa. wala na siyang natitirang pagmamahal sakin
Dito ko naisipang dumeretso dahil itong lugar na ito ang nakasaksi sa pagmamahalan naming dalawa. Ang school namin nung highschool pero hanggang sa gate lang ako dahil sarado na ang school ng mga ganitong oras. Ito yung lugar kung saan ako natutunong magpatawad at magkaroon ng tunay na kasiyahan. ito ang lugar na nagbigay sakin ng ibang pakiramdam, yung feeling na minamahal ka rin ng taong mahal mo
"Chelsea"
Nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko na pagod na pagod at kitang kita sa mga mata nito ang pagsisisi. hindi ko siya inimik at buong sandali ay nakatingin lang ako sa mga mata nito
Hanggang sa nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin at umiyak sa aking balikat. sunod sunod ang pagsabi niya ng sorry. Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng sarili kong mga luha at tuluyan na siyang yakapin ng mahigpit.
"Jake. Sorry. I'm so sorry"
Sa loob ng ilang minuto ay patuloy lang kami sa pag-iyak. para bang lahat ng sama ng loob ay binubuhos na namin sa pag-iyak. Bawat patak ng luha namin ay nangangahulugan ng mga salita na matagal naming gustong sabihin sa isa't-isa
Kung gaano namin namiss ang isa't-isa
Kung gaano katagal naming hinintay ang kapatawaran ng bawat isa
at higit sa lahat...
Kung gaano namin katagal gustong iparamdam ang salitang pagmamahal
"Gusto kong malaman bawat detalye Chelsea. bawat pangyayari na hindi ko alam o hindi ko maintindihan. Gusto kong sabihin mo sakin lahat"
tumango ako sakanya at ngumiti. Agad niyang hinatak ang kamay ko at dumeretso kami sa isang park or playground malapit sa school. umupo kami sa magkabilaang swing at hinihintay na may maunang magsalita saming dalawa
Nauna na kong magsalita sakanya at sinabi ko lahat ng gusto nitong malaman, tahimik lang siyang nakikinig sa bawat salitang sasabihin ko. Nasabi ko rin sakanya yung tungkol sa pagkawala ng boses ni Kris, habang nagkwekwento ako sakanya kitang kita ang lalim nang pag-iisip nito, na para bang tinatantya bawat salitang lalabas sa bibig ko. Nang matapos ko nang ipaliwanag sakanya lahat ay siya naman ang nagsalita
Kwinento nito sakin ang nangyari sakanila ni Ann, kung paano palayain ni Ann si Jake. At kung paano ito naguiguilty sa mga nangyayari. at kung paano ito awang awa sa sitwasyon naming lahat
"Wag kang mag-alala Jake, malalampasan din natin lahat ng ito. magtutulungan tayong malutas ang bawat problema na meron tayo. at hindi magtatagal darating ang panahon kung saan magiging masaya na ang bawat isa satin"
Ngumiti ito sakin at pumunta sa harap ko at lumuhod
"Alam ko hindi ito ang tamang oras na tanungin ko saiyo to ngayon Chelsea, pero kung sakaling matapos at maayos na natin lahat ng ito. gusto ko sanang magpakasal tayo. Will you marry me?"
unti unting pumatak ang aking mga luha. Sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Ito yung matagal ko nang hinihintay ang magkasama kaming dalawa. at sa kabila ng lahat maswerte parin ako. dahil may isang Jake Cunanan na handang maghintay sakin habang buhay
Sam's POV
Dumaan ang maraming araw na naging masaya ang bawat isa. lahat kami nagtutulungan para mapagaling si Kris. Hindi kami nagbabanggit ng kahit anong bagay na pwedeng makapagpastress sakanya at sabi ng doctor unti unting nag iimprove ang kalagayan nito. Si Ann naman ay lumipad papuntang abroad para makapag isip. Gusto niyang mabuo ulit ang sarili niya. gusto niya na pag bumalik siya dito sa Pilipinas ay siya na ulit si Ann Lorraine Barcelo na nakilala namin. Si Ann na aming kapatid at kaibigan
Naging maayos naman ang relation nila Jake at Chelsea, unti unti nang bumalik sa mga ngiti sa labi ni Jake at kitang kita sa muka nito ang pagkapanatag ng bawat isa. Nagpapasalamat ako kay Lord dahil hindi ko akalain na darating pa ang araw na to, kung saan lahat kami masaya. lahat kami walang inaalalang problema at walang tinatagong kahit ano na makakasira saming samahan
Pero sana dumating din yung araw na lahat kami ay tuluyan nang magiging masaya, sana dumating yung araw kung saan makakapagsalita na si Kris, sana dumating yung araw na makikita na ulit namin si Ann, at higit sa lahat sana dumating yung araw na mabubuo ulit ang 1Band
-----------------------------------------------------------------------------
[A/N]: ANNOUNCEMENT!!! Ang next na chapter na nito ay ang epilogue. matatapos na siya guys!!! Abangan niyo kung sila pa rin hanggang huli or kung ano ang magiging ending nito. ^_____^ alam niyo naman ako, laging may twist and turns sa ending pero malay niyo ang maging ending nito ay kung ano man yang iniisip niyo, WAHAHAHAHAHA! Sa susunod na chapter na ko magdradrama so, ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPPIE! Siguro sa Mismong Christmas ko ipopost yun or a day earlier. so abang abang din. hahahaha!
love-love
~Jaz
BINABASA MO ANG
Who Are You
Teen FictionPaano kung makita mo ulit ang muka ng taong mahal mo sa iba? Mamahalin mo rin ba ito? O bibigyan mo ng panibagong pagkakataon ang iyong puso para muling makaranas ng pagmamahal sa iba?