Ann’s POV
Simula ng mangyari ang insidente sa dressing room ay hindi na kami muling nagkita kita
Sila Kris at Seya ay bumalik muna papuntang America, samantalang kaming tatlo nila Sam at Jake ay ang natirang magkakasama
“So wala na talaga”
Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Sam habang sinasabi niya yun
“Wala na ang One band”
Naalala ko pa lahat ng sinabi samin ni Kris bago siya umalis
*flashback
Nandito kami ngayon sa airport para ihatid pabalik sila Seya at Kris sa America, nagkaroon kasi ng biglaang pagsakit ng ulo si Seya kaya kailangan nilang ipatignan ito sa doctor niya na nasa ibang bansa
“Hindi ba siya darating?”
Nag-aalangang tanong sakin ni Seya
Bakit niya hinahanap ito? Hindi kaya totoo lahat ng sinabi ni Jake?
Pero wala akong nakikitang dahilan para magpanggap ito
“Hindi na”
Si Sam na ang sumagot sakanya
“Halika na Seya?”
Hinatak na siya palayo ni Kris samin na para bang nagmamadali
Humarap samin si Kris sa huling pagkakataon at sinabing
“Ng-ququit na ko sa One Band, pagbalik ko ituring niyo na kong hindi member nito”
Nagulat kami sa mga naririnig namin
Quit? Bakit?
Sumigaw ako pabalik sakanya
“Kung magququit ka mawawala na ng tuluyan ang One Band”
“Eh di i-disband mo, wala akong pake”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na silang naglakad palayo
Kitang kita ko ang inis sa muka ni Sam
“Napakaselfish niya”
Yun nalang ang tanging nasabi ni Sam bago kami tuluyang umalis ng airport
*end of flashback
“So….simula ngayon, magkakanya kanya na tayo…sorry guys, wala akong kwentang manager”
Tinignan lang ako ni Sam na may halong lungkot, habang si Jake…eto tulala
“Mauna na ko”
Tumayo si Jake at lumabas nan g practice room
“Manager Ann, babalik nalang po muna ako ng New Jersey, dun na po ako magpapatuloy ng pag-aaral ko pero pagkagraduate ko, papalik ako dito….pangako”
Ngumiti siya sakin ng malungkot at ganun din ako
Eto na talaga….
Disbanded na ang One Band
Maraming araw ang nakalipas at mabilis kumalat ang balitang watak watak na ang banda, maraming naging usap usapan tungkol sa dahilan ng pagkakawatak watak nila pero wala ni isa ang nakakaalam ng totoong dahilan na…
Ang lahat ng ito ay dahil lang sa isang babae
Lumipas din ang mga araw na wala akong narinig na balita tungkol kay Jake, ni hindi na rin siya pumapasok sa school pero hindi ako tumigil sa paghahanap sakanya hanggang sa makita ko siya sa isang club na nagpeperform mag-isa
Pinagmasdan ko lang siya sa malayo habang tumutugtog siya sa stage, malaki ang pinagbago nito
Kung dati ay ang ayos ayos ng buhok niya
Ngayon ay para na siyang isang babae dahil sa haba nito
Pero hindi mapagkakaila na kahit anong itsura pa niya
Mahal ko pa rin siya
Jake’s POV
Simula ng umalis sila Seya nawalan na ko ng gana
Ganun na lang ba yun? Pagkatapos ko Makita ulit ang muka ni Chelsea bigla nalang mawawala?
Tsaka bakit ganun sila? Dahil ba sakin kaya sila umalis ng bansa?
May ayaw ba silang malaman ko?
May tinatago ba sila? Hanggang ngayon kasi iba pa rin ang nararamdaman ko…
Possible nga kayang maramdaman ko kay Seya ang naramdaman k okay Chelsea dahil lang sa magkamuka sila?
Naguguluhan ako
Simula ng magkahiwalay hiwalay kami wala na kong ibang balita kila Sam at Lori
Hindi ko nga alam kung okay sila
Simula kasi nung huling paguusap namin, lumayo ako sakanila
Gusto ko kasing ayusin ang sarili ko, gusto kong mawala tong nararamdaman ko
“Jake?”
Nagulat ako ng biglang may tumawag sakin
“Lori?”
Napangiti ako ng makita ko siya sa bar na pinagtratrabahuhan ko
“Ano----anong ginagawa mo dito?”
Ngumiti siya sakin at umupo sa tabi ko
“Pinuntahan lang kita, nabalitaan ko kasing nandito ka kaya dumalaw ako pero alam mo, namiss kita”
Napangiti ako sa sinabi niya
“Namiss din kita”
Bigla niyang iniwas ang tingin niya sakin
Pinahalata ko nalang na wala akong napansin at nagsalita nalang ako ulit
“Si Sam?”
“Nasa New Jersey, dun daw siya mag-aaral eh”
“Ahh…ganun ba?”
Hindi man lang ako nakapagpaalam sakanya
Ang huling kita pa namin ay yung araw na wala ako sa katinuan
“May tanong ako Jake”
Napatingin ako sakanya pero para bang nahihiya siyang sabihin yung tatanungin niya
“Pwede ba-----pwede ba---”
“Pwede bang alin?”
Iniwas niya ang tingin niya sakin
“Pwede bang dito muna ako sa tabi mo sa mga susunod na araw?”
Nagulat ako sa mga sinasabi ni Lori pero natutuwa din ako at the same time
“Pwede”
Kahit paano alam kong may kaibigan pa rin ako
At baka sakaling siya na mismo ang magtanggal ng sakit na nararamdaman ko
------------------------------------------------------------------------
[A/N]: Sorry for the lame update guys, masyado kasi akong busy dahil madaming ginagawa sa school. sorry talaga medyo nahassle pa ko kanina dahil sa SONA. di kasi sinuspend ang klase namin today kaya na-bv ako. pasensya..babawi ako next time ok? pag nawala na si writer's block >.<
LOVE YOU GUYS!! >3<
love-love
~Jaz
BINABASA MO ANG
Who Are You
Teen FictionPaano kung makita mo ulit ang muka ng taong mahal mo sa iba? Mamahalin mo rin ba ito? O bibigyan mo ng panibagong pagkakataon ang iyong puso para muling makaranas ng pagmamahal sa iba?