WAY FIFTEEN: Voiceless

459 13 0
                                    

Jake's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayong araw, hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot o maiinis. ewan! 

"Nasan na siya ngayon?"

Si Lori naman ang nagsalita ngayon, after ng mga sinabi ni Sam kanina wala ni isang samin ang nagkusang magsalita ulit

"Uuwi siya bukas kasama si Kris"

Kasama si Kris? tuluyan na bang nahulog ang loob nito kay Kris? Naiinis ako kay Kris, nagagalit. gusto ko siyang suntukin ngayon pero kahit paano naiintindihan ko ang mga ginawa niya. naiintindihan ko kung gaano kalungkot ang mamatayan ng isang minamahal

Kumain kami ng tahimik at ni isa wala nanaman gustong magsalita para bang ang dami naming gustong sabihin sa isat isa pero hindi namin magawang ilagay ito sa mga simpleng salita

pumasok na si Sam sa kwarto nito at nagpahinga samantalang naiwan naman kami ni Lori para magayos ng mga naiwang pinagkainan

"Jake... kung sakali bang makita mo na si Chelsea bukas, anong gagawin mo?"

Anong gagawin ko? Ano nga ba ang dapat gawin? Dapat bang maging masaya ako dahil nakita ko na siya? Dapat bang ikatuwa ko ang mga mangyayari?

"Hindi ko alam Lori. Hindi ko alam"

Tinapos ko na ang mga naiwan pang plato at dumeretso na sa kwarto saka nahiga sa kama. hindi mawala sa isip ko yung tanong ni Lori sakin, ano nga ba ang dapat gawin? Pero hindi ko alam kung katulad pa rin ng dati ang nararamdaman ko kay Chelsea, hindi ko alam kung anong irereact ko dahil sa nakalipas na maraming taon na hindi ko siya nakasama, unti unti ding naglaho yung spark na nararamdaman ko sakanya 

Para bang isang kandila na natunaw at naubos. pero sa kabila nun may isang taong laging nandyan sa tabi ko, may isang taong hindi nagsawang pasiyahin ako at isa lang ang sigurado ko ngayon.....

Si Ann Lorraine Barcelo ang babaeng tinitibok ng aking puso

Seya/Chelsea's POV

walang araw na hindi ko siya naiisip, walang araw na hindi ko pinagsisihan na hindi sabihin sakanya lahat lahat nung bumalik na ang ala ala ko. walang araw na hindi sinasabi ng puso at isip ko kung gaano ko siya kamahal. Walang araw na hindi ko siya ginustong makita

Pero sa mga nakalipas na panahon, ako pa rin kaya ang nasa puso niya ngayon? Ako pa rin kaya ang minamahal niya? O baka naman......

Napalitan na to ng iba?

Kung ganun nga, hindi ko matatanggap ito, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. hindi ko naman ginusto ang maaksidente at makalimutan ang lahat. hindi ko ginustong hindi siya maalala nung araw na nagkita kami.

Pero nung araw na yun, yun yung araw na sobrang bilis ng tibok ng puso ko. yun yung araw na naging kakaiba ang pakiramdam ko para akong isang bata na nakakita ng gusto nitong ipabili. Para akong nabuhayan ulit

"Chelsea?"

Natauhan ako sa pag-iisip ng bigla akong tawagin ng doctor

"Yes? Can he travel tomorrow?"

"Yes he can, just refrain him from any stress. and if something bad happened just go straight to the nearest hospital. understand?"

"Of course. thank you"

Inalalayan ko na si Kris papasok ng kotse, sa backseat ko ito pinaupo para mas makapag relax ito. nagdrive na ko papunta sa bahay kung saan kami tumutuloy simula nung bumalik kami dito sa states. 

Inalalayan ko ito hanggang sa makaupo sa may coach sa living room

"Gusto mo bang manuod?"

tumango lang ito sakin at ngumiti

"Sige sandali ah. bubuksan ko lang. dito ka lang ha? aayusin ko lang yung gamit natin"

tumango lang ulit ito at nagfocus na sa TV. simula nung pagbalik namin dito, at pagkatapos kong makausap noon si Sam. sinabi ko na kay Kris ang lahat lahat. na bumalik na ang mga ala-ala ko, na alam ko nang ako si Chelsea at hindi si Seya. Nung araw na yun ay nagkaroon kami ng matinding pagtatalo na naging dahilan ng mental breakdown nito. agad ko siyang dinala sa ospital at nang magising ito........

hindi na niya alam kung paano magsalita

Alam ko. kasalanan ko ang lahat kaya mas pinili ko munag hindi umuwi sa pilipinas kahit na sabik na sabik na ko. nagtitiis muna ako at inalagaan ko si Kris hanggang sa bumuti na ang lagay nito pero hindi pa rin ito nakakapagsalita, sana nga sa pagbalik namin sa pilipinas ay muli na naming marinig ang boses nito. 

----------------------------------------------------------------------------------------

[A/N]: After the loooooooooooong wait! sorry guys, sadyang inayos ko lang tong story na to kasi nga nawala yung draft ko dito ewan ko ba. pero atleast ngayon nakapagupdate na ko. hindi ko sure pero parang onting chapters nalang at matatapos na to. HAHAHAAHAHA! BAKA LANG NAMAN =))))

Pero malay niyo hindi pala :p ay ewan. basta mag-aaral muna ako guys. mahirap kasi baka bumaksak ako. syempre katulad niyo may life din ako at may pangarap din. gusto ko kasing mag medicine kaya ginagalingan ko sa mga subjects ko para hindi na ko mahirapan pag nag med na ko. kaya bare with me kung matagal ang mga update. hehehe! love you guys! :**

love-love

~Jaz

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon