WAY THIRTEEN: Someone's Back

469 14 0
                                    

“Sino si Chelsea Ramos? What is your relationship with her? I heard na namatay siya without you knowing it, how true is this?”

"Jake?"

Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Lori, hindi pa pala ako nakakasagot sa tanong nung host, masyado ata akong nagisip. hindi ko kasi maintindihan kung paano nila nakilala si Chelsea. 

"Oh Sorry....Chelsea....She's a very special girl to me...She was my everything"

"Was?"

Napatingin ako sa nagiinterview at tumango

"Yes. Was."

***********************************

2 years after

Ann's POV

"SAAAAAAAAAAAAAAAAAAM!"

Di ko napigilang hindi sumigaw, nakakainis kasi bukod sa napapalibutan kami ng mga tao eh ganun din si Sam kaya hindi niya kami matanaw. nasa airport kasi kami ngayon at ngayon ang uwi ni Sam, magbabakasyon kasi siya dito for ilang moths bago tuluyang bumalik sa ibang bansa

"ANNNN!! JAAKE!"

Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil yung itsura talaga ni sam eh yung hirap na hirap na onti nalang talaga maiirita na siya *_*

At after 123982938120938383910238 yearssssss!! nakasakay din kaming tatlo sa kotse. super hirap ng pinagdaaan namin pati mga security guard hindi nakayanan yung crowd. WHEW! Si Jake ngayon ang nagmamaneho at nasa pasenger seat ako tapos nasa back seat naman si Sam

"HAAAY! I MISS PHILIPPINESSS! SUPER!"

"Hoy pasalubong ko?!"

"Mamaya na po manager.....hay.. nakakamiss...manager"

Oo nga, nakakamiss. ngayon kasi si Jake nalang tumatawag sakin nun, hindi gaya dati na tatlo silang tumatawag sakin nun <//3

"Tama na yang drama. pre ano kamusta ka na? tagal nating di nagparamdam ah?"

"Busy lang sa states. nga pala Jake napanuod ko yung interview mo last 2 years ago..."

"Ah yun ba"

"Sure ka na ba sa sagot mo dun sa inteview?"

"Ha?"

Sabay pa kaming napatingin ni Jake kay Sam, ano ba tong sinasabi niya? hindi ko magets

"Yung tanong kay Chelsea?"

bumalik yung tingin ni Jake sa pagmamaneho at sumeryoso

"Oo. Sure na ko dun"

Napatingin naman si Sam sa labas ng bintana bago magsalita ulit

"Wala nang bawian?"

"Kung dati pre nalilito pa ko kung gusto ko na bang makalimot o hindi ngayon sigurado na ko at malaking parte na dito sa puso ko ang nabura sa nakaraan kasama na dun ang ala ala ko sakanya"

Nasabi na sakin ni Jake yun dati, nakakalimutan na niya si Chelsea kaya nga natutuwa ako sa mga nangyayari nung mga nakaraan dahil ni isang kalungkutan wala ka nang makikita sakanya. Ni isang luha wala nang pumapatak 

nandito na kami sa tapat ng condo at tinulungan namin si Sam na magbuhat ng mga gamit. Nang maayos na namin ang mga gamit niya ay hinanda ko na yung pagkain na binili namin ni Jake para kay Sam. Habang naghahanda ako ay nakita kong nanunuod sila ng NBA sa TV pero yung muka ni Sam hindi pa rin mapinta

"Pano kung sabihin ko sayo na kasinungalingan lang ang lahat?"

Napahinto ako sa pagaayos at napatingin sakanila, walang ni isang nagsasalita samin tanging ang tunog lang mula sa TV ang nagbabasag sa katahimikan na bumabalot sa aming tatlo

Kasinungalingan?

Ang alin?

"Ano....Anong kasinungalingan?"

Tumingin sakin si Sam. Napakaseryoso niya. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin niya. Para bang kung ano man yung sasabihin niya ay napakalaking epekto nito sa buhay namin nila Jake

"Si Chelsea.....Hindi talaga siya patay"

Imposible. Paanong? Hindi. hindi pwede. So ganun nalang yun? yung dalawang taong pinaghirapan ko para mapasaya si Jake ay mababalewala dahil sa kasinungalingan ni Sam? Hindi. Hindi pwede!! Hindi pwedeng bumalik si Chelsea dito. kung totoo ngang buhay siya, pano na ko? Mababalewala nanaman ako ni Jake? Ayokong mangyari yun.

Sa loob ng dalawang taon ako lang ang naging kasangga niya sa lahat. Ako lang ang nagpapasaya sakanya pag malungkot siya. Ako lang ang nagpawi ng mga hinanakit niya tapos ngayon sisirain lang yun lahat ng isang taong iniwan siya?

"Imposible! Kasinungalingan lang yan Sam diba? Hindi totoo yan!"

"Totoo Ann, ako mismo ang nakatuklas ng katotohanan"

Who Are YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon