Kabanata 44: Priscilla, Ang Bayani

1.6K 66 0
                                    

"Priscilla?"

Nakakunot ang noo kong paulit-ulit na tanong sa sarili. Hinawakan ko ang aking panga at nag-isip ng malalim kung ano ba talaga ang ibig sabihin sa nakasulat sa gintong papel na 'to.

Sino naglagay nito sa lamesa? Sa pagkakaalam ko ay kami pa lang ang nakapasok ulit dito maliban kay Tita Ailia. Dali-dali akong tumakbo papunta sa pintuan.

"Saan ka pupunta, Serephain?" Napahinto ako sa pagtakbo papunta sa pintuan nang marinig ko ang tanong ni ina.

Humarap naman ako sa kaniya at nagkamot ng ulo.

"Pupunta lang po saglit sa opisina ni Tita Ailia," sagot ko sa kaniya.

Kumunot naman ang kaniyang noo at tiningnan ako nang naguguluhan. Dumating naman si ama sa tabi niya. Palipat-lipat ang kaniyang mga tingin sa aming dalawa.

"Bakit, anong nangyayari rito?" naguguluhan niyang tanong.

"Pupunta lang po ako saglit sa opisina ni Tita Noelle."

"Bakit?" Sa pagkakataong 'to si ina na naman ang nagtanong sa akin.

Nilabas ko naman ang gintong papel na nakita sa lamesa. Nagkatinginan naman sina ina at ama saka tinanggap ang inabot kong papel. Tiningnan nila akong dalawa na tila parang naghihintay sa sabihin.

"Magtatanong po sana ako sa kaniya kung ano ang ibig sabihin ng nakasulat sa loob ng papel na 'yan. Baka kasi naiwan niya ang papel na 'yan dito lalo na't siya lang naman ang may hawak ng susi sa kwartong 'to."

Pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko ay napatingin si ama sa papel. Dahan-dahan niyang binuksan ito't nagsilakihan ang kaniyang mga mata. Maging si ina ay napansin ko ring nagsilakihan ang mga mata.

Tila ba'y parang nagulat sila sa nakasulat sa loob ng nakatuping kulay gintong papel.

"P-priscilla?" Uta-utal na basa ni ama sa nakasulat sa papel.

Sa pagkakataong 'to, ang aking noo na naman ang kumunot dahil sa pagkakalito.

"Bakit po, may alam po kayo sa nakasulat?"

Hindi sumagot si ama sa tinanong ko, sa halip ay umupo siya sa upuan na parang kinakabahan. Umupo na rin si ina at senenyasan akong maupo na rin. Ayon sa ekspresyon ni ama, tila parang alam niya ang ibig sabihin ng nakasulat. Kaya hindi na lamang ako nangulit pang pumunta sa opisina ni Tita Ailia.

"Hindi ka makakahanap ng sagot sa Tita Ailia mo, Serephain."

Tiningnan niya ako sa mata at nagulat na lamang ako nang makita kong nagtubig ang kaniyang mga mata.

Tila ba'y parang iiyak na siya mayamaya.

"Bakit po? Ano pong ibig sabihin sa nakasulat?" magalang kong tanong sa kaniya. "Pangalan po ng lugar, bagay o anghel ang Priscilla?" pahabol kong tanong ulit sa kaniya.

"Ang pangalang Priscilla ay pangalan ng isang anghel." Nagulat ako sa sinagot ni ama.

Bumuntonghininga siya nang malalim at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Si ina naman ay hinahaplos ang kaniyang kanang balikat.

"Si Priscilla ay ang matalik kong kaibigan simula mga bata pa kami. Magkaibigan din ang aming mga magulang. Inaasar pa nga kaming dalawa na baka raw kami ang magkakatuluyan. Ako bilang bata, palagi ko rin siyang inaasar na papakasalan ko siya kapag darating ang araw na nasa tamang edad kaming dalawa. Siya 'yong tipong kaibigan na kapag kailangan ko siya, nandiyan siya palagi sa aking tabi." Napapansin ko sa boses ni ama na unti-unting nanginig at pilit na ayaw niyang maiyak sa harapan naming dalawa ni ina.

Axphain Academy: School for Divine AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon