Kabanata 22: Ang Kasaysayan ng Axphain

1.9K 68 4
                                    

Kasama namin si Ayleth pabalik ng silid-aralan. Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil napalapit kaagad ang loob niya sa mga kaibigan ko. Kagagaling lang namin sa cafeteria at pabalik na kami sa silid-aralan dahil baka dadating na si Ginang Sena.

Kanina kasi hindi siya dumating dahil marami raw itong inaasikaso.

Si Ayleth ay isang babaeng sobrang mahiyain at sobrang mahinhin. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila at nakasunod lang. Pinagmasdan ko ang kagandahan ni Ayleth, mukha siyang anak ng reyna. Mula sa panonoot at pananalita niya, katulad ng mga katangian bilang isang prinsesa.

Nagulat nga ako kanina na sinabayan niya kaming naglalakad lang. Wala naman siyang mga tanong kung bakit kami naglalakad, kun'di ay parang wala siyang pakialam. Sobrang simple niyang anghel at walang masyadong kaartehan.

'Yon ang nagustuhan ko sa kaniya.

"Magkasama kami ni Serephain sa kuwarto namin sa dormitory." Nananabik na rinig kong kwento ni Ayleth sa apat kong kaibigan.

Napalingon sila sa akin at tiningnan ako nang naguguluhan.

"Magkasama kayo?" hindi makapaniwalang tanong ni Collyn sa kaniya.

Tumango naman si Ayleth bilang pagtugon habang namumula ang kaniyang mga pisngi. Tinaasan ko sina Borin, Rony, Collyn at Crystal ng isang kilay, dahilan para mapaiwas sila ng tingin.

"May problema ba?" Napansin naman silang apat ni Ayleth sa tinuran nila dahilan para mataranta sila.

"W-wala." Nauutal na sagot ni Borin.

Alam kasi nilang hindi ko gustong may kasama sa loob ng kuwarto dahil gusto ko ng katahimikan. Naiintindihan ko naman sila kung bakit ganoon ang tingin nila sa akin dahil nagmamakaawa sila sa akin na dalhin ko sila sa loob ng kuwarto ko.

Siyempre, hindi ako pumayag.

Nauna namang naglakad sina Borin, Crystal, Rony at Ayleth, habang si Collyn naman ay sinabayan akong maglakad.

"Hindi ko aakalaing mas paborito mo pala si Ayleth kaysa sa amin," nagtatampo niyang bulong sa akin.

Napatingin naman ako sa kaniya nang seryoso.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"Noong nakaraan gusto naming makita ang kuwarto mo pero si Ayleth, pinapasok mo. At makakasama mo pa siya sa iisang kwarto," patuloy niya pa.

Gusto kong matawa sa inakto niya pero pinigilan ko.

"Manahimik ka nga diyan, Collyn. Hindi bagay sa 'yo. Tsaka ano bang pagpipilian ko? Ang punong guro mismo naglagay sa kaniya sa kwarto ko kahit ayaw ko ng kasama," pagpapaliwanag ko naman.

Hindi na naman ako nakarinig ng reklamo sa kaniya kaya pinili ko na lamang na manahimik. Ilang segundo ay narating na namin ang silid-aralan at dumiretso sa kaniya-kaniyang upuan. Sakto namang kakaupo namin ay ang pagdating ni Ginang Sena.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Nakangiti niyang bati nang malagay na niya ang dala-dala niyang gamit sa lamesa.

Binati rin namin siya pabalik.

"Pasensya na kayo kung bakit hindi ako pumasok kanina ay dahil may mga papeles pa akong dapat tapusin. Dahil natapos ko na siya kaagad, uumpisahan na naman natin ang panibagong paksa." Lahat ay nakinig sa sasabihin niya at napapansin ko ring tutok na tutok sa pakikinig si Ayleth. "Pero bago ang lahat, may isang estudyante tayong kabilang sa klaseng 'to. Pakiusap, pakilala ka sa amin, Binibini."

Nang tumayo si Ayleth ay napapansin ko namang kakaiba rin ang mga tingin ni Ginang Sena sa kaniya. 'Yon bang parang puno ng pagrespeto para kay Ayleth. May kutob akong hindi lang isang ordinaryong anghel si Ayleth. Pero posible rin namang mali ang kutob ko.

Axphain Academy: School for Divine AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon