Kabanata 56: Pinagmamalaking Pag-ibig

1.2K 50 1
                                    

Tahimik kaming lumipad ni Caspian pabalik sa akademya nang magkahawak ang kamay. Pareho kaming malalim ang iniisip. Napatingin ako sa kaniya nang higpitan niya ang paghawak ng kamay niya sa akin.

Hindi niya ako nilingon. Nakatingin lamang siya sa kawalan. Sunod-sunod ang kaniyang pagbuntonghininga. Dahil dito ay hinila ko ang kaniyang mga braso dahilan para pareho kaming napahinto sa paglipad.

Tiningnan niya ako nang naguguluhan. Pero nandoon pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. At takot sa kaniyang mata. Hinawakan ko ang kaniyang magkabilang pisngi gamit ang aking dalawang kamay.

Nginitian ko siya ng puno ng determinasyon. "Caspian, tatalunin natin ang mga kalaban. At uuwi ako sa mga bisig mo nang buo. Pinapangako ko 'yan," pagpapagaan kong sabi sa kaniya.

Nakita ko siyang ngumiti sa akin pabalik. Subalit ang ngiting 'yon ay hindi katulad ng dati. Isang ngiting mapait at puno ng takot.

"Alam natin pareho na hindi natin alam ang nakatadhana sa atin, Serephain. Hindi natin hawak ang mangyayari sa atin kapag nagsimula na ang gulo." Nanginginig ang kaniyang boses habang binitawan ang mga katagang 'yon. "Natatakot akong mawala ka. Natatakot naman akong mawala ako sa 'yo. Maiiwan kitang luhaan ang mga mata. Hindi tayo sigurado kung magkikita pa tayo pagkatapos ng lahat ng 'to. Hindi ako sigurado kung mahahalikan pa ba kita sa susunod na mga araw. Hindi ako sigurado kung maipagsigawan ko ba ang pagmamahal ko sa 'yo sakaling isa sa atin . . ."

Napakagat ako sa aking ibabang labi dahil sa mga pinagsasabi niya. Bumuntonghininga ako. Lahat ng sinabi niya ay may punto. Hindi namin alam kung ano ang maging kahihinatnan ng digmaang ito.

Hindi namin hawak ang kinabukasan. Hindi namin alam kung magkikita pa ba kami. Hindi namin alam kung mahahawakan pa ba namin ang bisig ng isa't isa. Hindi namin alam kung makikita pa ba namin ang pagsikat ng araw.

Hindi ko alam kung masisilayan ko pa ba ang mga ngiti ng aking mga kaibigan. Hindi ko alam kung mararanasan ko pa ba ulit ang pagmamahal ng mga magulang ko. Lahat ay hindi namin alam. Lahat kami ay natatakot. Subalit, hindi lang takot ang dapat manaig.

Kailangan naming maging matatag. Kailangan naming ipaglaban ang aming bayan. Kailangan naming tanggapin ang walang kasiguraduhang bukas. Sa kabila ng mga takot na aming naramdaman, ang dapat naming gawin ay tanggapin lamang ito. Kahit kasing sakit pa ng mga tinik ang aming makukuha.

Hindi ko alam ang isasagot kay Caspian. Sa halip ay binigyan ko siya ng isang halik ng aking pagmamahal. Pagkaraan ng dalawang segundo ay binitawan na namin ang labi ng isa't isa. Hinawakan namin ang mukha ng isa't isa at nagyakapan ng mahigpit.

"Kung walang makauwi isa sa atin ng buhay, isa lang ang sigurado ako, Caspian. Mahal ko ang magulang ko. Mahal ko ang mga kaibigan ko. Pinaglalaban ko ang aking bayan hanggang sa maubos ang lakas ko. At higit sa lahat, minahal ko ang lalaking hindi ko inakalang mamahalin ako." Sa pagkakataong 'to, hindi ko na naman maiwasang mapaiyak sa harap ng iba.

Narinig ko siyang marahang tumawa. "Alam mo nag-iba ka, Serephain." Tumingin ako sa kaniya nang naguguluhan. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin. "Ang Serephain na malamig, matipid sa mga salita, at ma-prangka ay tila parang naglaho matapos lahat ng pinagdaanan mo."

Dahil sa dinagdag niya ay napaiwas ako ng tingin. Narinig ko ang mapang-asar niyang tawa. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Sinapak ko siya ng malakas sa kaniyang braso nang mapagtantong hindi siya titigil sa pagtawa.

Tinalikuran ko siya't lumipad palayo sa kaniya. Pero 'di kalaunan ay naramdaman ko ang presensya niya sa aking likuran. Sunod na nangyari ay hinawakan niya ang aking mga kamay. At pareho naming nginitian ang isa't isa.

Axphain Academy: School for Divine AngelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon