Prologue

76 3 0
                                    

Prologue

I'm one of the most famous model here in the Philippines, Halos lahat ay nahuhumaling sa kakaibang gandang taglay ko at hubog ng katawan. Lahat ng mga ine-endorse ko ay ilang minuto lang ay naso-sold out ng dahil sakin. Mga atensyon ng mga tao ay laging nasa akin. Pero ang lahat nayon ay isa-isang naglaho.

Kitang kita ko kung paano sila pumosisyon ng maayos habang inaayos nila yung pagkakatutok ng kanilang armas sa direksyon ko habang ako ay kumakaripas ng takbo papunta sa kanila, walang pakielam kung ika-pahamak ko pa ito.

"Jude! Wag mo akong iwan." Sigaw ko habang tumatakbo, halos matakpan na ng paningin ko dahil sa mga luha ko. Wala akong tigil sa pag-iyak para huwag lang nila ilayo siya sakin.

"Huwag kang lumapit!" Pasigaw na utos niya sakin.

Papalapit nako, papunta sa lagusan ng teritoryo nila pataas.Halos lumiwanag ang buong kapaligiran ng dahil doon, kasa-kasama niya ang mga katulad niyang anghel habang siya ay hawak-hawak nito. Alam ko naman na hindi ako kabilang sa kanila kaya kapag tinangka kong lumagpas papunta sa kanila, pwede ko iyon ikamatay.

"Wag mo akong iwan, nagmamakaawa ako sayo!" I cried.

Ilang hakbang nalang ay malapit na ako sa kanila. Lahat na nandito ay mas lalo nilang hinigpitan ang mga pana nila na nakatutok na sakin. Naramdaman ko din na dumating nadin ang mga kaibigan ko, rinig ko kung paano nila ibinuka ang mga pakpak nila para maging handa sila kung kailangan nilang sumugod para mailigtas lang ako.

Hanggang sa nakita kong nagpumiglas siya sa mga kasamahan niya at tumakbo papunta sakin. Alam kong nanghihina na yung katawan niya pero pinilit niya padin na tumakbo papunta sakin para lang iligtas ako sa anumang masama kong binabalak.

Nang-makalapit na kami sa isa't isa ay isang mahigpit na yapak ang binigay ko sa kanya. Niyakap niya din ako ng napakahigpit kaya mas lalo akong naiyak ng dahil doon. Ilang saglit lang ay sabay kaming kumawala at tinignan ang isa't isa.

"Nasisiraan ka na ba?! Alam mong mapapahamak ka sa ginagawa mo!" Pagsesermon niya sakin pero walang tigil niya akong hinalik-halikan mula sa noo, pisngi at tungki ng ilong ko habang rinig ko siyang umiiyak.

"Mas gugustuhin ko nalang mamatay kung ilalayo ka lang nila sakin." I whispered. He hugged me tight.

"Pasaway ka talaga." Bulong niya sakin at ramdam ko yung pag-ngiti niya sa leeg ko.

Habang magkayakap kami ay napansin kong lahat ng nandito ay nakatingin lang sa direksyon namin, Ang iba na may mga hawak na armas ay dahan-dahan nila iyon binaba hanggang sa nakuha ng atensyon ko ang isang babae sa gilid na mukhang mataas ang posisyon nito sa kanila. Kakaiba ang ganda niya sa ibang anghel na nakita ko noon. Nakatitig lang siya samin at hindi mo mabasa kung ano ang iniisip niya.

Dahan-dahan akong kumawala kay Jude, at naglakad papalapit sa babae. Akala ng iba ay may gagawin akong masama dahil itinaas nila uli ang mga armas nila at itinutok sakin. Nang bigla akong lumuhod sa harapan nila at yumuko.

Isang Zenaida Ferrer na mataas ang tingin sa sarili, walang awa sa ibang tao at walang pusong nilalang ang lumuluhod sa harapan nila ngayon.

"N-nagmamakaawa ako sa inyo... alam kong kalaban padin ang tingin niyo sa isang katulad ko." I stopped and raised my head to see her. " P-pero--nagmamakaawa ako sa inyo na huwag niyo siyang ilayo sakin. Parusahan niyo ako hangga't sa gusto niyo, pero hinihiling ko lang na wag niyo siya ilayo sakin. Nagmamakaawa ako sa inyo, kahit ngayon lang--p-pagbigyan niyo ako"

Halata sa boses ko ang pag-piyok dahil sa walang tigil sa pag-iyak pero pinilit ko parin magsalita kung ano man ang gusto kong sabihin sa kanila. Gulo-gulo na ang buhok ko, isama mo pa na basang-basa ang suot kong damit ngayon at sugat-sugat na ang mga paa ko para lang maabutan sila dahil isa-isa ng naglalaho ang kapangyarihan ko ngayon.

"Pero tapos na ang kanyang mission dito iha, kaya nararapat lang na bumalik na siya kung saan man siya nararapat----"

"A-alam ko po yon. P-pero---hindi po ako makakapayag na ilayo niyo siya sakin dahil alam kong paparusahan niyo lang din siya. Kung yon lang din po yung gagawin niyo..... parusahan niyo nalang din ako."

"Aida." He whispered beside me. Naramdaman kong lumuhod nadin siya malapit sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Hindi mo na kailangan gawin yan, pangako ko sayo na walang mangyayari saking masama. Ipanapangako ko sayo na gagawa ako ng paraan mabalikan ka." He said while wiping my tears from my face and he smiled, sweetly.

"P-pero... kung hindi ka makabalik ng ligtas sakin?" I asked.

Saglit siyang napatigil at ilang segundo pa bago siya nakapagsalita. Halata na pinilit nalang niya ngumiti sa akin.

"Basta tatandaan mo kung gaano kita kamahal. Kahit kelan hindi ko pinagsisihan na minahal kita, kahit alam kong buhay ko pa ang nakataya. Ipangako mo sakin na hindi mo sisisihin yung sarili mo kung may mangyari man masama ha." He said in his sweet voice.

In the past, My popularity was my top priority until I met him. I thought it made me scared if I lose my image. But right now, it has made me realize that I'm too scared to lose him instead of my popular image

Devil In Disguise (Devil Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon