Chapter 1

179 5 2
                                    

This story and the characters are only fiction. Names, events, characters or any incidents are the product of the author's imagination.

Language: Tagalog-English (TagLish)

[Devil Series #2]

-----------------------------------------------------------

Chapter 1

"Another pose Zen." The photographer said. So I pose in another angle with my fierce look. My eye's color is my best asset that's why people called me a badass model especially if I look straight to their eyes, they felt intimidate.

Last photoshoot ko na ito ngayong araw at hanggang ngayon hindi padin ako nakakakain ng lunch man lang.

"There you go." He said, sounds like he praised me

Hindi naman sa pagmamayabang pero I'm one of the most famous models in Asia and they called me a baddest model here in the Philippines. Kumakalam na nga sikmura ko pero heto ako parang hindi nawawalan ng enerhiya sa katawan.

"That's it! Napakagaling mo talaga. Kaya ikaw ang pinaka gusto ko sa lahat ng models na naka-trabaho ko."

Of course ako pa ba. Pagdating sa rampahan at sa mga pictorial, lahat ng mga tao namamangha sa galing ko.

Pumunta na ako sa table ko at naupo sa tapat nito at inabutan ako ni Elaine ng malamig na tubig kaya agad ko iyon ininom. Elaine is my manager and also a friend or like a family to me. Siya na ang nag-manage ng career ko kaya mas lalo akong sumikat dahil sa madaming connection ng pamilya nila. Wala na siyang magulang kaya ang lolo niya nalang ang meron siya. Para ko nadin siyang nakaba-batang kapatid pero kung maka-asta sakin akala mo nanay ko lalo na kung makasermon.

"Wala ka ba dyang kahit anong pagkain kahit tinapay lang? Kanina pa ako nagugutom." ani ko habang nakatingin ako sa kanya sa repleksyon sa salamin.

I saw her rolling her eyes at me. Aba dukutin ko kaya mata nito.

"Eto na ho senyora. Nakahanda nayan kanina pa. Ayaw na ayaw ko pa naman na nagugutom ka" She said, sarcastically.

Kinuha ko sa kanya yung naka-plastic na may lamang malaking burger at agad ko iyon nilantakan at hindi na siya pinansin dahil wala ako sa mood makipag-bangayan dahil kanina pa kumakalam ang sikmura ko.

"Oy mag hinay-hinay ka naman sa pag nguya. Sikat na model ka tapos ang kain mo pang kargador."

"Eh kung ibalibag kaya kita dyan" Inis na sabi ko kahit na may laman pa ng pagkain ang bunganga ko.

"Tignan mo.Demonyo talaga."

My makeup artists were busy removing my make-up. After removing my make-up, I changed my clothes in to comfortable shirt. Madali lang natanggal ang make-up ko dahil hindi ko na kailangan mag heavy make-up dahil mabilis ko agad nadadala sa camera ang gusto nilang tema compare sa ibang models na napaka-kapal mag make-up para lang ma-achieve lang nila yung look na gusto nila.

Pagbalik ko doon ay naabutan ko na sinisira ng dalawang modelo ang mga damit na nasuot ko kanina sa photoshoot para imodelo ko ang mga bago nilang labas na damit. Kilala ko yung dalawang babae nayan na mga pinaglihi ata sa dugong at ang sasagwa ng mga pagmumukha, pasalamat nalang sila nakapasok pa sila sa pagiging model dahil kahit papano may hubog naman ang mga patpatin nilang katawan.

"Tapos na kayo sa ginagawa niyo?" mataray na sabi ko sa kanila at sabay silang napatingin sakin na may gulat sa mga mata nila.

Akala ko ako na pinakamahina ang utak, hindi ko naman alam na mas makikitid mga utak ng mga to kesa sakin. Gagawa nalang ng katarantaduhan, kitang kita ko pa.

Devil In Disguise (Devil Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon