Chapter 5

30 2 0
                                    


Chapter 5

"Eh ano naman kung namali lang ng spelling. Lahat naman ng tao nagkakamali ah!" depensa ko.

"Pero hindi ka tao." sagot ni Elaine sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Dalhin kita kaya sa impyerno."

"Gawa!" Paghahamon niya sakin.

"Makalabas na nga lang dito." rinig kong bulong ni Dylan at nakita kong tumayo na siya sa pagkakaupo kanina sa sofa.

"Saan ka pupunta?"

Walang gana siyang lumingon sakin.

"Matutulog sa kotse. Ingay niyo hindi ako makapagpahinga." At lumabas na nga siya ng kwarto. Nakita ko din si Lucy na binaba ang hawak nitong magazine at tumayo nadin kaya taka akong tumingin sa kanya.

"Aalis kadin?"

"Malamang. Sa tingin mo makakapagpahinga ako sa mga bunganga niyo." sabay alis niya. Naiwan na kaming tatlo dito nila Elaine at Jude kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Makaalis na nga din." Elaine whispered to herself.

"Edi umalis ka!" inis na sabi ko sa kanya. Bago siya nakalabas sa pintuan ay nilabas niya ang dila niya para asarin ako. Kaya iniwan ng jowa, masyadong pasmado bibig.

Napalingon ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Kaya nilakihan ko ito ng mata at humarap ako sa kanya na nakapamewang.

"Ano? Aalis kadin, iiwan mo din ako?!"

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, hindi siya sumagot sakin at umayos lang ng pagkakaupo, sumandal siya sa upuan at kinuha yung magazine na kaninang binabasa ni Lucy at nilagay sa mukha niya pang takip.

I move my head to the side while staring at him. Hindi makapaniwala na pinili niyang mag stay dito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

He sighed. "Ano pa ba, edi magpapahinga. "

Nagising nalang ako kinaumagahan ng tumama sa mata ko ang sinag ng araw. Umayos ako ng pagkakaupo dahil nadin sa kabilang sofa lang din ako natulog. Ini-stretch ko ang katawan ko nang mapansin ko sa kabilang sulok na mahimbing na natutulog sa sofa si Jude pero makikita mo na nilalamig ito dahil kanina pa nakabukas ang aircon dito sa kwarto at wala itong kumot dahil kinuha ko iyon bago ako matulog.

Nakaramdam ako ng guilty habang pinagmamasdan siya. Tumayo muna ako at dumeretso sa loob ng cr at nag ayos ng mukha. Pagkatapos ko maghilamos at magtoothbrush ay ganon padin ang dinatnan ko. Tahimik padin at hindi pa bumabalik yung mga bwiset nayon. Naupo ako at nagsuklay ng buhok habang hindi ko maiwasan mapatingin kay Jude na tulog na tulog padin hanggang ngayon.

Mukhang pagod na pagod nga talaga siya.

Tumingin muna ako sa paligid at pinakiramdaman kung may papasok pero 2 minuto na ang nakalipas na tahimik padin kaya nagpasya na akong kunin yung kumot na ginamit ko at dahan dahan na lumapit sa kanya. Ingay na nanggagaling lang sa mga aparatong nakalagay kay Shon ang maririnig sa loob ng silid kaya nagiingat din akong hindi makalikha ng ingay pa.

Tumikhim muna ako bago lumapit ng husto sa kanya. Nasa sahig na yung magazine na nakatakip sa mukha nito kaya kitang kita ko ang hulma ng kanyang mukha ngayon. Ngayon ko ang ata nakita ng malapitan ang pagmumukha niya, Maputi at matangos ang ilong nito. Hindi ko inaasahan na mahahaba ang mga pilik mata na akala mo pilik mata ng isang babae, may pagkamakapal ang kilay nito at napansin kong may nunal ito sa ibaba ng kaliwa niyang mata. Ang panga nito ay animoy matutusok ka kung ilalapit mo ang daliri mo.

Devil In Disguise (Devil Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon