Chapter 9

20 1 1
                                    

Nasa sala lahat kami at pinagtitinginan kaming tatlo ng dalawang lalaki na nasa harapan namin na akala mo may krimen kaming ginawa.

"Sa mall pa talaga kayo gumawa ng gulo." Seryosong sabi samin ni Dylan habang naka krus ang mga braso niya at prenteng nakasandal sa inuupuan niya.

"Excuse me, sila ang nauna kaya nilabanan lang namin. Nakakainis kaya sila." maarteng sagot ko sa kanya.

"Then you should control your temper." Bigla namang singit ng asungot na anghel na ito.

I raised my eyebrow and glared at him.

"Wait. Kasali ka ba dito? Bakit ka nakikisapaw?" Masungit na tanong ko sa kanya. Sino ba naman hindi maiinis kung makikisapaw pa siya sa gulo. Lalo niya lang pinalala.

Umiwas nalang siya ng tingin sakin at rinig kong huminga nalang siya ng malalim. See, ang weak diba.

"Tama naman sinabi ni Jude. Alam mong kilala ka ng mga tao kaya kailangan mong ingatan yang image mo."

F*ck that image! Hanggang kelan ba ako magpapanggap maging bait-baitan lalo na sa mga kinaiisan kong tao.

"Pati ba naman ikaw Elaine nakisali ka pa. Imbis na ikaw yung magpahupa ng away nakigulo ka pa." At tumingin naman siya kay Lucy na wala naman pakielam at may sariling mundo. " Ikaw din Lucy, alam mo naman na kilalang artist ka na ngayon----"

Hindi na niya natapos yung sasabihin ng bigla siyang nilingon ni Lucy at sinamaan ng tingin habang seryoso lang ang mukha nito.

"I.Don't.F*cking.Care. Hindi ko kailangan pagandahin yung image ko sa ibang tao." She stopped and tilt her head to other side while looking at Dylan.

"Can you stop that? Hindi bagay sayo manermon." She added.

I smirked.

"Kaya nga, kakairita kaya. Akala mo naman ang linis-linis. Ang dami mong illegal na ginawa dyan akala mo hindi ko yon malalaman ha." Sagot ni Elaine din sa kanya. Kaya bumaliktad na yung kinalabasan. Siya na ngayon yung sinesermonan.

"O-Oy wala akong ginagawa no!" He pouted while defending his self.

"Ah talaga? May Illegal na casino ka nga dyan, kaya pala ang dami mong pera. Buwan-buwan ka laging may bagong sasakyan."

Saglit siyang napatahimik ng sabihin iyon ni Elaine. Matagal ko nadin naman yan alam pero dahil lagi niya akong sinusuhulan bilhan ng mga mamahaling bag o kaya naman ay mga sapatos para lang mapatikom lang yung bibig ko. Well, hindi ko namalayan na kwento ko na pala kay Elaine.

Lumingon siya sakin at sinamaan ako ng tingin. Kaya nginusuan ko lang siya. Ano akala niya matatakot ako sa kanya.

"My god! Buti nalang nawala din yung mga kalmot nila sa mukha ko." saad ko habang tinitignan ko yung sarili ko sa may salamin at dino-double check kung may nasira ba sa balat ko.

Well I know naman na gumagaling agad kapag nasusugatan ako pero mas maganda na yung mag-ingat, puhunan ko ata tong mukha ko no.

"Paano naman ako no, tignan niyo nga ang dami kong kalmot!" bulalas ni Elaine samin. Kaya napatingin tuloy ako sa mga kalmot na nakuha niya. Bakit kasi hindi siya naging katulad namin para nawala din agad yan, eh may pagka-demonyo din naman ugali niya.

"Tignan niyo to!" turo niya sa may pisngi niya.

"Eto!" sa may braso niya.

'At eto pa! Paano ko yan maalis agad ha!" At turo niya sa binti nito.

"Chill." saad ni Dylan sa kanya pero mas lalo lang nainis si Elaine ng titigan niya to ng masama.

"Alam mo mas lalo kang hindi nakakatulong." pag-susungit nito.

Devil In Disguise (Devil Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon