Chapter 4

21 2 0
                                    

Chapter 4

"Pacheck nga uli baka may article na about samin." utos ko kela Elaine at Dylan.

Hanggang ngayon hind padin ako mapakali at kanina pa ako palakad lakad dito sa loob ng kwarto ng ospital kung saan naka confine si Shon ngayon habang nginangatnat ang sarili kong kuko. Mannerism ko na talaga yon kapag kinakabahan ako.

Narinig kong napabuntong hininga nalang si Dylan habang seryosong nakatingin sa cellphone nito dahil sa pinapagawa ko habang si Elaine naman ay halata na sa mukha niya na pinipilit niyang hindi magalit dahil sa ginawa ko.

"Wala nga sabi oh. Tignan mo!" saad ni Elaine sakin sabay pakita ng cellphone nito sakin at nakita kong walang news na lumabas about sa nangyari kanina.

Paano ba naman hindi ako kakalma kung alam kong pwede makasira ng image ko lalo na ayoko mapabalita na meron kaming something nitong bwiset na to. Wait! Speaking of the devil--- I mean Angel? Ay basta! Nakakabwiset padin siya. Tignan mo ba naman habang ako hindi na mapakali dito pero siya prenteng nakaupo habang nagbabasa ng magazine. Idagdag mo pa itong si Lucy, parang walang pakielam at busy sa pagce-cellphone niya sa kalandian niya ngayon.

"Lucy tumulong ka naman!" Inis na sabi ko sa kanya at patigil siya sa ginagawa niya at nawala nalang ang ngiti sa mga labi nito at matalim na tumitig sakin.

"Bakit ako tutulong dyan, ikaw tong gumawa ng kagagahan tapos idadamay mo ko." masungit na sagot nito sakin. Tignan mo init na naman ng ulo. Sa bebe niya lang naman to nagiging maamong tuta.

"Okay okay. Init na naman ng ulo." bulong ko sa sarili ko at naupo nalang at kumuha ng orange sa lamesa para kainin. Para naman mabawas- bawasan yung pagka-praning ko.

"Stop being paranoid. Ikaw na nga nagsabi na wala naman tao nung gabi nayon diba." Elaine said.

"Wala ngang tao don, pero narinig ni Tyler yung sinabi ko. Baka magsumbong yon, alam niyo naman kung gaano kalaki galit non dahil sa ginawa ko sa kanya diba."

"Then it's not my problem anymore. Ilang beses na kita sinabihan na huwag na huwag ka makikipagrelasyon lalo na sa mga may pangalan na sa industriya." Saad uli ni Elaine sakin at nagfocus nalang sa hawak nitong cellphone.

"Here we go again. sermon dito, sermon doon, sermon everywhere!" Sabay nginusuan ko siya. Pasalamat siya mahaba pasyensya ko compare kay Lucy.

Lumabas muna ako saglit para magpahangin ng mahagip ng mata ko yung pinaka kinaiinisan ko sa lahat kaya umiba ako ng direksyon para hindi ko siya madaanan. Ayoko na masira araw ko kaya please lang, wag na siya dumagdag.

Pumunta ako sa may parking lot at ng makadating ako ay laking gulat ko na sira ang gulong ng sasakyan ko ng maabutan ko iyon. Wait? Ayos naman to kanina pagkadating namin kaya paano nasira nalang to basta.

Awtomatiko tuloy napasipa ako sa gulong dahil sa inis. Bakit ba sunod sunod ang kamalasan ko ngayong araw.

"Do you need help?" I gasped when I heard someone talk to me behind.

"Ikaw na naman?!" I hissed.

"Bakit ba lagi ka nakabuntot sakin ha?! May gusto ka sakin no?" I added. Wala bang alam to kundi bwisitin nalang ako.

He frowned.

"Inutusan ako ni Dylan bumili ng makakain." seryoso niyang sabi sakin sabay pakita na hawak niyang susi sa mukha ko.

Pinagmasdan ko siya ng pumunta siya sa harap ng sasakyan ni Dylan at nagulat ako ng binuksan niya ito.

"Wait?!" nagmadali akong pumunta sa kanya para pigilan ito.

Devil In Disguise (Devil Series#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon