Chapter 21

230 13 0
                                    

Nasa taas nito ang picture ni Federick Clineford.

Enjoy :)

Federick POV.

Naglalakad ako ngayon sa second floor, natapos ko na kasi ang pina-quiz ni Kalbaryo.

“ —Isa lang ito Ms. Lopez at pwede ka ng bumalik sa room mo ”

Napahinto naman ako ng marinig ko ang surname na yun. Out of my curiosity, pumunta ako sa gilid ng glass window ng 2G at tiningnan sya.

Nakita ko naman si Lopez na nakatayo kasama si Kyla. Nakaharap sya sa mga estudyante ng 2G.

A/N: Ma'am Kyla po yun, sadyang walang galang si Federick, tss.

Nakamapulsa lang sya kaya naman napangiti ako.

“ Para sayo Ms. Lopez, ano ang kahulugan ng pagmamahal? ”

Medyo umusog pa ako ng kaunti para makita at marinig ang sinasabi nya.

Tumingin muna sya sa mga estudyante ng 2G bago sya sumagot.

“ Ahm.. Para saakin ang pagmamahal ay nararamdaman ng lahat ng tao, kusa mo itong nararamdaman, hindi mo matatawag na pagmamahal ang nararamdaman mo kung hindi mo kayang pahalagahan ang isang tao, hindi mo rin mapipilit na mahalin ang isang tao at hindi mo rin ito kayang pigilan. Maraming kahulugan ang salitang pagmamahal at marami ka ding matututunan kung naramdaman mo na ito. ”

Mas lalo naman akong napangiti sa sinabi nya.

Nagulat ako dahil nakita ko ang reflection ng mukha ko sa bintana ng salamin.

The Fuck! Bat nakangiti ka?!! Haishh!

Sumeryoso naman ako at nakinig ulit.

“ Naranasan mo na ba kung paano magmahal? O naramdaman? ” tanong nung lalaking kulot.

“ Hm.. oo naman naramdaman ko na, sa pamilya ko.. ” ngumiti naman sya na may halong lungkot. “ K-kaso hindi ipinaramdam saakin.. kung paano mahalin ”

Hindi ko alam pero bigla akong nahawa sa nararamdaman nya.

Hibang kana Federick.

Nakita ko naman na lumabas sya kaya napatalikod ako at kunwareng kumakamot sa ulo.

Anong ibig nyang sabihin? Hindi ba ipinaramdam ni Tita Alexie sa kanya ang salitang pagmamahal? Pero itinuturing kami ni Tita na parang tunay na anak, sa tuwing nakakasalubong namin sya ay iniimbitahan nya kaming mag-dinner sa bahay nila or sa labas. Hindi ko nakikita doon si Sabrina, pero nung tingnan ko ang profiles nya ay nag-aral sya sa Canada, kaya naman pala.

Pumunta ako sa faculty at kinuha ang book na lesson namin.

Tumunog naman ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha.

“ Federick, pwedeng favor? Nagka-emergency kasi ako.. pwedeng sumabay yung 3G sainyo? Since magkapareho yung schedule ng mapeh subject nila sainyo ”

Tiningnan ko naman kung sino ang tumawag. Nakita ko naman na si William. Ang guro ng mapeh subject.

“ Okay ”

“ Salamat ” sabi nya.

Pinatay ko naman kaagad at pumunta sa 3G.

“ Wala ang teacher ninyo ng mapeh subject. Since magkapareho ang schedule natin ng mapeh, sasabay kayo saamin, go to field ”

Dali dali naman silang pumuntang field. Nakita ko naman na naglalakad si Lopez at halata sa mukha nya na nalilito sya dahil nandito ang 3G.

“ Nandito ang 3G dahil wala si Sir William, since magkapareho ang schedule ng mapeh subject nila saatin kaya dito muna sila ” sabi ko.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon