Chapter 29

138 5 2
                                    

ABALA ang lahat para sa gaganapin mamayang gabi, dahil mamayang gabi na gaganapin ang Mr and Ms CU. Hawak-hawak ko naman ang isang bottle para ibigay kay Tyler. Katatapos lang namin magpraktis ng gagawin namin para mamaya. Kung matalo kami ay ayos lang, kung manalo naman ay ayos rin lang saakin.

" Oh, kadali mong mapagod huh? " naghila naman ako ng upuan at tinabi iyon sakanya. Nandito kami sa isang malawak na room, kami lang din nag-isip ng steps namin at hindi na nag-abala ng iba.

" Sinong hindi mapapagod sa ginawa natin? "

Isinang lagukan nya naman ang binigay kong tubig.

Tinanggal ko naman ang salamin ko at pinunasan.

" Sino pa ba? Shempre ako " mayabang kong sambit bago ko ibalik ang salamin at isuot.

Nilingon ko naman sya dahil ang tagal nyang sumagot. Nakatingin sya saakin hindi- nakatitig sya saakin.

" B-bakit? " bigla naman akong natakot dahil baka bigla syang simigaw na wag akong lilingon dahil may multo sa likuran ko, katulad ng napanood ko sa mga palabas.

" N-nothing. Ngayon ko lang nakita n-na inalis mo yung salamin mo " atsaka sya umiwas ng tingin saakin, nakita ko pa ang dahan-dahan nyang paglunok. Bumukas naman ng kaunti ang bibig na parang may sasabihin pa tapos tumingin saakin at umiwas rin. Napahinga naman ako ng maluwag.

" Ngayon lang ba? Hindi naman talaga malabo ang mata ko e " sabi ko at inayos ang sintas ng sapatos ko.

" Bakit kapa nagsusuot ng ganyan? "

" Kase ano " napaisip naman ako, dahil nahihiya ako sa itsura ko? dahil ninakaw ko kay Mommy toh? bakit nga ba ako nagsusuot nito? " Ah kase komportable ako dito, tapos na tayo magpraktis diba? Tara na, hanapin na natin sila Pederek " tumayo naman ako at hinila sya.

" Excited kang makita sya huh? "

" Anong excited ka d'yan. May utang lang yun saakin at sisingilin ko sya ngayon " pagpapalusot ko.

Natawa naman sya at nagpahila na lang saakin.

Tyler POV.

Yes. I like her.

I don't know when but my heart beat automatically fast everytime i see her. Hindi naman ako ganito fck.

Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya ng makita kong tanggalin nya ang malaki nyang salamin. Bakit slow motion. May sakit ba ako sa mata?

Bakit ibang-iba ang mukha nya kapag walang syang salamin. Bakit ganon na lang kabilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang buong mukha nya.

" B-bakit? "

Napabalik naman ako sa reyalidad ng marinig ko syang magsalita. Nakalagay na ulit ang salamin nya at natatakot na tumingin saakin. Wait what? Natatakot?

" N-nothing. Ngayon ko lang nakita n-na inalis mo yung salamin mo " gusto ko pa sanang sabihin na kahit wala syang salamin ay maganda sya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Nauuhaw pa ako.

Hindi ko maiwasang magselos dahil hinahanap nya si Fed kahit wala naman akong karapatan. Nakikita ko palang sa mga mata nya ay talo na ako but i still need to protect her. Hindi sya pwedeng magkagusto kay Federick. Hindi sya pwedeng magkagusto sa kaibigan ko.

Sabrina POV.

" Saan tayo pupunta? " tanong ko kay Pederek dahil tinakasan namin yung anim. Hawak nya naman ang kamay ko papuntang parking lot.

" Let's eat outside " sambit nito at pinagbuksan ako papasok sa sasakyan nya. Pinanood ko naman syang umikot at umupo sa driver sit. Inayos nya naman ang seatbelt ko at ganon din ang kanya.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon