NAMANGHA naman ako dahil ganito pala yung sinasabi nilang dorm, malapit lang sya sa university, pwedeng maglakad at kung tamad ka naman ay sumakay ka na lang. Maraming mga bantay noong pumasok kami sa malaking gate, dalawang building ang meron, ang isa ay para sa mga estudyante at ang isa naman ay ang pagmamay ari ni Leader. Solo 'daw nilang pito ang apat na palapag na 'yon, at sa magkabilang building naman ay ang mga estudyante, apat at tatlong palapag 'yon kaya naman maraming estudyante ang nandoon.
Dormitoryo be like . . .
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“ Ganito pala ang dormitoryo. ” nasabi ko na sana ay sa isipan ko lang sasabihin.
Napalingon naman yung pito saakin.
“ Ngayon ka lang nakakita ng dorm? ” sambit nong maliit.
“ Ignorant, tss ” si Leader na iiling iling pa.
“ Huh? Sabi ko ang ganda ng pagkakaayos ng dorms, anong ngayon nakakita at ignorante tss, ” palusot ko.
“ Amp! HAHAHA ” tawa ng maliit.
“ Let's go? ” usal nong maputi saakin.
“ Arat! ” masayang sambit ko.
“ Huh? Arat? ” usal nya naman.
“ Baliktarin mo bes, Hahahaha! ”
Tumawa naman yung iba at napailing na lang sya.
“ ARATTT!!! ” sabay naming sigaw, maliban sa isa na una na papuntang dorm, tss.
Pumunta naman kami at pagpasok ko ay ang linis at ang ayos, una mong makikita ang sala’s na may apat na malaking sofa na nakapabilog at sa gitna naman ang isang mamahaling lamesa at may flower vase sa gitna. Sa side naman ay mayroong malaking t.v at meron ding lamesa sa gilid at doon nakalagay ang tatlo picture frames. Pumunta naman ako doon at nakita ko ang litrato nilag pito na nasa may bandang dagat. Medyo bata pa sila at ang saya nilang tingnan dahil lahat sila ay naka sandong puti at naka beach na short. Sa isang picture frame naman ay may dalawang cute na bata sa larawan, ang isa ay nakahawak ng spiderman na laruan may pagkakahawig sya kay laki ilong at ang isa ay hawak ang superman kahawig nya naman si Tyler, nakaakbay sila habang hawak ang paborito nilang laruan. Tiningnan ko naman ang pangatlong picture frame, nandoon naman silang pito at may isang babaeng ang ganda, maputi, mabaha ang buhok, simple lang ang kanyang make up at simple ‘rin ang kanyang pananamit, nasa gitna sya ng pitong lalaki, meron syang hawak na bola at nakaakbay sa kanya si Leader, ang saya nila tingnan sa larawan.
“ She's Danica Angel Lux ”
Napatingin naman ako kay Tyler na nandito at tiningnan ang mga picture. Nabaling ko ulit ang paningin ko sa litrato at tiningnan si Danica ku’no.