Chapter 30

174 8 8
                                    

NAIHATID na ako ni Mang Edy, ang driver ko dati. Kaagad akong bumaba ng kotse dahil excited akong makita muli ang mga katulong dito. Alam kong wala dito si Mommy dahil sinabi nya naman saakin sa pamamagitan ng pagtawag. Nagulat ako sa sunod sunod na pagputok ng kung anong bagay gayon din ang sunod na pagtitilian ng mga kasambahay sa mansion.

" Ma'am! Namiss ka namin! " ang boses kaagad ni Tin ang narinig ko bago ang iba.

Tumingin naman ako sa direksyon nya kung saan maraming lobong nakapaligid sakanya. Buhat-buhat nya rin si Pom-pom.

Pom-pom! Lumaki sya!

" Na miss ko kayo maliban kay Tin! " sabay irap kay Tin.

" Ang sama ni Ma'am! Biro lang naman yung nagdiwang kami noh ma'am, iyak nga ako ng iyak noon ma'am " sabi nya

Tumingin naman ako sa iba at tinanong kung totoo pero umiling lang sila at nagsasaya daw talaga si Tin. Pastilan talaga.

Sabay-sabay kaming naghapunan habang nagk-kwentuhan. Pagpatak ng 7 o'clock ay dumating ang mga sinasabi ni Mommy na make up artists daw at iba pa. Kung anong mga sinasabi nila ay sinusunod ko na lang.

Unang gagawin kase namin mamaya sa stage ay magpakita lang kung paano rumampa, naka t-shirt na white kami na tutupiin para makita ang tiyan at bewang. Tutol ako doon pero wala akong magagawa. Buti na lang at fitted na black pants ang pang ibaba. Sa right ang mga babae at left naman ang mga lalaki. Sandong white naman sa lalaki at short sa pang ibaba. Pangalawa naman ang talent portion, dito ako mas lalong tutol dahil ang ikli at halos hubad-hubad na ang katawan ko. Ang pangatlo naman ay pagandahan ng gown at sasabay na roon ang question and answer.

" Ma'am, may tumatawag po sa cellphone nyo " sabi nung nagm-make up saakin.

Ibinigay nya naman saakin yon at nakita ko agad ang pangalang Pederek. Natawa naman ako dahil laki ilong ang unang set ko doon. Umiling muna ako bago ko sinagot ang tawag nya.

" Hey? Are you sure you don't want me to fetch you? " bungad kaagad ng lalaking-lalaki nyang boses.

" Hm, si Manong Edy na nga ang maghahatid saakin " napaka-kulit netong lalaking toh.

Narinig ko naman yung malalim nyang buntong hininga. Napangiti na lang ako doon.

" Alright. Take care, we'll wait for you " tumango naman ako kahit hindi ko sya kaharap.

" Nag-aalala ka huh? " pang-aasar ko.

" Ofcourse, I am. "

Nawala ang pang aasar kong ngiti ng marinig nag isinagot nya.

Nag-aalala sya sakin!

Muli ko na namang naramdaman ang mga paro-parong nagsisiliparan saaking tiyan.

" Are you still there? Lopez? "

" Hm, a-aayusan na'ko. Ibababa ko na ito, Pederek "

" Sige, hihintayin kita huh? Call me if you need anything or something bad happen. " nagulat pako sa boses nya kapag nagtatagalog sya.

Bakit ibang-iba ang boses nya sa tuwing nagtatagalog sya!? Nababaliw na yata ako.

" Hm, sige " tsaka mabilis kong pinatay ang tawag. Napahawak naman ako sa dibdib ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Aish!

Magaan ang pakiramdam ko ng inaayusan na ako. Naka black t-shirt lang ako at naka black fitted pants para magpapalit na lang ako mamaya ng damit. Pinatanggal nila ang salamin ko at inayos ang buhok ko. Kinakabahan pako sa magiging itsura ko.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon