Chapter 6

299 20 1
                                    


PAPUNTA na ako ngayon sa 4G na section ko 'raw. Sa third floor ang classroom ng section ko, kaya dahan-dahan lang ang paglakad ko sa matataas na hagdanan. Kumatok ako ng tatlong beses ng nasa tapat nako ng section ko.

Binuksan ko ang pinto at nandon na ang teacher sa harap.

" Newbie? "

" Y-yes ma'am " tatango-tangong usal ko.

" Hm, okay. Please, introduce yourself "

' Nakakaloka naman, kailangan 'bang english?! Hmp. Medyo kinakabahan ako huhu '

Naka-yuko akong pumasok.

" ahm.. I'm Sabrina Jane Lario ay Lopes ay mali Lopez- "

Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng tawanan ako ng mga estudyante.

" Bulol toh. HAHAHA "

" Hindi pre. Ngo ngo yata HAHAHA "

" Kinakabahan 'yata siya. HAHAHA "

" Idiots. "

Gusto ko sanang umiyak pero hindi pwede. Wala kase akong panyo kaya hindi muna.

" Miss Lopez, right? " tanong ng teacher namin.

" Y-yes ma'am "

' Aaminin 'kong kinakabahan ako. Iba kase ang pakiramdam ko. Huhu '

" Wag kang mahiya. Continue " usal ng teacher namin.

" I'm Sabrina Jane Lopez " lakas loob kong usal.

" Pwede ka ng pumili ng upuan kung saan komportable ka, Miss Lopez. " nakangiting usal ni ma'am.

Tumango lang ako at pumunta sa upuan na kanina ko pa tinitingnan kung may naka-upo ba o wala. Sa pinaka likod ito at madaming upuan ang nagkalat. Kumuha ako ng isa at inilagay sa may gilid ng bintana. In short nasa pinaka sulok ang dyosang ako.

" Okay class, I introduce myself. So I'm your adviser, I'm Carmen Portuguese your teacher in English. Hope magkasundo tayong laha-- " hindi natapos ni ma'am ang pagmomonolo--ay! pagsasalita sa harapan dahil may sumipa na parang kabayo sa pintuan.

' Anlakas naman non, nagulat tuloy yung ballpen ko sa lakas, maputol sana paa nung nagsipa. Makasipa wagas e, '

Kinuha ko na yung ballpen ko na nahulog sa may sahig. Naamoy ko tuloy ang pwetan ng babaeng naka-upo sa harapan ko. Amoy tinapa na nabubulok hmp. Ambahoo, pwee!

Nang nakita ko na nasa bandang gilid ng paa ng babaeng amoy tinapa ang pwetan ay kukunin ko na sana kaso, biglang naghiyawan ang mga kaklase ko at tumayo pa si babaeng amoy tinapa kaya yun, nasipa nya yung ballpen ko, mas lalo tuloy lumayo. Nyemass! na babae 'toh tadyakan ko pwet ne'to eh, pastilan!!

>>__<<

" Wahhh! Ang gu-gwapo nila. Kahit ang susungit nila nakaka-inlove parin. Kyahhh! "

" Ghorl, leader natin yung matangos ang ilong, kyahhh. Ang Wafuuhh, akin na lang sya huhu "

" Wah!, ang swerte natin huhu "

Narinig ko ang malakas na usapan nila pero ako, he'to ako basang basa sa ulan walang masisilungan ay letchee. Gumagapang lang ako at nagdadasal na sana makita ang ballpen ko. Kulay blue yon at may ngat-ngat na. Nginatngatan ko kase kanina.

Hindi ko na alam kung saan ako nagpupunta. Yung ingay hindi pa 'den natatapos, kaya sinamantala ko na hihi.

Hanggang sa may nakita akong dalawang pares ng sapatos at dumadami pa ito ng tumagal, naging apat, lima, anim, wahhh andami.

Dahan-dahan kong inangat ang dyosa kong mukha at na—

Na—

Nakita ko na yung ballpen ko huhu, hawak ng isang lalaking malaki ang ilong at higante pa. Tekaaa?!

Malaki ang ilong at higante?!

Wahhhh, s-syA? s-sya?

Wala lang sya lang. Bet ko magulat eh. Tumayo ako at tinuro sya.

" Ikaw?/ You?! " Sabay naming usal at nakaturo pa kaming pareho sa isa't isa.

Dapat you ang sinabi ko para, pareho kami. Sa susunod ulet hihi, or take two NYAHAHA '

" Ako? Oo ako yung magandang dyosa sa mall tapos ikaw naman yung lalaking malaki ang ilong at higante na binato ko ng sapatos at sapul pa sa ulo. " mabilis kong usal.

" Wohhh, amazing. Ikaw yung babaeng nagbato ng sapatos sa kaibigan namin? " namamanghang usal ng lalaking maitim.

" Yez, ako nga. Bat mo tinatanong? Magpapabato ka 'den ba saakin. Aba'y akin na ang sapatos mo at hindi pwede itong saakin. " masungit na tugon ko.

" Wait, Sabrina it's that you? " usal ng lalaking gwafuu.

" Paano mo nalaman pangalan ko, aberr? Kilala ba kita?— " lumaki ang mata ko at nahulog ang eye balls ko, kaya pinulot ko ito at pinunas sa damit dahil madumi na. Jowk.

" Ikaw 'den? Ikaw yung lalaking hinahabol ng mga empaktong girlaluu? At yung mabait at gwafu na lalaking nagturo kung saan ang office? Wahh! Destiny na ohh, ezchoz " natawa naman sila maliban kay laki ilong na parang sinusuri ako. Aba'y baka matunaw ang dyosang ako koyahhh.

" Oh tingin-tingin mo d'yan "

" Bawal ba? Tell me! Paano ka nakapasok dito? "

" Oo, bawal kang tumingin saakin dahil naiinis ako sa malaki mong ilong! At anong paano ako nakapasok dito? Shempre kumatok ako sa pinto at pumasok alangan sa bintana? Ano ako boba?  "

Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mga kaklase ko na napatakip ng kamay sa kanilang bibig.

" Tss! Your such a fcking nerd newbie! Really? Anlakas ng loob mong sumagot saakin ng ganyan! Ofcours you don't know the rules of this campus that's why you acting like an idiots. Hindi mo kilala ang kinakalaban mo, Nerd. Mark my words little shit. " napatanga naman ako sa sinabi nya, may kaunting kaba ang nabalot sa aking puso dahil sa mga narinig ko mula sa kanya, nadadagan din kung paano sya magalit, seryoso sya pero nakakamatay ang nakakatakot nyang mata.

Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay binangga nya ako at umupo sa likod. Sumunod naman yung mga kasama nya habang nakatingin saakin, yung iba ay iiling-iling pa.

" Kalakas naman ng loob nyang pagsalitaan si leader ng ganon eh, newbie pa lang sya. Meron na syang nilabag na rules, kawawang newbie "

" Wag mo ngang lakasan yang boses mo mamaya marinig tayo! "

" Mahina na nga ang boses ko, bahala ka nga! "

Rinig ko ang mga bulungan kaya napahiyang yumuko na lang ako at bumalik sa upuan ko. Na kung saan ay nandoon sa gilid ang mga lalaking kasama ni laki ilong.

Hindi ko wari'y dito sa mundong ito. Nakakatakot pala ang mga estudyante dito! Naaawa lang ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang makipag sabayan sa ugali nila. Dahil ito lang ako, hindi ako katulad nila, kakaiba ako kumpara sa kanila.

THE NERD WITH IDENTITY MEET THE 7 GANGSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon