5th Dare

3.4K 73 21
                                        

A/N: HAHAHAHHAA I had fun writing this! Goodluck guys! This is for you, @AbegailDM omg tama ba un? 🤣

• ••

Reece's POV

So umaayon pa rin sa akin ang tadhana. It's not my fault na hindi nagaaral ng mabuti si Vana. At nagkataon lamang na may pabor na utang ang tatay niya sa akin.

Today is the day na pahihirapan ko ang malditang si Vana. I must admit having her around never bores me. Kaya susulitin ko na ang pagkakataon na ito para sumuko siya sa kung ano man ang pakulo niya.

Siya mismo ang luluhod sa akin. Magmamakaawa.

Tumigil ako sa harap ng bahay nila at bumusina ng dalawang beses. Lumabas ang magasawang Jheis at Velvet.

"Nak!! Nandito na si Reece. Malelate kayo." Rinig kong sigaw ni Jheis.

I got off the car and approached them. Atleast naman may courtesy padin ako kahit may balak ako sa anak nila. Ngumiti ako sa kanila. And they smiled back.

"Good morning po." As soon as sinabi ko yon, bumungad si Vana sa pinto.

"Oh please! It's not like field trip ang pupuntahan namin." Pagaasik ni Vana tapos umirap sa akin. Playing hard to get yata ang trip niya ngayon?

"Akin na yan." Sabi ko sabay kuha sa maleta niya. Ngumiti lang ang magasawang Crovista. Vana just made a 'tsk' sound tapos sumakay sa sasakyan.

"We'll get going." I politely said and bid goodbye.

"Oh my gosh sobrang plastic mo talaga. Anong brand mo?" Sabi sa akin ni Vana pagkasakay ko.

I ignored her tapos humarurot na ako paalis sa kanila.

"Hm. Infairness ha, you have a nice ride." I rested my head on my left hand at gamit ko naman ang kanan sa pagmamaneho.

"Alam mo naman na slave kita diba? That means susundin mo lahat ng gusto ko." Tumingin siya sakin at nakataas ang kilay. "And that includes shutting your mouth."

"Whatever you say. Boring mo manong!" She responded and laughed. Umiling lang ako.

"Umayos ka ha. May team building tayo doon. Please makicooperate ka." Nagkibit balikat lang siya. Finally, napagod din kakakuda.

Hindi naman masyadong mahaba ang byahe papunta sa location ng team building pero nakatulog na pala si Vana.

I was given the chance to observe her. Sobrang payapa niya kapag tulog. Sana tulog na lang siya palagi.

I pulled over for a moment dahil napansin ko na hindi pala siya nakaseatbelt. Hay this crazy brat.

"Pasalamat ka at tulog ka, concerned lang ako ng slight." I whispered softly then placed her seatbelt on.

Kahit naman irita ako sa kanya dahil inahas niya si Ryle e hindi naman ako ganong klase na walang pakielam.

I went back to driving habang siya ay mahimbing padin.

"Tulog ka lang dyan, ayaw ko ng maingay sa kotse ko." Then I smiled.

Nang makarating na kami sa location, tinapik ko ang braso ni Vana. Tulog mantika ang ate girl niyo. Hindi parin siya gumigising?

Napansin ko na nakarecord ang phone niya and my eyes caught hers bago pa siya pumikit ulit.

"Ano ba yan gising ka na e." Irita kong sabi at kinuha ang phone niya.

Her eyes quickly opened as she tried to snatch her phone away. Sa taranta ko, naclick ko bigla ang lock button at nakita ko ang mga message ni Ryle.

As usual, nagpapakabaliw padin itong si Ryle. I started to feel the heat on my head at bigla kong sinungitan si Vana.

Dare With A GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon