TCFP 3

37 7 1
                                    

Natapos na kaming mamili, kaya nagyaya si Diana na kumain. Nung una tumanggi ako, kahit gutom na ako kasi wala naman kaming pera. Nakakahiya rin na ilibre nya pa kami. Pero pinilit niya ako na kumain. Nagpaawa effect pa, para lang sumama ako sa kanya. Pati ang kapatid ko nagpaawa na rin. Kaya sa bandang huli napapayag nya rin ako.

"What do you want Karl? May?"

"Kahit ano." sabi ko. At tumingin kay MayMay na parang nag iisip.

"Hm. I want sundae big sister."

"Ok. Just wait there."

Umalis na sya at pumunta sa counter, para i order ang pagkain namin. Habang kami ni MayMay ay nag kekwentuhan lang.

"Excited kana ba bukas MayMay?"

"Opo kuya. Sobrang excited lalo na kuya binilhan ako ni big sister ng bag." Ang saya ng kapatid ko, na nabilhan siya ng bagong bag, pati sapatos at damit. Sino pa ba ang bumili. Edi si Diana, hindi naman daw nya papabayad.

Pero nahihiya ako. Sobrang dami ng nagastos niya sa kapatid ko. Hindi ko siya kinaibigan, para lang bilhan kami ng kung anu ano.

Nag smile lang ako kay MayMay at ginulo ang buhok niya.

"Ang saya nyo dyan hah." dumating na si Diana dala ang order. Tinulungan ko siya. Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita si Diana.

"Nga pala. Grade 1 kana MayMay. Excited kana ba?"

Tumigil sa pagkain si MayMay at tumingin kay Diana, tumingin sa akin, tapos tumingin ulit kay Diana.

"Parehas po kayo ng tanong ni kuya, ate. Opo excited na ako. Magkakaroon na naman ako ng bagong kaibigan."

"It's good baby. Don't make taray taray there hah. Be friendly."

"Yes ate." sabay salute. "Ikaw kuya excited ka ba?"

Nginitian ko lang siya at saka pinagpatuloy ang pagkain. Di ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko.

Nang matapos na kaming kumain ay bumalik kami sa bookstore. May nakalimutan daw bilhin si Diana.

Naglalakad kami ng may makabanggaan akong babae.

"Ouch! Can you please look.." Di na niya natuloy ang sasabihin at parang ewan lang na nakatingin sa akin.

"Sorry miss." ang sabi ko at naglakad na ulit.

Siniko ako ni Diana sabay smirk. "Ang lakas talaga ng charisma mo sa mga babae, ano. Didn't you notice, since were got here there is lot of girls staring at you. STARING hah not looking. It's like duhh."

Siguro sanay na ako na marami talagang tumitingin sakin, kaya parang wala lang ang reaction ko. Tumawa lang ako at saka ginulo ang buhok niya.

"Selos ka?" I said. Pataas taas pa ang kilay.

"Iww. mandari ka nga." at ang usual na ginagawa ng mga babae. Inirapan niya ako at naglakad na kasama si MayMay.

"Ma, nandito na po kami. Binilhan ka po namin ng favorite mong Shawarma." Sigaw ng kapatid ko na patakbong lumapit kay mama na nakataas pa ang isang kamay, kung saan niya hawak ang naka plastic na shawarma.

"Hello tita. Were done na po in buying our things. I'll go ahead na po i'm tired na eh. Bye tita." paalam ni Diana.

"Sige hija. Thankyou."

"Anything tita."

Paalis na sana siya ng pigilan ko. "Diana, hintay hatid na kita. Gusto mo bamg mapagalitan."

"Yeah, I forget that I didn't bring my car. Faster Karl I wanna take a rest na." kahit kailan talaga ang arte magsalita ng babaeng to.

"Ma, hatid ko lang po si Diana hah. MayMay, tignan mo muna si mama. Babalik din ako agad."

Naglalakad kami papunta sa bahay ni Diana ng may madaanan kaming pulubi.

"Look lola oh. She's si kawawa. Ahh wait." May kinuha siya sa plastic na bitbit ko at iniabot dun sa matandang pulubi.

"Lola oh. Take this na. Thankie, that I didn't eat it earlier." pagkatapos niyang ibigay yun ay tumakbo na siya pabalik kung saan ako naka pwesto.

Sa lahat ng mayaman siya ang kilala kong hindi maarte. Hinawakan niya yung lola kanina pero ni hindi man lang naghingi ng alchohol or what.

"I'm so proud of you." nasabi ko sa kanya habang naglalakad kami.

"I know right." Sabi niya. Saka na pumasok sa loob ng bahay nila.

"Hi tita." bati ko sa mama niya.

"Hello hijo. Kamusta na ang mama mo?"

"Ayos lang naman po tita."

"Balita ko dun ka mag aaral kung saan mag aaral ang anak ko."

"Opo tita."

"Hindi ka ba masaya. You know, I'm so proud of you hijo. Pinapatunayan mo na you're worth it to be my daughter"s friend." Nag smile lang ako sa sinabi ni tita.

"Hindi ko naman sinasabi na ayaw ka naming maging kaibigan ng anak ko. Pero hijo, ang layo ng agwat niyo ng anak ko. But now look at you. You're doing your best para pantayan ang anak ko. At proud ako sa ginagawa mo. Pinatunayan mo sa akin na hindi lahat ng katulad mo ay ang habol lang ang pera ng anak ko. Keep it up hijo, for sure giginhawa din ang buhay nyo."

"Thankyou po tita. Masaya po ako na proud kayo sa akin. Wag ho kayong mag alala. Gagawin ko ang lahat ng best ko. Para mas maging proud po kayo sa akin."

"Good hijo. By the way, you have the same course with my daughter right?"

"Yes, tita sana nga po mag kaklase kami. Para kahit papano may makausap ako dun."

"For sure, you have the same level of knowledge. Ah no you are more brilliant than my daughter but still the same. So don't worry. Magulo diba? Sige sundan mo na sa kwarto niya."

Napangiti ako sa sinabi ni tita. Alam ko na kung kanino nagmana tong si Diana.

The Commoner Find his Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon