TCFP 4

46 6 1
                                    

Maaga ako nagising ngayon. 5 am palang nagluto na ako. Pagkatapos magluto ay naligo na. Kailangan na maaga ako ngayon, dahil ihahatid ko pa ang kapatid ko sa school niya, bago ako pumasok. Buti nalang at malapit lang ang eskwelahan niya sa amin.

"MayMay, baba kana dito. Kumain kana." sigaw ko sa kapatid ko.

"Ma, kain kana po." inaasikaso ko ang mama ko. Pinapakain ko muna siya para mamaya bago ako umalis ay mapainom ko na siya ng gamot niya.

"Nak, kaya ko na sarili ko. Umupo kana diyan at kumain. Nako, baka ma late kapa sa pagpasok mo. Unang araw pa naman ng klase ngayon."

Sinunid ko naman ang sinabi ni mama. Ayaw ko rin namang ma-late.

"Good Morning!" super energetic na bati ni Diana sa amin na nakataas pa ang dalawang kamay.

"Ready na ba kayo? Me, I'm so excited na. Let's go. Amh by the way tita. My mom told me na magdala ng yaya dito so that you are not alone daw. If you need something daw you can make utos-utos to yaya Fely."

"Hay nako anak, di ko na kailangan ng kasama dito. Kaya ko naman mag isa ee."

"No tita, my mom is just worried to you. Accept this tita. And also if you want to go to our house, you can daw. Just say it to yaya Fely. Para daw may kausap si Mom sa bahay."

Tumango nalang ang mama ko at pinapaalis na kami, baka daw ma late kami.

"Bye Mama. Wag po kayo mahiyang utusan si yaya Fely hah. I know na kaya nyo na yang sarili niyo. Pero if nahihirapan po kayo magpatulong nalang po kayo kay yaya Fely. Oh may makaka kwentuhan ka rin. Bye na Ma."

Tumayo na ako at ki-niss siya sa noo. Umalis na kami nila Diana, dala niya pala ang sasakyan niya kaya di na ko nag aalala na male-late kami.

Nang makarating kami sa eakwelahan ni MayMay ay hinatid muna namin siya sa room niya bago umalis.

"Mag behave ka dito MayMay hah. Ano yung sinabi ko sayo?"

"Wag makikipag away dapat maging friendly. Mag bebehave lalo na pag nandyan na ang teacher. Makikinig lagi kay teacher at wag sasama kung kani-kanino."

"Very Good. Ito o baon mo. Kainin mo yan hah. Ito pa pag may gusto kang bilhin na laruan o pagkain."

Nakatitig lang siya sa inaabot kong pera sa kanya. Parang nag dadalawang isip pa kung kukunin niya o hindi.

"wag na kuya. May sandwich and juice na naman ako. Hindi ko na kailangan niyan."

"Kunin mo na MayMay. Pambili mo ng gusto mo. Ayaw ko naman na nakikita mong bumibili ng kung anu-ano yung mga kaklase mo, ikaw nandyan lang nanunuod sa kanila."

"Di ko naman kailangan ng mga yan kuya eh. Hindi ko naman magagamit sa pag aarak kaya ok lang po. Wag muna ko bigyan ng pera. Mas kailangan mo yan kuya, diba college kana mas marami kang kailangang bilhin. Kaya kesa pambili ko ng kung anu-ano edi gamitin mo nalang po pambili ng kailangan mo."

Sobrang matured mag isip ng batang to. Nag papasalamat ako na may ganito akong kapatid. Sobrang proud at mahal na mahal ko to. Kaya lahat ng gusto niya gusto kong ibigay hanggat kaya ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin kung anong gusto niya, alam ko at nalalaman ko kung ano ang gusto niya.

Kinurot ko ang pisngi niya at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Tama na yan karl. Gusto mo ba patayin yang kapatid mo?" sabay tapik niya sa likod ko.

"Alis na po kayo. Baka ma late pa po kayo. Bye kuya, bye ate" sabi sa amin ng kapatid ko.

"Bye, Ingat ka dyan hah. Hintayin mo ko mamaya. Wag kang aalis hanggat di pa ko nakakadating."

Tuluyan na kaming umalis dun. May 15 minutes pa kami. Kailangan pa namin tignan ang schedule bago pumasok. Sana naman di kami maabutan ng bell.

Pagdating namin sa school, ay tumakbo na kami papunta sa office ng department namin para kumuha ng print schedule namin.

Nang makuha na ang schedule ay lumakad na kami. Tinitignan naming ang schedule naming dalawa. Salamat at magkaklase kami.

Tumakbo na kami para hanapin ang room dahil 5 minutea nalang ang natitira at malapit ng mag bell.

Saktong pag tapak namin sa loob ng room ay tumunog ang bell. Nagkatinginan kaming dalawa at saka nag high five. Ang galing sakto lang kami at wala pa ang teacher.

Umupo kami sa pinakadulo, wala na kasing vacant sit sa harap.

"Nakakapagod yun hah, pero ang saya. Pag ikaw talagang kasama ko may thrill. Hindi boring." sabi niya na hinihingal pa.

Nginitian ko lang siya at ginulo ang buhok. Yun naman ang saktong pagpasok ng teacher namin.

The Commoner Find his Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon