TCFP 1

115 7 2
                                    

Simple lang ang buhay ko. Masaya pa rin kahit na may mga problemang dumadating. Hindi naman nawawala yan nasa sayo nalang yun kung paano mo lulutasin.

Ako nga pala si David Karl Laxa 16 years old. Incoming 1st year college this coming school year.

" Good Morning kuya" bati sa akin ng bunsong kapatid ko.

Sya si Chelsea May Laxa 7 years old. Nginitian ko lang sya at saka pina upo para mag agahan.

"Sandali lang MayMay tawagin ko lang si mama." pumunta na ako sa kwarto ni mama para yayaing kumain.

Kinatok ko ang pinto ng kwarto nya at saka pumasok. "ma, kain na po tayo."

Hinila ko na ang wheelchair na papunta sa hapagkainan. Oo, naka wheelchair si mama. Hindi na sya makalakad dahil sa aksidenteng nangyari dati.

*Flashback**

Nasa park kami at 9 years old pa lang ako noon and 4 months palang si MayMay.

Naaalala ko pa noon sobrang saya namin. Nag pipicnic kami dahil nag top na naman ako sa school.

""Karl laro tayo." yaya sakin nang isa sa mga kalaro ko.

Tumingin ako kay mama at tumango sya parang alam na nya ang ibig kong sabihin kaya tumayo ako at niyakap sya saka pumunta na kung saan ang mga kalaro ko.

Ang ganda ng paglalaro namin. Ng tumalsik ang bola na nilalaro namin sa daan.

"ako na kukuha." prisinta ko, saka tumakbo para kunin ang bola.

Daretso lang ako tumatakbo nun ng di ko mamalayan na may padating na sasakyan. Nagulat ako nung mga oras na yun kaya di ako nakagalaw at nakatayo lang sa gitna ng daan.

Palapit ng palapit na yung sasakyan ng pumikit ako. At naramdaman ko na may yumakap sakin.

Pagdilat ko ng mata ko. Nakita ko na si mama ang nakayakap sakin. Naiiyak na ako nung oras na yun kasi nakapikit sya.

Tumayo ako para patayuin si mama ng makita ko ang paa nya na puro sugat at dumudugo.

Dinala namin sya sa hospital ni papa. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Hindi ko na napigilan at umiyak ako na malakas.

"Ka.. Kasalanan ko.. Ko to. Dapa.. Dapat ako yung nan.. Nandoon." putol putol na ang pagsasalita ko kakaiyak.

"Tss. Wag ka magsalita ng ganyan anak. Di mo kasalanan ang nangyari. Ok. Walang may kasalanan nito. Hindi mo naman ginusto na mangyari sa mama mo to. Hindi ba?"

Tumango lang ako at niyakap sya ng mahigpit.

Nang lumabas ang doctor sa operating room ay agad kami lumapit dito.

"Ok lang ba ang asawa ko doc?" Nakatingin lang ako ng daretso sa doctor. Hinihintay kubg ano ang sasabihin nya.

"Ayos na sya. Pero I have a bad news mister." sandali syang natahimik at nang mapansin nyang handa na kami makinig ay itinuloy na nya ang sinasabi nya.

"Hindi na makakalakad ang pasyente. Masyadong napinsala ang dalawa nyang paa nya. Nagkaroon ng komplikasyon at kailangan ng putulin ang kanyang paa, para maiwasan ang impeksyon."

Natahimik si papa ng marinig yun. Tinapik ng doctor sa balikat si papa at umalis na.

Nakatingin lang ako kay papa habang umiiyak. Umupo sya sa upuan, nakayuko.

**End of Flashback**

Alam ko na umiiyak si papa, hindi ko na alam ang gagawin ko ng mga oras na yun. Sobrang nahihirapan ako. Nakikita ko na nasasaktan si papa at alam ko na nasasaktan din si mama hindi lang emotional kundi pati physical.

Hindi ko mapatawad ang sarili ko dahil sa nangyari dati. Hanggang ngayon. Kapag nakikita ko si mama na malungkot lalo na pag sya lang mag isa. Nasasaktan at nakokosensya ako.

Hindi dapat sya ang nahihirapan. Ako dapat. Ako.

Simula noon, ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko sya. Gagawin ko ang lahat kahit mahirapan ako hinding hindi ko iiwan si mama. Aalagaan ko sya.

The Commoner Find his Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon