TCFP 6

23 1 0
                                    

Naglalakad kami papunta sa canteen dahil break time na namin. Hindi ako makakilos ng maayos, naiilang ako. Lahat ng tao sakin nakatingin. Panigurado ako na alam na nila ang estado ng buhay ko. Ganon ba kaimportante sa kanila yun. Hayy!

"Are you ok?" bulong sa akin ni Diana. Tumango lang ako bilang sagot.

"Sakin ka pa talaga mag sisinungaling!"

Kilalang-kilala talaga ako nito. Alam nya pag di ako nagsasabi ng totoo.

"Ang totoo. Kinakabahan ako, feeling ko anytime may mangyayaring di maganda sa akin."

"Don't worry Karl. Andito lang ako. I will talk to my cousin, not to bother you."

"Thanks, but no need Diana." Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Nung time na pumasok ako dito ni-ready ko na ang sarili ko. Alam ko na dadating yung time na malalaman nila yung estado ng buhay ko. Di ko lang expect na ganito kaaga nila malalaman yun."

"Karl?" Tawag niya sakin ng mahina pero sapat na para marinig ko. Alam ko nag aalala siya sa pwedeng mangyari. Ayaw ko naman na pati siya madamay dito. Saka unang araw palang ng klase dapat masaya kaya nginitian ko siya.

"Alam ko yung ngiti na yan Karl." Lumayo siya sakin. Pero bago pa siya makalayo ng tuluyan ginulo ko na ang buhok niya saka naglakad ng mabilis. Ayaw na ayaw niya kasi na ginugulo yung buhok niya. Nagiging dragon siya. Pero sakin hindi. Sakin lang yata siya di nagagalit pag ginugulo ko buhok niya.

"Err! Not here Karl." Pagdadabog niya. Natawa naman ako sa ginawa niya. Parang bata talaga to. "Come here I wanna pinch your nose." Haha sabihin pa talaga sakin. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya saka siya binelatan. Nakakatawa talaga itsura niya.

Nasa canteen na kami at naghahanap ng mauupuan. Ang daming estudyante dito. Sosyal lahat pinag uusapan yung mga gamit nila na mamahalin at nabili sa ibang bansa.

"Tara doon tayo." Hinila niya ko papunta sa lugar kung san siya nakakita ng bakanteng lamesa. Paupo na sana kami ng may biglang umupo na mga babae.

"Opps, ow couz. sorry but we came first. But if you want you can join with us." tinap nya pa yung upuan sa tabi nya.

"But I have my friend with me." tinignan nila ko saka tumawa.

"Friend?!" maarte nyang sabi sabay taas pa ng isang kilay.

"Yes, he's my friend. Is there something wrong about it." hinila ko na si Diana paalis dun sa table. Nagkakainitan na kasi sila. Ayaw ko naman magkagulo sila dahil lang sakin lalo na't unang araw palang to ng klase.

"Bili nalang tayo ng pagkain and maghanap nalang tayo ng lugar na pwedeng pagtambayan." Mas maganda na siguro yun. Atleast walang matang nakatingin samin.

Bigla naman ako hinila neto papunta sa counter. Bumili kami ng pagkain at naghanap ng pwedeng pagkainan sa loob ng campus.

Sa kakalakad nakarating kami sa dulo ng school. May parang mini park dito. Meron talagang park dito. Buhay na buhay pa at maraming estudyante dun at malapit sa gitna ng campus naka pwesto, unlike this nasa dulo. Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Maganda naman siya pero mukhang napabayaan, kaya siguro walang nagpupunta dito.

"Where here." So balak pala talaga niya ko dalhin dito.

Hinila ako ni Diana at umupo kami sa may ilalim ng puno. Nahalata ko lang na kanina pa hila ng hila tong babaeng to. Pero in all fairness ang presko dito. Mahangin. Nakaka tanggal ng stress. Huminga ako ng malalim, sarap ng hangin dito nakaka alis ng badvibes.

"You know this is my favorite place here in school." hah? Ano daw? Ito yung paborito nyang lugar dito. Magkatalikod kami habang kumakain.

"Bakit dito? Eh marami namang magandang lugar dito sa loob ng campus." Tama naman ako.

"Dito kasi napaka peaceful. Walang nangingialam sayo, walang mga plastic. Tahimik at maganda tong lugar na to. Alam mo yun nakakatanggal ng problema. Mawawala lahat ng badvibes sa katawan mo."

Medyo natawa pa ko sa sinabi niya pero totoo. Kahit unang punta ko palang dito ramdam ko na kung ano yung sinasabi niya.

Tahimik lang kami naupo at kumakain dun. Sobrang peaceful talaga nakalimutan ko na may problema pala ako. Ok na rin siguro to kahit ilang oras lang makalimutan ko muna lahat ng problema ko.

"Karl?" Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Diana.

"Bakit?" Tumahimik siya ng ilang minuto at nagsalita na rin.

"Pasensya na ha. Pagpasensyahan muna yung pinsan ko. Bratinela kasi yun masyadong na spoiled nila tita kaya ganyan yung ugali."

Humarap ako sa kanya saka hinawakan yung kamay niya.

"Wag kang humingi ng pasensya sakin. Wala ka namang kasalanan kung bakit naging ganon yung pinsan mo eh. And wala ako pakialam sa kanya. Basta masaya tayo. Hayaan muna nga yung pinsan mo."

Nag smile lang siya sa sinabi ko.

"Oo nga no. Bat masyado ko bang iniisip yung babaeng yun."

"Tara na nga. Baka ma late pa tayo."

"Hilain mu nga ko. Di ako makatayo."

Dahil sa masunurin naman akong bata. Hinili ko sya patayo. Ang bigat niya.

"Ang bigat mo. Baboy kana!" Pang iinis ko sa kanya. Effective naman eh. Kasi pagkarinig niya sa word na "BABOY" nag iba yung expression ng mukha niya.

"What did you say?!" Hala nag jo-joke lang naman ako eh. Nag peace sign ako sa kanya pero wa epek.

"Haha." sabay kamot sa ulo ko.

"KARL!" Palapit siya ng palapit sakin. Ako naman eto napapaatras. "I'm not a pig. Ok. I am too beautiful to be a Pig. Grr!" Opps. Umuusok na tenga niya nagumukha na siyang. Hmp! Basta.

Totoo naman na maganda siya. Maraming nanliligaw sa kanya pero bago siya ligawan ng mga yun sakin muna dadaan. Ano sila sinuswerte. Oo maswerte sila pag nagustuhan sila ni Diane. She is a very sweet lady. Kahit na maarte yan mabait naman. Kaya nga kahit mayaman siya eh nakasundo ko siya. Kasi wala sa kanya yung estado ng buhay mo. Basta kaibigan ka niya kaibigan ka niya. Ipagtatanggol ka niya.

Maswerte ako dahil may kaibigan ako na tulad niya. Hindi dahil mayaman siya at pwede ako humingi ng kahit na ano sa kanya. Never ko ginawa yun. Maswerte ako dahil mahal at tanggap niya ko bilang kaibigan niya kahit ganito ako.

Mahal na Mahal ko yang Bestfriend ko na yan.!
At walang pwedeng manakit sa kanya dahil ako ang makakalaban nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Commoner Find his Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon