TCFP 5

39 2 0
                                    

"Good Morning class. I'm Ms. Stephanie Yutuc and I will be your adviser for the whole sem. And also your Marketing professor. I graduated here taking the same course of you BSBA major in Marketing Management. 23 years old and yes I am a fresh graduate 2 years ago. I also take Masteral, that's why i'm here in front of you. So I am finish to introduce myself, now it's your turn to introduce yourself."

Nag umpisang magpakilala ang mga nasa harap. Nasa likod kami kaya mamaya pa kami matatapos.

"Good Morning classmate i'm Trisha Louis Lopez, 16 years of age. Kikay as what you see. Rich? Ahha can you see naman diba? All my things is branded. My dad own a 3 resorts, 2 restaurant and 1 bar, so no doubts that I Trisha is not a poor. And one thing, I am the diva of this school, the sossy popular Trisha. Always remember that. That's all."

Ano ba yun. Kaylangan pa bang sabihin na mayaman sila, eh halata naman na mayaman sila kasi dito sila nag aaral.

Napailing ako sa kung paano mag introduce yung babae. Ganito ba talaga dito. Payabangan! Eh ano naman ngayon kung branded lahat ng gamit niya at may ari-arian sila. Matutulungan ba siya nung mga bagay na yun para mapataas ang grade niya. Ok sana kung oo eh kaso hindi. Hindi.

"Karl." nagulat nalang ako ng tapikin ni Diana ang balikat ko at tinatawag ang pangalan ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay na parang nagtatanong kung anong kaylangan niya.

"Ikaw na po kaya" maarte  niyang sabi,  napatingin naman ako sa harap at nakitang nakatingin lang sakin ang mga kaklase ko at si Ma'am Yutuc.

Tumayo na ako at pumunta sa harap. Inayos ko muna ang sarili ko bago mag salita.

"Ehem!" bigla akong kinabahan. Seryoso silang nakikinig sa akin ng biglang may tumiling babae.

"Yaaahh your so pogi." sabay turo habang nagpapa cute yung babae sa akin.

"Continue." narinig kong bulong ni ma'am, kaya nagpatuloy na ako sa pagpapakilala.

"I'm David Karl Laxa, 16 years old. I graduated in high school as a valedictorian. I love reading and cooking and different kind of sports like Basketball, Volleyball and Badminton."

Yan lang ang nasabi ko. Ayaw ko ng magsabi pa ng ibang bagay na pwedeng magpagulo ng buhay ko. Lalo na ang mahirap kami. Hindi ko naman kinakahiya na ganito ang buhay namin, pero may mga bagay na dapat di mo na sinasabi pa sa ibang tao. Lalo na sa mga estudyante dito. Ayaw ko naman na madiscriminate. Kaya as long as kaya kong umiwas sa mga bagay na makapagpapagulo ng buhay ko iiwas na ako.

Babalik na sana ako sa lugar ko ng may magtanong, at sa kamalas malasan naman ang iniiwasan kong tanong pa ang ibinato sa akin.

"Pre! Anong business nyo?" nakatayo lang ako sa harap nila at tinitignan yung nagtanong at ang mga kaklase ko. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Sasabihin ko ba ang totoo o gagawa ako ng istorya. Natatakot ako.

"You don't care if they have business or none. So please, stop asking!" pag kontra ni Diana.

"We care. We just want to know if they have business. Masama ba yun?" Mataray na sagot nung babaeng maarte.

"Yes. Kung ayaw nyang sabihin yun then hayaan nyo sya. Hindi lahat ng bagay kaylangan nyong malaman."

Nakikita ko na nagkakainitan na sila kaya pinigilan ko.

"Ehem!"

"Karl?" tinanguan ko lang si Diana. Kita ko ssa mata nya na nag aalala siya sakin.

"May business kami dati. Pero nagkasakit ang mama ko kaya binenta namin ang kumpanya para sa pang gastos sa mama ko. Nakapasok ako dito dahil sa scholarship na nakuha ko."

Hindi ko na pinahaba ang sinabi ko. Dahil di na ko kumportable sa harapan ng mga kaklase ko.

"He's handsome pa naman. But he's poor." rinig kong bulong ng mga babae.

Ito ang kinakatakutan ko. Ano kayang mangyayari sa akin dito. Gusto ko man palakasin ang loob ko pero kahit anong gawin ko, wala.

Bumalik ba ako sa pwesto ko at tinignan si Diana. Walang emosyon ang itsura niya.

"Ok class. Starting tomorrow, we will start our lesson. By now enjoy the rest of your day. Class Dissmiss."

Natapos din ang klaseng to. Tinignan ko ulit si Diana ganon parin ang itsura nya.

"Diana?" tumingin siya sa akin. Nakakatakot. Hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting nagliliwanag ang mukha niya.

"Karl. Bakit?" huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Ayaw ko ng gulo Diana. Nagpakatotoo lang ako, wala naman siguro masama sa ginawa ko diba."

"Ayaw mo ng gulo? Sa ginawa mo karl, nilagay mo lang ang sarili mo sa gulo. Iba ang utak ng mga tao dito. Hindi ko nga alam kung tao nga ba talaga sila eh. Karl, nag aalala ako sayo. Ito ang kinakatakutan ko."

"Wag kang mag alala sa akin Diana. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko sa kanya para pagaanin ang loob niya. Pero sa tingin ko walang epekto yun.

"So your friends" napatingin kami sa nag salita yung maarteng babae. Trisha ba ang pangalan.

"So?" sagot naman ni Diana.

"I didn't expect that you and this guy are close, couz."

Couz? As in cousin. Magpinsan sila? Totoo ba to o nananaginip lang ako. Ang layo ng ugali nila sa isa't-isa.

"Mag pinsan kayo?" tanong ko.

"Yes"

"You don't care if were friends. It's none of your business." hinila ni Diana ang kamay ko para umalis dun pero napigilan siya ni Trisha.

"We care, couz. Bantayan mo yang kaibigan mo and get ready." bulong niya kay Diana pero rinig ko naman. Umalis na Trisha. Hinawakan ni Diana ang kamay ko habang seryoso ang itsura.

Ito na. Ngayon na magsisimula ang kinakatakutan namin.

The Commoner Find his Princess (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon