Ang tulang ito ay para sa taong handang lumayo,
Mawalay sa piling ko at ng pamilya ko,
Ito'y para sa ina ko.
Sa ina kong walang ibang ginawa kundi kumayod at magkanda kuba,
Handang mapunta sa malayong lugar para lang kami'y may maipundar
Sa ina kong mas mahaba pa ang pasensya kaysa sa height nya,
Na lagi akong iniintindi sa tuwing moodswings ko ay matindi,
At tuwing may masakit saaking katawan na dinaramdam,
Siya ang laging tinatakbuhan.
Ang babaeng hindi naghahangad ng materyal kundi tanging aking pagmamahal,
Ang babaeng pinasasalamatan ko na nagdala saakin sa mundong ito,
At sa babaeng kahit na mahigpit, Kapakanan ko lamang ang natatanging iniisip nang sa ganon pangarap ko'y aking makamit.
Minamahal kong ina na kahit wala sa aking tabi habang ako'y lumalaki,
Nasa puso't isip ko naman lagi.
Aking inang nakakayang magtiis at malumbay,
Mga anak lang niya'y maging matagumpay sa buhay,
Kanyang paghihirap ay napapawi sa tuwing mga anak niya'y nakangiti.
Pagod at sakit sa katawan ay balewala, Lahat kayang gawin para sa pamilya
Minsanan kung umuwi para makasama ang pamilya at makapagpahinga,
Ngunit mga problema ang isasalubong sakanya,
Minsan ay napapaluha sa tindi ng problema,
Pero ang mga anak, siya ay binabalewala.
Nang dumating ang araw nagkasakit ang ina nanamlay at nawalan ng kulay,
Doon natauhan, nagising at namulat ang mga mata,
Na hindi lahat ng oras ay naririyan siya.
Kaya't aking ginawa, naghanap ng paraan manumbalik lang ang kanyang sigla,
Ang dating sigla ng aking minamahal na ina,
Naranasan ko ang ilan sa kanyang napagdaanan,
Doon ko napagtantong napakahirap ng kanyang pinagtratrabahuan,
Simula noon ang ina ko na numero uno sa aking puso ang siyang naging aking idolo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading this. I hope that it inspires, entertains and uplift you!☺️
- chiieeeDPurpleGirl✨💜
YOU ARE READING
Hang In There, Buddy!
RandomIf you tell someone to "Hang In There, Buddy!" you are encouraging them to keep trying to do something and not to give up even though it might be difficult. //This is a compilation of spoken word poetry, poems, and life lessons that created by my yo...
