Wagas ang aking pagkakangiti ng maalala kong may bago na naman akong cellphone na de-pindot o mas kilala sa tawag na "keypad", hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ako ng sariling telepono ngunit ito ang natatanging cellphone na hindi pinaglumaan ninuman kung kaya't ganoon na lamang ang aking galak.
Grade 4 ng magkaroon ako ng telepono ngunit kadalasan ay mga pinaglumaan na telepono ni ate ang napupunta sa akin kung kaya't may mga diperensya o malfunction na sila, ngunit ngayong Grade 6 na ako at may "brand new" phone ay hindi ko mapigilan ang aking pagkasabik.
Napahinto ako ng maalala ang touchscreen na telepono ng aking nakatatandang kapatid ngunit mabilis rin iyong iwinaglit sa aking isipan at nagpatuloy sa pagkakalikot ng aking telepono.
"𝘼𝙩𝙚 '𝙙𝙞 𝙗𝙖 𝙢𝙖𝙮 𝙥𝙞𝙣𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙠𝙖 𝙨𝙖 𝙘𝙥 𝙢𝙤, 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮?" tanong ko ng sumagi sa aking isip ang minsa'y pinagkakaabalahan ni ate sa kaniyang telepono.
"𝘼𝙝𝙝 𝙤𝙤, 𝙬𝙖𝙩𝙩𝙥𝙖𝙙 𝙞𝙮𝙤𝙣. 𝘽𝙖𝙠𝙞𝙩?" tugon niya habang ini-explore ang hiniram niyang telepono ko sapagkat nais niyang malaman kung ano-ano ang mayroon sa aking telepono.
"𝙋𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙗𝙖 𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙬𝙖𝙩𝙩𝙥𝙖𝙙 𝙣𝙖 𝙞𝙮𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙠𝙚𝙮𝙥𝙖𝙙? 𝙂𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙠𝙤 𝙧𝙞𝙣 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙢𝙖𝙜𝙗𝙖𝙨𝙖" usisa ko habang pinapanood ang kaniyang pagkakalikot
"𝘼𝙣𝙜 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚 𝙖𝙣𝙜 𝙬𝙖𝙩𝙩𝙥𝙖𝙙 𝙖𝙥𝙥 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙚𝙮𝙥𝙖𝙙, 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙤𝙛𝙩𝙘𝙤𝙥𝙞𝙚𝙨 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙞𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙬𝙖𝙩𝙩𝙥𝙖𝙙 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙣𝙖 𝙥𝙬𝙚𝙙𝙚𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙨𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙙𝙚-𝙥𝙞𝙣𝙙𝙤𝙩 𝙖𝙣𝙜 𝙩𝙚𝙡𝙚𝙥𝙤𝙣𝙤 𝙩𝙪𝙡𝙖𝙙 𝙣𝙜 𝙨𝙖'𝙮𝙤" paliwanag niya kung kaya't agad na lumaki ang aking mga mata sa tuwa at pagkamangha.
"𝙏𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖? 𝙋𝙖𝙖𝙣𝙤?" tanong ko na may halong pagkasabik
"𝙏𝙚𝙠𝙖, 𝙝𝙞𝙣𝙖𝙝𝙖𝙣𝙖𝙥 𝙠𝙤 𝙥𝙖 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙖𝙖𝙣 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠 𝙢𝙤 𝙧𝙞𝙩𝙤.. 𝙀𝙩𝙤 𝙤𝙝" sabi niya habang tinuturo kung saan ko mahahanap ang Ebook sa aking telepono
"𝙎𝙤, 𝙥𝙖𝙥𝙖𝙨𝙖𝙝𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙖𝙠𝙤 𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙞𝙚𝙨 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙩𝙚𝙡𝙚𝙥𝙤𝙣𝙤 𝙢𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙢𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙨𝙖 𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙀𝙗𝙤𝙤𝙠?" pagklaklaro ko
"𝙔𝙪𝙥, 𝙞𝙗𝙡-𝘽𝙡𝙪𝙚𝙩𝙤𝙤𝙩𝙝 𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙝𝙤𝙣𝙚 𝙢𝙤" paliwanag niya habang hinahanda na ang telepono niya para sa pagpapasa ng ebook stories
Kaunti lang ang mga storyang kaniyang pinasa sapagkat maliit lang ang storage space ng aking telepono. Sinimulan kong basahin ang isang storyang nakapukaw sa aking atensyon na may pamagat na "Angel In Disguise" by Alyloony.
Matapos ng buong araw na pagbabasa ay naisipan kong magpahinga at ipagpatuloy ang pagbabasa mamayang gabi nang mapansin kong tutok si ate sa pagbabasa ng wattpad sa kaniyang telepono.
Natukso tuloy akong ipagpatuloy ang pagbabasa at medyo pinagsisihan ko sapagkat hindi ako maka move on sa naging katapusan ng storya, bukod sa ito ang unang storyang aking binasa mas tumatak din ang nakakaiyak na wakas bagama't maayos ang katapusan, hindi ko pa rin matanggap na binawian ng buhay ang babaeng bida. At hanggang ngayon hindi ko makalimutan ang pinakaunang storyang pinahagulgol ako at nag binyag sa akin bilang isang wattpader/wattpadian.
Ngunit tulad ng ibang mga bida sa wattpad stories, nagkaroon din ako ng pagsubok sa gitna ng pagiging isang wattpader. Dumating na ang aking kinakatakutan, nang manghigi ako sa ate ko nang iba pang ebook stories sapagkat paubos na ang aking babasahin ngunit hindi siya pumayag sa kadahilanang masyado na raw akong naa-adik at lagi nalang nagbabasa.
Ngunit bilang isang magiting na wattpader, hindi ako susuko makakupit este makamit lang ang aking minimithing ebook stories. Kung kaya't tuwing nagcha-charge ang telepono ni ate, pumupuslit ako upang mag bluetooth ng maraming ebook stories para hindi na ako maubusan sa susunod.
Hindi naman nagtagal ang aking paghihirap sapagkat ng tumuntong ako ng high school ay nabigyan din ako ng touchscreen na telepono at nagkaroon na sa wakas ng wattpad app.
Doon nagsimula ang aking pagka adik sa wattpad at hindi naman ako nagsisisi sapagkat sa katauhan ng mga karakter sa bawat storyang aking nababasa, mas lumalawak ang aking pang-unawa at pananaw sa buhay.Sa wattpad ako nakakaramdam ng halo-halong emosyon na talaga namang nagpapasaya, nagpapalungkot at nagpapamangha sa akin.
I know that almost all of us (wattpader) deemed wattpad as our escape from reality and also a journey or adventure that is experienced by our creative minds.In fact, wattpad becomes my breather every time that I feel suffocated or pressured by this awful reality, I find it very therapeutic especially the satisfaction that it gives me every time I get to finished a story. I also consider this as my remedy whenever I don't understand myself and my mood swings.
Wattpad is forever in my heart and soul,
And by this I can say that...
Discovering My Remedy is a fun and enticing Journey.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading this. I hope that it inspires, entertains and uplift you!☺️
- chiieeeDPurpleGirl✨💜
YOU ARE READING
Hang In There, Buddy!
De TodoIf you tell someone to "Hang In There, Buddy!" you are encouraging them to keep trying to do something and not to give up even though it might be difficult. //This is a compilation of spoken word poetry, poems, and life lessons that created by my yo...