Tag-init o Tag-araw panahong kinasasabikan ng mga kabataan,
Dahil sa wakas makakapaglaro na rin hanggang kinagabihan,
Walang mga takdang-aralin na dapat pangambahan,
Tanging nasa isip ay kung papaano makakaligtas sa habul-habulanMga nakakatuwang asaran,
Na minsan ay nauuwi sa pikunan,
At magsisisihan kung sino nga ba ang tunay na may kasalanan,
Ngunit sa huli ay magkakapatawaran din namanNariyan yung magtuturuan kung sino na ba ang taya,
Magulo ngunit sobrang sayang alaala,
Noo'y mga gusgusing bata na naglalaro nang sama-sama,
Ngayo'y hindi na magkakakilalaNakakalungkot isipin na ang minsang pagkakaibigan ay naglaho lang bigla,
Ni hindi man lang ako nakapaghanda,
Parang kahapon lang noong tayo'y sabay-sabay na tumatawa,
At ngayon nga ay ako nalang mag-isa.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading this. I hope that it inspires, entertains and uplift you!☺️
- chiieeeDPurpleGirl✨💜
YOU ARE READING
Hang In There, Buddy!
RandomIf you tell someone to "Hang In There, Buddy!" you are encouraging them to keep trying to do something and not to give up even though it might be difficult. //This is a compilation of spoken word poetry, poems, and life lessons that created by my yo...