Nakaraan, panahon na ayaw balikan ng ilan,
Sa takot na baka muling masaktan,
Buhat ng mga masasakit na karanasang napagdaanan,
Ngunit dapat na ba itong kalimutan?Ang simpleng pamumuhay,
At pagtrato sa mga tao ng pantay-pantay,
Hagikgik ng mga batang walang kamalay-malay,
Sa mundong kalupitan ay taglay.Pagkakawanggawa ay ibinibigay ng kusa,
Sa kadahilanang may malasakit sa kapwa.
Ang pagsambit ng pasasalamat ay laging naaalala,
At ang paghingi ng pasensiya ay hindi ikinakahiya.Hindi ba't ang nakaraan ay kay ganda?
Lalo na kung aalalahanin ang mga masasayang alaala.
Mga alaalang kay saya at puno ng sigla,
Na kailanma'y hindi matutumbasan ng pera at makabagong teknolohiya.~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Thank you for reading this. I hope that it inspires, entertains and uplift you!☺️
- chiieeeDPurpleGirl✨💜
YOU ARE READING
Hang In There, Buddy!
RandomIf you tell someone to "Hang In There, Buddy!" you are encouraging them to keep trying to do something and not to give up even though it might be difficult. //This is a compilation of spoken word poetry, poems, and life lessons that created by my yo...