THALIYAH's POV
Maaga pa lang ay gumising na ako dahil meron kaming Monday Ceremony ngayon.
Uminom lang ako ng tubig na nasa side table ko at dumeretso na sa CR para maligo. Ilang minuto rin ang inilaan ko para sa pagligo. Matapos ang mahigit isa't kalahating oras ko sa banyo ay nagbihis na ako ng uniporme ko at bumaba na para mag-almusal. Naabutan ko roon si Mama na busy sa paghahanda ng mga niluto nya. Kasunod ko na rin na bumaba si Kuya at si Papa.
"Good Morning Ma!" bati ko dito pagkalapit na pagkalapit ko sa kusina. Humalik ako sa kanyang pisngi at tinulungan syang dalhin ang mga kape mula sa kitchen island papunta sa dining table namin.
Tahimik kaming nagsimula sa pagkain.
"How's your academic performance Theo?" pagbabasag ni Papa sa tahimik naming pag-aalmusal. Ilang segundo pang nagtitigan si Papa at si kuya bago ito nakasagot.
"Nothing to worry Dad. Everything's alright. Nababawi ko na rin ang mga grades ko from last semester."sagot ni kuya at nagpatuloy na sa pagkain.
Tumikhim muna si Papa bago itinuon ang paningin sa 'kin.
"And how about you Thaliyah? How's your academics? I heard many rumors about you." usal nito at napapikit naman ako kasabay ng pagbuntong-hininga.
"You already heard rumors about me naman na pala. Then,"pagbibitin ko kasabay ng pag-angat ko sa kanya ng tingin ko. "why are you still asking me?" dagdag na usal ko at nag tuloy na sa pagkain ko.
"Same. Old. Thaliyah. Nothing really change. You're still disrespectful. " usal nito bagaman kalmado ang itsura'y halata sa tono ng pananalita nito ang inis.
"Y sigues siendo estúpido.. " pagdidiin ko pa. Hindi ko man sya lingunin ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang bahagya nitong pagkatigil at ang pagtiim-bagang nito. Bahagya akong napangisi sa iniasta nya.
{Translation: And you're still stupid}
Gulat din na napatingin sa akin si Mama at si kuya,ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.
"Thaliyah!" mahinang saway sa 'kin ni Mama, kaya't nilingon ko ito at inosenteng tiningnan.
"¿Que?" usal ko at saka muling tinuon ang atensyon sa pagkain ko.
{Translation: What?}
"Thaliyah, por favor.." animo'y nakiki-usap ang tonong bulong ni kuya.
{Translation: Please}
Bumuntong-hininga ako saka uminom ng tubig.
"I have to go. May aasikasuhin pa ako."usal ko at saka lumapit kay Mama at humalik muli sa pisngi nito at saka tumingin kay kuya. "Una na ako bro." tinapik ko pa sya sa balikat at walang lingon-lingon na naglakad papunta sa kotse ko.
Pinindot ko ang player non at nakinig sa music habang nagda-drive.
{Song Title: Older by : Sasha Sloan}
🎵I used to close my eyes and pray for a whole 'nother family, where everything was fine, one that felt like mine. I swore I'd never be like them. But I was just a kid back then. The older I get, the more than I see, my parents aren't heroes, they're just like me. And loving is hard it don't always work. You just try your best not to get hurt. I used to be mad. But now I know. Sometimes it's better to let someone go. It just hadn't hit--🎵