Chapter 3

26 12 0
                                    

Dedicated to messymizi

THALIYAH's POV

Umuwi ako ng maaga ng paalisin ako ni Ma'am Pael--yung bwiset na Biology teacher namin. Itinext ko agad kay Amor na umuwi na ako.

To: XAV dugyot

Umuwi na ako. Bye.

'Tinatamad na ako kaya ayos na yan.'

Ipinark ko lang sa garage ang kotse ko at agad ng pumasok sa bahay.

"Oh, hija. Bakit ang aga mong umuwi? Wala ka na bang klase?" salubong sa 'kin ni Mama. Humalik ako sa pisngi nito.

"Medyo masama ho kasi ang pakiramdam ko." pagdadahilan ko.

"May lagnat ka ba? O trangkaso? Halika nga't kumain ka para maka inom ka ng gamot." halata sa boses ni Mama ang pag-aalala. Iginiya nya ako sa kusina namin.

Sa harap na ako ng kitchen island umupo. Nangalumbaba ako don habang pinapanood si Mama na iniinit ang natirang ulam kanina. Pinanood ko ang bawat kilos nya.

'Sorry Ma..'

Napabuntong-hininga ako. Binigyan ko na naman ng sakit sa ulo si Mama.

"Oh, hija. Kumain ka ng madami. Inumin mo rin 'tong gamot tapos magpahinga ka muna. Gigisingin kita before dinner. " usal ni mama na nakapag-pabalik sa ulirat ko.

Tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Hindi ko nagawang tignan si mama sa mata. Inubos ko lang ang Escalivada na ininit ni Mama. Hindi ko man kelangan ng gamot pero mukhang kakailanganin ko dahil bumigat bigla ang pakiramdam ko.

Matapos kong kumain at uminom ng gamot ay dumeretso na ako sa kwarto ko sa attic at doon mahinang umiyak.

FREIA's POV

Medyo nakaramdam ako ng tampo kay Thaliyah. Pwede naman nya kasing antayin na matapos yung Biology namin tapos pumasok ulit pero hindi nya ginawa. Mas pinili pa nyang umuwi. Pero mukhang alam namin pareho ni Amor ang nangyayari kay Thaliyah.

'Umiiyak na naman 'yon..'

Sa t'wing meron syang ginagawang hindi maganda dito sa eskwelahan, umiiyak sya pagka uwi sa bahay nila. Madalas kami ang kasama nya sa t'wing ganon ang sitwasyon nya. Madalas pinagsasabihan namin sya na tigilan na nya ang pagiging mainitin ang ulo. Tigilan ang pagsagot sa teacher t'wing hindi maganda ang sitwasyon. Pero sadyang matigas ang ulo nya. Palaging sya ang nasusunod. Makikinig sya pero hindi nya gagawin. Isasaulo nya pero hindi nya susundin.

'Typical attitude of Thaliyah..'

Minsan nga gusto ko na lang syang kutusan, e. Masyadong matigas ang ulo nya. Ma-pride pero nababawasan pag kami na lang ang kaharap nya. Gusto ko syang puntahan ngayon at kausapin. Pero hindi ko pwedeng gawin 'yon. Dahil ako naman ang malalagot kay Daddy pag nalaman nyang nag-cut ako ng class.

Last sub na namin at kalahating oras pa lang ang nako-consume ng teacher. Parang biglang bumagal yung takbo ng oras.

Pinilit kong ituon ang atensyon at tenga ko sa teacher pero hindi ko magawa. Lumilipad ang isip ko at masyado akong nag-aalala sa nararamdaman ni Thal ngayon.

Back To December Where stories live. Discover now