THALIYAH's POV
Lunchtime..
Wala talagang nag-klase sa buong mag-hapon. Inayos ko ang mga gamit ko at saka kami sunod-sunod na tumayo nila Amor. Sa back door kami laging lumalabas dahil mas kaunti ang mga kaklase naming doon lumalabas. Nag-lalakad ako patungong back door ng masulyapan ko si Hundson. Naka-upo lang sya at mukhang walang balak umalis. Diretso lang din ang tingin nya sa blackboard. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang mariin syang naka-tingin sa blackboard. Sinulyapan ko rin ang blackboard pero wala naman akong nakitang mali doon. Nakita ko rin na nakakuyumos ang mga kamay nya na naka-patong sa armrest nya. Nangunot din ang noo ko ng makitang may bandage ang kanang kamao nya.
'Nakipag-suntukan ba sya?'
Eh ano namang pake ko?
Iniling ko lang ang ulo ko at saka nag-tuloy sa paglalakad. Nakita ko sa labas sila Amor at mukhang inaantay ang paglabas ko.
"Bakit ang tagal mo?"salubong na tanong ni Freia sa akin.
"A-ah! May nakalimutan ako doon sa upuan ko!"pagsisinungaling ko.
Nagkibit-balikat lang sila at nagtuloy na kami papuntang canteen.
Hindi naman gaanong mahaba ang pila sa counter kaya naka-order din kami kaagad.
May Escalivada na rin na tinda sa canteen. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko non. Dati nama'y hindi ako mahilig sa gulay. Siguro ay dahil masarap mag-luto si Mama kaya nahillig ako sa gulay.
Escalivada ang paborito kong luto nya ng gulay. Masarap iyon at marami akong nakakain kapag iyon ang naka-hain.
Nag-simula kaming kumain pero kataka-takang tahimik kami.
Si Amor ay tulalang kumakain. Parang malalim ang iniisip. Weird.
Si Freia naman ay normal lang. Tahimik sya at tuloy-tuloy lang ang pagkain.
Inisip ko na lang na baka busy sila sa pag-iisip ng magandang gown para sa Soiree na magaganap.
Pero grabe naman. Ilang araw pa ang lilipas, bakit parang sobra naman yata ang pag-iisip nila?
Nagkibit-balikat lang ako at saka nag-tuloy sa pagkain. Nang matapos kami pare-pareho ay dumeretso na kami sa room. Tahimik pa rin ang dalawa at ewan ko ba pero ang awkward sa pakiramdam ko.
"Hoy! Ayos lang kayo?"paunang tanong ko. Hindi ko na kasi talaga kayang tiisin ang katahimikan sa pagitan naming tatlo.
"H-ha? Oo ayos lang! Bakit?"parang nagugulat pa ang itsura ni Freia nang sumagot ito.
"Ang weird nyong dalawa! Kanina pa kayo tahimik."prangkang usal ko.
"Sorry! Iniisip ko lang yung mga pwedeng mangyari sa Soiree!"sagot naman ni Amor.
Ewan ko ba pero hindi ako nakumbinsi ng sinabi nya. Alam kong hindi yon tungkol sa Soiree mas malalim pa ang dahilan. Ayaw ko lang talagang ungkatin kasi baka personal. Pero bakit pati si Freia mukhang may malalim na iniisip? Pinipilit nyang maging normal pero hindi nya yon kayang gawin. Halatang may importante syang iniisip..