Chapter 7

14 7 0
                                    

HUNDSON's POV

Akala ko kukulangin pa ang pera ko pang-bayad sa mga in-order nilang pagkain. Buti nalang at may discount sila ngayong linggong ito bilang extension ng promo nila dahil kaka-bukas lang pala ng restaurant na ito.

Masarap ang mga pagkain nila at hindi na ako magtataka kung dadayuhin na ang restaurant na ito.

"Here's your card,sir!"usal ng babae sa counter. Kinuha ko naman ang credit card ko at saka sya nginitian. Nagpa-salamat lang ako at saka umalis.

Akala ko ay iniwan na ako ng Section 9-A pero hindi pa pala. Nandoon pa rin sila sa labas at inaantay ako.

"Oh! Hindi pa pala kayo umuwi?"kunwari'y hindi ko sila napansin.

"Obviously,inantay ka pa namin.."usal ng isang babae.

"Amor,stop!"suway ng katabi nya.

Sumiring lang sya at saka ako nilingon muli. "Salamat sa treat!We enjoyed it!"usal nyang muli.

"Hm. Welcome! I won't do it,if you didn't dare me to do it.."

"So napilitan ka lang?"

"No.Not really. I enjoyed it also. I enjoyed your company."

"Okay,then! Let's go! It's getting late and my kuya already called me and he scolded me na!"singit naman ng president ng room nila. Venice ata ang pangalan. S'ya yung kanina pang madaldal sa table namin.

Sumang-ayon naman ang lahat.

"Salamat ulit Hundson!"usal pa nila. Tumango na lang ako at tinignan muna silang maka-alis.

Nang hindi ko na sila natanaw ay dumeretso ako sa Iris Café na ilang lakad lamang mula sa pinang-galingan naming restaurant.

Nakakamangha ang loob ng coffee shop. Makulay at puro rainbow ang design. Ngunit sa kabila ng iisang disenyo ay hindi maipagkaka-ila na tunay ngang maganda at maaliwalas ang buong café. Makikita ang luho sa mga kagamitan. Mula sa mga chandeliers na nakasabit,mga upuan,mesa at maski ang mga bulaklak at halaman sa loob ay sumisigaw sa luho.

Dumeretso na ako sa upuang naka-laan para sa akin at sa taong kailangan kong kitain.

Ilang saglit din lamang ay dumating na sya.

"Tsk! Sabi na nga ba at hindi ako nagkakamali eh! Akala ko nung una ka-pangalan mo lang."tuloy-tuloy na usal nito. Naupo sya at naupo na rin akong muli.

"I don't exactly know how to deal with this kind of situation."prangkang saad ko.

"Same! This is my first time to have a date with a guy I don't actually know!"saad nya.

Nangibabaw ang katahimikan sa table namin. Awkward sa pakiramdam kaya't ako na ang bumasag dito.

"Do you want to eat something?Or drink something?"alok ko sakanya.

"I badly need some coffee!"sagot nya.

Tinawag ko naman ang waiter para maka-order kami.

Binigyan nya kami ng menu at bahagya kong sinusulyapan ang babaeng nasa harap ko.

Maganda sya,oo. Sumisigaw ang luho sa itsura at pananamit. Ang katulad nya ay hindi mahirap magustuhan. Mataray man ang itsura nya ay iba ang nasa kalooban nya. Maarte minsan ang pananalita ngunit naiintindihan ko dahil nga laki sa luho at may lahi.

Back To December Where stories live. Discover now