DENZO's POV
Ilang linggo na rin ang lumipas magmula nang magka-hiwalay kami ni Thaliyah. Hindi ko pa rin makuha ang punto n'ya.
Boring?Bullshit?
What kind of reason is that? That's the most non-sense reason I've ever heard.
Aren't my efforts enough?
Boring pa bang maituturing ang mga nagawa ko para sa kanya?Bullshit. Nawalan ako nang oras sa pamilya ko para sa kanya. She's selfish. Gusto n'ya lahat ng oras at effort ay nasa kanya. Magagalit sya kapag nawalan ako nang katiting na oras sa kanya. Muntik ko pa nga akong bumagsak sa Thesis ko noon dahil hindi ko nagawang tapusin at pag-aralan 'yon. Bakit? Dahil niyaya nya akong makipag-date sa kanya for the whole goddamn weekend. Effortless pa rin ba yon? O sadyang hindi lang sya marunong maka-appreciate?
This past few days I always find myself uncontrollably drinking different kinds of liquor. Galit na nga sa akin si Dad. Napapabayaan ko na raw ang pag-aaral ko , which is totoo naman. My adviser already warned me na nanganganib na ang grades ko. She's so disappointed. Ako man ay disappointed din sa sarili ko. Unti-unting bumabagsak ang mga pinaghirapan ko.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganito ang epekto sa akin nang nangyari sa amin ni Thaliyah. I'm a casanova. BEFORE. Before I met Thaliyah. She changed me. I loved her kahit na alam kong hindi nya ugali ang mag-seryoso sa isang relasyon.
'Bakit naman ganito, Thaliyah? I already change for you.'
Nakakatawang isipin na akala ko mababago ko sya tulad ng nagawa nya para baguhin ako.
'Ang daya..'
"Sir! It's already past 12:00 am and we have to close the bar!"usal ng isang waitress. Tumango ako saka nilagok ang natitirang inumin sa baso ko. Nag-bayad lang ako at saka lumabas ng bar.
Ramdam ko ang hilo ko. Ramdam ko ang paggewang ko sa bawat lakad ko.
Kailangan kong maka-uwi.
Ilang beses akong natumba habang naglalakad ngunit matagumpay ko rin namang narating ang kotse ko.
Iniisip ko na lamang kung paano ako magmamaneho. Nahihilo ako at may posibilidad na ma-aksidente ako kapag nagmaneho ako nang lasing.
Pero kailangan kong maunahan si Dad sa pag-uwi.
Iniling ko nang ilang beses ang ulo ko at saka in-start ang kotse ko. Nagdahan-dahan ang pagmamaneho ko dahil nagiging doble ang lahat sa paningin ko. Mabilis kong inihinto ang kotse ko nang makita ko ang pulang ilaw sa traffic sign.
Maya-maya ay nag-berde na ulit ito kaya't nagtuloy ako sa pagmamaneho. Nahihilo na ako at inaantok. Mag u U-Turn na sana ako nang bigla ko na lang maramdaman ang pagsalpok ko.
Nanghihina ako at hindi ko alam ang gagawin. Lasing ako at nahihilo. Paniguradong makakasuhan ako nito. Hindi ko alam pero unti-unti na lang nag-dilim ang paningin ko at naging manhid ang buong katawan ko.
THALIYAH's POV
MAAGA akong nagising dahil may gusto akong daanan. Bagama't napuyat ay naging maayos naman ang tulog ko. Nakita ko ang mga bukas kong libro sa study table ko.
Naiwan ko palang hindi naka-sara 'tong mga 'to?
Inayos ko lang ang mga ito at ibinalik sa maayos na pagkaka-salansan sa shelf ko. Matapos non ay naligo ako at nag-ayos ng sarili. Nag-spray ako nang paborito kong Black Opium by Yves Saint Laurent. Nang ma-kontento ay bumaba na ako.